Watch Now

Noli de Castro, balik-TV na via KBYN: Kaagapay ng Bayan

by PEP Troika
Apr 13, 2022
noli de castro kabayan
Matapos magpaalam sa TV Patrol noong October 2021, balik-TV si Noli de Castro sa pamamagitan ng public-service program na KBYN: Kaagapay ng Bayan.

JERRY OLEA

Balik-TV ang 72-anyos na si Kabayan Noli de Castro sa programang KBYN: Kaagapay ng Bayan na nag-pilot noong Abril 10, 2022, Linggo ng 5:00 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TeleRadyo, ABS-CBN News, at A2Z.

Hatid ng KBYN ang mga istorya ng inspirasyon, pagbangon, at pagtutulungan.

Matatandaang nagpaalam si Kabayan sa TV Patrol noong Oktubre 7, 2021 para tumakbong senador sa ilalim ng Aksyon Demokratiko ni Manila Mayor Isko Moreno.

Iniwan din ni Kabayan ang dalawa niyang TeleRadyo show.

Read: Noli de Castro bids goodbye to ABS-CBN; ABS-CBN pays tribute to his decades of service

Oktubre 13, 2021 inihayag ni Kabayan na umatras na siya sa kandidatura niya sa pagka-senador.

Read: Noli de Castro withdraws candidacy for senator in the 2022 elections

Oktubre 26, Martes ng gabi, kumalat ang ilang post sa social media na kesyo “pumanaw” na si Kabayan matapos umanong madulas at ma-comatose.

Kaagad itong pinabulaan din ng kanyang anak na si PTV General Manager and COO Kat de Castro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Post ni Kat sa Facebook, “Hi everyone. My Dad's absolutely fine. We just had dinner.”

Kinabukasan ay nag-post si Kabayan sa Instagram ng video ng kanyang koi pond.

Aniya sa caption, “Magandang umaga, Bayan. Pagpalain sana po ng Diyos ang inyong umaga, mga kabayan.”

Read: Noli de Castro resurfaces on Instagram after death hoax

Lumutang ang bali-balitang lilipat si Kabayan sa TV5. Pero noong Nobyembre 8, 2021 ay bumalik si Kabayan sa TeleRadyo.

Read: Noli de Castro to return to TeleRadyo after withdrawal from senate run

Siyangapala, tampok sa KBYAN sa Abril 17, Linggo ng Pagkabuhay, ang hirap na dinanas ng jeepney drivers, na ngayon ay gumagawa ng computer tables upang guminhawa sa buhay.

Matutunghayan din ang matinding training ng mga nangangarap maging P-Pop idols sa SBTalent Camp na nag-train sa grupong SB19.

NOEL FERRER

Mas okey na talagang sa media at sa ABS-CBN mag-retire si Kabayan kaysa sa politika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muntik na siyang mapasubo muli sa pagsabak niya sa pagtakbo sa pagkasenador ngayong eleksyon, buti na lang at nag-back out na siya nang maaga, dahil ang mga kasama niya sa partido/grupo ay wala man lang sa winning circle, ayon sa surveys.

Buti at nakabalik na ulit sa free TV si Kabayan Noli de Castro.

GORGY RULA

Public Service program itong KBYN. Hindi kaya paghahanda na rin ito sa susunod na eleksyon?

Pero sana, tama na at dito na sa broadcasting mag-retire si Kabayan. Sa totoo lang, iba talaga kapag nasa news pa rin ang mga beteranong broadcasters kagaya nina Noli de Castro, Mike Enriquez, at Mel Tiangco.

Kaya sana, makakabalik na rin sa TV Patrol si Kabayan.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos magpaalam sa TV Patrol noong October 2021, balik-TV si Noli de Castro sa pamamagitan ng public-service program na KBYN: Kaagapay ng Bayan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results