Watch Now

Family Feud, patuloy ang pamamayagpag sa ratings

by PEP Troika
Apr 4, 2022
Family Feud, ratings, GMA-7
Dingdong Dantes, sobrang nagpapasalamat sa suporta ng Kapuso viewers sa Family Feud. Ang celebrity contestants na sina Edgar Allan Guzman (upper right) at Gardo Versoza (lower right) ang naglaro noong April 1, 2022.
PHOTO/S: Screengrab from Family Feud

GORGY RULA

Nagpasalamat si Dingdong Dantes sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa game show niya sa GMA-7 na Family Feud. Akala namin, hindi nito mame-maintain, pero lalo pang tumaas ang ratings nito.

Pinakamataas so far ang rating ng Family Feud noong Biyernes, April 1, 2022, kung saan naglaro si Edgar Allan Guzman at ang kanyang pamilya kalaban ang pamilya ni Gardo Versoza. Naka-7.3% ito, base sa datos ng AGN Nielsen NUTAM.

Nung nakaraang linggo ay nag-post si Dingdong sa kanyang Instagram account ng pasasalamat.

Aniya, "Moment of joy! Ganito yung nararamdaman ko ngayon dahil halos dalawang linggo pa lang ang lumilipas pero grabe na ang suportang ipinaramdam niyo para sa Family Feud PH! [applause emoji].

"I’ll be forever grateful for this opportunity to bring joy and laughter to all our Kapuso and every Filipino family watching the show! Salamat po! @gmanetwork."

Text naman ng Kapuso Primetime King sa PEP Troika, "Maraming salamat sa suporta. Umpisa pa lang ito ng masayang bonding with the family araw-araw… dito sa GMA. Good vibes from start to finish."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Celebrities na may real-life feud, puwedeng sumali sa Family Feud

Samantala, okay rin ang viewership sa GMA-7 ng primetime nung Sabado, April 2. Naka-7.9%, ang 24 Oras Weekend, at 1.4% ang katapat nitong TV Patrol Weekend.

Sumunod ang Pepito Manaloto (replay episode) na naka-9.4%, at 1.3% naman ang My Papa Pi. Na-maintain naman ang 10.7% rating ng Agimat ng Agila, at 1.5% naman ang Pinoy Big Brother.

Ang Magpakailanman ay naka-12.4%, at 2.3% ang Maalaala Mo Kaya.

Nung Linggo, April 3, halos na-maintain din ang rating ng karamihang programa sa Kapuso network.

Bahagyang tumaas ang All-Out Sundays kung saan winelcome bilang bagong Kapuso si Zephanie. Naka-4.2% ito, at 2.5% ang ASAP Natin ‘To. Naka-3.3% ang GMA Blockbusters, at na-maintain ding mataas ang FPJ Da King na 3.6%.

Naka-3% ang The Best Ka!, at 3.3% naman ang Regal Studio Presents, at 5.7% ang Amazing Earth.

Pagdating sa primetime ay halos ganun pa rin ang rating. Naka-10.9% ang 24 Oras Weekend at 1.7% ang TV Patrol Weekend. Medyo bumaba ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-10.8%, at 1% ang PBB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumaas uli ang Happy ToGetHer na naka-13.5%. Ganundin ang Kapuso Mo Jessica Soho na naka-17.4%.

At lalong tumaas ang The Boobay and Tekla Show kung saan si David Licauco ang guest kasama ang mga bagong sexy talents at models ng GMA-7. Naka-5.1% ito.

JERRY OLEA

Tumpak na pak na pak ang pasya ng GMA-7 na itong Family Feud ang pumuwesto sa timeslot dati ng Wowowin: Tutok Para Manalo ni Willie Revillame.

Win na win, panalung-panalo sa ratings ang game show na hinu-host ni Dingdong Dantes.

Kung ratsada pa rin sa ratings ang replay ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, OK lang ba na mag-replay pa ito nang mag-replay?

Lalong nagiging kapana-panabik ang mga kaganapan sa Agimat ng Agila, samantalang yung PBB ay bahagya nang pumukaw sa ating kamalayan.

Kung may pa-Zephanie ang All-Out Sundays, nagbalik naman si Martin Nievera sa live presentation ng ASAP Natin ‘To.

Happy tayo na patuloy ring mataas ang ratings ng sitcom ni John Lloyd Cruz na Happy ToGetHer. Inaasam nating maging certified Kapuso si Lloydie!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Suwerte ang GMA at pawang matataas ang rating ng mga ipinalit sa Wowowin—from Dapat Alam Mo! to Family Feud.

Buti na lang, okay pa rin ang ratings ng ibang TV shows sa kabila ng pagiging busy sa ganap ng mga tao sa face-to-face classes na at work pati na sa kampanya.

Napanood ko ang Presidential Debate kagabi, April 3, at may sawa at boringga factor na ito. Sayang, matutuloy pa ba kaya ang pina-plug nang GMA Debate?

I’m sure kung sila ang gagawa niyan ay siguradong interesting. Pero mapapapunta ba nila si Marcos Jr.?

Kaya tuloy ang ABS-CBN, may Kampanya Serye na lang at isang interviewhan sa late night kada kandidato. Good sa TV.

Ito pa rin kaya ang mas may matinding impact sa tao o ang social media na? Ano sa tingin ninyo?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes, sobrang nagpapasalamat sa suporta ng Kapuso viewers sa Family Feud. Ang celebrity contestants na sina Edgar Allan Guzman (upper right) at Gardo Versoza (lower right) ang naglaro noong April 1, 2022.
PHOTO/S: Screengrab from Family Feud
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results