Watch Now

VP Leni Robredo, hindi pumayag magpalibre sa kinainang fast food resto ng celebrity couple

by PEP Troika
Apr 4, 2022
Leni Robredo, #PHElections2022
VP Leni Robredo, marespeto at nakangiting sinabi sa manager ng fast food restaurant (left) na aalis siya sa lugar kapag hindi siya pinagbayad ng in-order niyang meal.
PHOTO/S: CTTO / VP Leni Robredo Facebook

NOEL FERRER

Nang maipaabot sa akin ang kuha ni VP Leni Robredo pagkatapos ng debate ng presidentiables kagabi, April 3, 2022, agad akong nag-post sa Facebook.

Sabi ko: "During dinner after last night's debate, the Manager of the eatery said dinner was on the house.

"She refused, and when they insisted, she smilingly said she'd politely leave if they insist. Yan ang leader (at tao) na iginagalang natin.

"Simple talaga at walang sense of entitlement. Ayaw masanay sa perks at pribelehiyo.

"Yan si Leni Gerona Robredo, ang susunod nating Pangulo. Huwag natin siyang sayangin!"

Soon after, nag-viral at kumalat na ang post na ito sa IG at FB ko.

Until one of our friends Allan Diones forwarded to me that tweet that clearly stated that it happened in Army Navy in LaSalle.

VP Leni Robredo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Of course, I had to ask our celebrity friends if this is indeed their branch where the VP went to.

At talagang tahimik lang sila para hindi rin magmukhang they are taking advantage of the situation for mileage. In fairness to them, tahimik talaga sila.

Until our celebrity-friend answered na, "Hindi lang daw kagabi sila nandun kundi two weeks ago rin after the first COMELEC debate.

"Manghang-mangha ang staff sa kanila, kapatid. As in, pigil na pigil ang kanilang pagiging faney kumbaga."

For now, hinay-hinay muna ang celebrity couple na ito dahil sa kanilang contractual obligations sa kanilang endorsements, pero alam natin na kung saan sila ngayon, hanggang makakatulong, tutulong ang mag-asawang ito.

Basta, hindi man hayag, mararamdaman din ito. Promise!!!

GORGY RULA

Iyon naman ang dapat. Hindi inaabuso ang kapangyarihan at kasikatan.

Lalo na sa panahon ngayon ng pandemya, dapat na kumita rin ang mga maliliit na negosyante.

Pero ang malalaking negosyante naman ay talagang namumuhunan sa mga kandidatong posibleng magwagi sa darating na eleksyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, magamit sa tama at nararapat. Walang may magsusubi.

JERRY OLEA

Habang papalapit ang eleksyon, parami nang parami ang mga kuwento tungkol sa mga pulitikong tumatakbo.

Ang iba’y gumigimik. Merong bait-baitan sa infomercial. At meron ding sadyang mapagkumbaba, at hindi entitled sa kung ano pa man.

Antabayanan natin kung pagkatapos ng eleksyon ay ganun pa rin ang gawi ng mga pulitikong nababalita sa panahon ngayon.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
VP Leni Robredo, marespeto at nakangiting sinabi sa manager ng fast food restaurant (left) na aalis siya sa lugar kapag hindi siya pinagbayad ng in-order niyang meal.
PHOTO/S: CTTO / VP Leni Robredo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results