Watch Now

Ang beauty secret ni Nova Villa kung bakit hindi halatang 76 na siya

by PEP Troika
Apr 13, 2022
Nova Villa, False Positive
Nova Villa on her beauty secret: "Hilamos lang ako at saka sabon. It is what is in your heart. It is within. Lumalabas if God is with you. You will look young."
PHOTO/S: False Positive pictorial

GORGY RULA

Ipinagdiriwang ni Nova Villa ang kanyang ika-76 kaarawan ngayong Abril 13, 2022, Miyerkules Santo.

Tamang-tamang nasa mediacon siya ng bagong drama series ng GMA-7 na False Positive na bida sina Glaiza de Castro at Xian Lim, at magsisimula na sa Mayo 2.

False Positive

Binati roon ang beteranang aktres. Doon na rin niya ibinahaging nag-positive siya sa COVID-19 noong 2021, at na-hospitalize siya dahil nagka-pneumonia siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya marami raw siyang ipinagpasalamat nang magdasal siya sa Panginoon, na umabot pa siya ng 76 years old.

Read: Nova Villa, ipinaubaya na sa Diyos ang kapalaran nang magka-COVID noong 2021

Pahayag ng veteran actress, "Sa 76 years, lahat na klaseng pagdurusa, inabot na natin. Nobody is exempted sa lahat na trials na dumating sa akin, at itong mga trials na ito ang nagpatatag sa atin.

"That is why, nandito pa rin tayo, lumalaban sa buhay. Pero pag kasama mo ang Panginoon, kayang-kaya natin ito.

"Na-COVID na ako. Ang COVID ko, pneumonia. Isang paa na lang, nasa hukay na."

Nagkasakit siya bandang August o September 2021, nung kasagsagan ng pagkalat ng Delta variant.

Nung nasa hospital daw siya ay ipinagdasal niyang handa na siya at tulungan siya ng Panginoon na hindi siya mahirapan.

"Na-COVID na nga ako, nakipagbiruan pa ako, e. At saka wala akong naramdamang takot nung ma-COVID ako. Naka-ready lang ako. Ganun lang ang sikreto ko sa buhay. Gusto ko lang masaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Handa na ako. More on, 'Lord, whatever is Your will, tulungan Mo lang ako na matanggap ko lahat ito. Kung ano ang para sa akin, kung ano ang ibibigay Mo sa akin, huwag Mo lang akong pabayaan.'

"And then, I mentioned the people na may sakit din, inu-offer ko naman yun for them," saad ni Tita Nova.

Ngayong nalagpasan niya ito, lalong tumibay ang pananampalataya niya sa Diyos

Tingin niya, may misyon pa siyang kailangang tuparin.

Sa edad na 76 ay malakas pa raw siya at nagagawa pa nia ang gusto niyang gawin.

"I still believe I have a mission. So, when you believe that you have a mission in this world, at ikaw naman ay alam mong malapit sa Panginoon, hindi ka ba magmukhang bata kapag ang Panginoon ay nasa puso mo at lagi kang sumusunod sa kanya, at lagi kang nagdadasal," dagdag niyang pahayag.

JERRY OLEA

Nakasanayan na ni Tita Nova na sinasabihan siyang hindi siya mukhang 70-plus na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pagdarasal daw ang nagpapabata sa kanya.

Aniya, "Itong birthday ko ngayon, lahat ng nagsasabi, tinatanong ako kung ilang taon na ako. Sabi ko, 76. Sabi, para lang daw ako 50, parang 60, may 45, mga ganun.

"Sanay na ako makarinig ng ganun. Pero nasa isip ko, it’s a blessing, pati yung lakas. Kaya nga kaya ko pa… Nagtatanim nga ako sa bundok, may farm ako. Kaya ko lahat ‘yan.

"Lahat ito, blessing. Kaya ano pa ba ang puwede kong sabihin sa birthday ko? Na up to now, nararamdaman ko ang lakas.

"Nakikita ko sa salamin ang hitsura ko. Ano pa ang puwede nating sabihin kundi, 'Salamat, Lord.'

"Ano pa po ang sikretong kailangan? Sabi nila, 'Ano ba ang ilalagay mo sa mukha mo, bakit mukha kang bata?' Wala. Hilamos lang ako at saka sabon.

"It is what is in your heart. It is within. Lumalabas if God is with you. You will look young.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Basta masaya ako. Gusto ko masaya. Masaya tayo. I love everybody, wala akong kaaway. Kaya napu-project sa screen."

NOEL FERRER

Kilalang paladasal at relihiyosa si Tita Nova. Ipinagdadasal din daw niya ang lahat na namayapa na.

"Ang prayers ko for everybody. Marami akong kaibigan na may sakit. Marami akong kaibigan na namatay, mga 30 years ko na ipinagdadasal every day sa mass.

"I attend mass every day, sometimes twice a day. I offer their souls na nasa purgatory," sabi pa ni Tita Nova.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nova Villa on her beauty secret: "Hilamos lang ako at saka sabon. It is what is in your heart. It is within. Lumalabas if God is with you. You will look young."
PHOTO/S: False Positive pictorial
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results