Watch Now

Crown Artist Management, nilinaw ang estado ni John Lloyd Cruz sa GMA-7

by PEP Troika
Apr 6, 2022
rambo nunez john lloyd cruz
Crown Artist Management's Rambo N. Ortega (left) on prime artist John Lloyd Cruz: "If there’s one thing kasi na mae-emphasize with JL right now is… ang gusto niya, everything that he does — regardless kung TV ito, sitcom or movie — is best quality talaga.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram

JERRY OLEA

Sa Mayo o Hunyo uumpisahan ni John Lloyd Cruz ang pelikula nila ni Jasmine Curtis-Smith.

“Actually, maraming nagpi-pitch sa kanya,” sabi ni Rambo N. Ortega nang makausap namin nitong Abril 5, Martes, sa TV5 Media Center, Mandaluyong City, matapos mag-renew ng kontrata sa Singko si Maja Salvador.

“We’re just looking for the right projects talaga, either on TV or movies. But yun, we’re in the process of accepting yung mga pitches.

“Kasi, he’s very particular with the script. So, parang before he even considers a project, kailangang makita niya yung script.

“Ahhm, para at least yung gagawin niya is really gonna be nice even sa mga viewers, yung mga fans niya na nag-aabang, para worthwhile talaga.”

Ang career ni John Lloyd ay mina-manage ng Crown Artist Management, kung saan magkakatuwang ang magkasintahan na sina Rambo at Maja, at si Mikki Gonzalez.

Sabi ng Kapuso executive na si Joey Abacan kamakailan sa isang virtual mediacon, may mga pini-pitch ang GMA Network kay John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa GMA-7 na ba talaga ang premyadong aktor? O puwede itong lumabas sa TV5?

“Actually, hindi siya exclusive with anyone. He can work with ABS-CBN, TV5, Cignal, GMA, or abroad,” pahayag ni Rambo.

“Maraming opportunities and he is very open. At the end of the day, ang pinakaimportante talaga is the project.

“Kasi, if there’s one thing kasi na mae-emphasize with JL right now is… ang gusto niya, everything that he does — regardless kung TV ito, sitcom or movie — is best quality talaga.”

Hanggang kailan sa GMA-7 ang Season 2 ng sitcom ni John Lloyd na Happy ToGetHer?

“Season 2 just started. Matagal-tagal pa siya. Like in fact, may mga plans to do it out of town, probably out of country if everything permits,” saad ni Rambo.

“Pero yun, it’s gonna be more and more exciting. I think, nakikita naman ng mga viewers yun na even yung ratings, e, going up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Consistent siya. Because ang daming surprises, e.

“I think yun ang sample ng sinasabi ko kanina na yung quality talaga, very particular si Lloydie, para hindi siya yung parang isang project na makakalimutan kaagad.

“Like ito, sitcom lang, pero makikita mo yung tatak-JLC.”

GORGY RULA

Maraming naghihintay kay John Lloyd na mag-participate sa isang Kapuso event.

Si Xian Lim na hindi pa ipinapalabas ang seryeng False Positive with Glaiza de Castro ay nakibahagi na sa Kapuso event recently sa Dubai, UAE.

Puwede bang mapakiusapan si John Lloyd na lumahok sa isang event para sa Kapuso fans, kahit sa probinsya? Umiiwas ba si John Lloyd, o masyadong busy?

“Actually more of schedule din talaga. Ahhm, and I think, ang importante kasi kay John Lloyd, hindi siya yung basta-basta pag-usapan lang,” paliwanag ni Rambo.

“Ahhm, yung kino-connect siya doon sa project, di ba? So, it’s more of that, e, na parang hindi naman sa ayaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Like even the management agrees na, kumbaga, kung magpo-promote man, magso-show… may rason, di ba?

“Hindi siya yung like promotion lang or what, because yun yung ano namin with JL, e.

“Everything is tied in together, na kung siguro kung may project na siya na ia-announce, it could be a good time for him to like promote kung sino yung leading lady niya.

“Siguro, not to preempt anything lang din. Kasi, kumbaga, masyado nang defined yung JL, di ba?

“So, everything that he does now, gusto niya, iba. Iba. Merong siyang bagong offering, di ba? And it comes with yung other things.

“Hindi lang dun sa project but also pag, yun nga, if he attends events, at least maibibigay na yun for the show itself, di ba, as preparation.”

NOEL FERRER

Kung ang iba sa TV, hinihintay ko si JLC sa pelikula kung saan siya kinikilalang hari.

May pelikula na siyang natapos with Lav Diaz. Sana, makagawa pa siya ng maraming significant films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyan ang JLC na hinahangaan natin, isang tunay na committed na artist!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Crown Artist Management's Rambo N. Ortega (left) on prime artist John Lloyd Cruz: "If there’s one thing kasi na mae-emphasize with JL right now is… ang gusto niya, everything that he does — regardless kung TV ito, sitcom or movie — is best quality talaga.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results