JERRY OLEA
Dumadalangin para sa himala ang premyadong aktor na si Dido de la Paz.
"Hindi ako makatulog....” pasakalye ng 65-anyos na aktor sa Facebook post niya nitong Marso 28, Lunes ng madaling-araw.
Gumanap si Dido bilang Doc na mentor ni Abra sa Cinemalaya 2017 film na Respeto.
Hinaing ni Dido (published as is), “Paano na kaya ito???... Sabi ng doktor hindi na raw pwedeng operahan yung cancer ko. Kumalat na.
“Base sa nakita sa ctscan, umabot na sa utak ko. May nasilip din sila'ng kung ano sa lungs ko.
“Kailangan kong ma test to rule out TB dahil baka mahawaan ko ang pamilya ko, ang mommy ko na 96 yrs old na at mga anak kong mga bata pa.
“Hindi din daw makukuha sa chemo. Radioncology daw ang posible pero mahal. Kailangan ng cranial ctscan, chest ctscan,o baka petscan para isahan nalang.
“Lumolobo ang utak ko sa halagang kakailanganin. Gusto kong gumaling, lumaban!
“Gusto kong mabuhay, hindi para sa akin kundi para sa mga anak ko na mga nagaaral pa at ako lang ang inaasahan.
“Gusto ko sanang maka attend ng debut ng 14 year old daughter ko...pero Paano?
“Pinoproblema ko nga yung upa nitong bwan na ito. Koryente, pagkain.... Paano!!!???
“Kaya humihingi ako ng dasal, dahil hindi ko maisip kung paano. Wala along naipon, Matagal na akong walang trabaho. Wala akong options! Nagdadasal ako para sa milagro.
“Pinagdadasal ko na sana may mga tumulong ulit sa akin. Na sana hindi magsawa at muli ay tumulong. Mga may konting sobra na magsshare ng kanilang blessings.
“Hindi ko kayo kayang bayaran pero masusuklian ng Diyos ang inyong pasakit, kabutihang loob at pagmamahal. “Kung meron sa inyong nahihipo ng Diyos na tumulong, nasa ibaba ang mga detalye kung saan pwede niyong ipadala ang tulong niyong pinansyal.
“Help me please...HELP US? Please continue praying also.
“BPI “Savings “Acct.name- Bienvenido V. de la Paz II “Acct.number- 848-914-6232 “GCash acct.number- 0905-737-2088 “GOD BLESS YOU PO...”
Na-diagnose na may adenoid cancer si Dido noong 2008.
Ang adenoid cancer ay isang bihirang uri ng cancer na kadalasang nagdi-develop sa salivary glands o ibang bahagi ng ulo at leeg.
NOEL FERRER
Ipinagpapasalamat natin ang katotohanang sa show business, malakas ang spirit ng bayanihan.
Sana, marami sa ating kasamahan sa industriya ang tumulong kay Sir Dido.
Pero sana, on a more institutionalized at long term na tulong, dito dapat pumasok ang ayuda mula sa mga sangay ng gobyernong dapat tumulong sa ating mga manggagawa sa TV at pelikula.
Sana, matulungan din siya ng FDCP at Film Academy of Philippines, Actors Guild, at MOWELFUND. We’ll see.
GORGY RULA
Sa tingin ko, hindi siya pababayaan ng mga kasamahan natin sa showbiz. Pagdating sa ganung kalagayan, dito nagkakaisa para matulungan si Sir Dido.
Sana, sa pamamagitan ng item na ito, marami ang magpapaabot ng tulong.
Kung marami ang nagdadasal sa paggaling ni Kris Aquino, sana’y ganun din ang ibibigay sa mahusay na aktor na malagpasan niya ito at mapagbigyan ang kanyang hiling.