Watch Now

Ethel Booba, malaki ang naging pagbabago mula nang magka-baby

by PEP Troika
Apr 6, 2022
ethel booba k brosas lakwatsika
Ethel Booba reveals that it would be her third if current partner Jessie Salazar proposes to her. Ethel co-hosts the travel-talk show Lakwatsika with K Broasa (right).
PHOTO/S: TV5 / Cignal

GORGY RULA

Ibinuking ni Ethel Booba mediacon ng bagong show nila ni K Brosas sa TV5 na Lakwatsika, noong Martes, April 5, 2022, ang tungkol sa pag-propose sa kanya ng partner niyang si Jessie Salazar.

Read: Ethel Booba, Jessie Salazar admit setbacks at the start of relationship

Natanong kasi kina Ethel at K Brosas kung sakaling ikakasal sila, saang lugar nila gustong gawin ang seremonya.

Ang bilis ng sagot ni K na type na type niya ang ganda ng Batanes.

Si Ethel naman ay Boracay, para raw makatipid.

“Kasi may condo naman ako dun para tipid,” pakli ni Ethel.

Humirit si K na dapat ay mag-propose na muna.

Dito na ibinuko ni Ethel na nakita raw niyang bumili na ng singsing ang kanyang partner. Hindi lang niya nilinaw kung nakapag-propose na ba si Jessie o may balak pa lang.

“Bumili ng singsing e, pero hindi ko pa sinusuot,” sabi ng host ng bagong reali-talk show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nandun din si Jessie sa mediacon, pero bigla itong nagtago nang napag-usapan ang tungkol sa singsing.

Nalaman pa raw kasi ni Ethel na nagtatanong na ang kanyang partner ng lugar na posibleng pagdausan ng kasal.

“Nag-inquire pa kung saan ikinasal sina Derek Ramsay at si ano… yung may bundok ba yun?

“Ano 'to? Ano feeling mo, si Derek ka?” natatawang kuwento ni Ethel.

“At ikaw naman si Ellen?” hirit ni K Brosas.

Sinabi ni Ethel na sakaling mag-propose na si Jessie ay magyi-yes na siya dahil pangatlong proposal na raw itong natanggap niya.

“If ever, pangatlo ko na ‘to na may nag-propose sa akin. Pero hindi talaga ako nagsi-say ng yes. Natatakot ako, e,” pahayag ni Ethel.

Ikinaloka ito ni K dahil hindi pa raw niya na-experience na may lalaking nag-propose sa kanya.

“Natakot ako talaga,” sabi pa ni Ethel.

Read: Ethel Booba says she discouraged live-in partner from proposing to her

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi pa kasal ang focus ngayon ni Ethel kundi itong bagong show nila ni K. Ipinagpapasalamat ni Ethel sa TV5 at Cignal Entertainment dahil ipinagkatiwala ito sa kanya.

Mala-travel at talk show na may pagka-reality show ang Lakwatsika, kung saan iniikot nila ang iba’t ibang bahagi ng bansa para alamin ang mga magagandang lugar doon na hindi pa gaanong alam ng mga manonood. Suportado ito ng Department of Tourism, at sa tulong ng Red Crane Studios.

Online hosts ng naturang programa ang bagong talents ng TV5 na si Queenay, ang Bidang Batangueña na isang Tiktok content creator, at ang champion ng Sing Galing na si Marimar Tua.

Magsisimula na ang Lakwatsika sa April 18 ng 11:00 a.m., mula Lunes hanggang Biyernes.

JERRY OLEA

Aminado si Ethel na magmula nang magka-baby siya ay ang laki ng ipinagbago niya. Mas naging seryoso na raw siya sa trabaho, at wala na raw yung pagka-luka luka niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napansin ito ng mga katrabaho niya na ikinatuwa nilang lahat.

“Hindi ko rin ma-explain. Ganun pala talaga kapag ina ka na.

"Ano yun, e, lahat ng ginagawa ko para sa kanya. Kapag nagkakamali, ayokong mapahiya siya.

“Siyempre, ang dami kong kalokahan dati, lalo na pag love life. Nakakatuwa naman na kusa namang nagbago ako. Dala na ring ina na ako.

"Thank you at na-appreciate nila yun."

Ayaw rin niyang isali sa pagpapatawa ang kanyang baby. Ayaw raw niyang gawing joke ang kanyang anak.

NOEL FERRER

A child is always a blessing. It gives you focus sa buhay mo.

I remember Ethel to be soooooo opinionated before. Sayang yung platform niya before.

Nasaan na kaya yun? Iba na ba ang nagmamay-ari? Ito sana ang naging steady platform ni Ethel ng kanyang saloobin.

Sa panahon ngayon niya talaga pinili na manahimik. For her kid ba ito, or for world peace… or both?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ethel Booba reveals that it would be her third if current partner Jessie Salazar proposes to her. Ethel co-hosts the travel-talk show Lakwatsika with K Broasa (right).
PHOTO/S: TV5 / Cignal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results