Watch Now

Raquel Pempengco, iginiit na di nagparamdam si Jake Zyrus hanggang ma-cremate ang lola at uncle ng singer

by PEP Troika
Apr 18, 2022
raquel pempengco jake zyrus
Raquel Pempengco to Jake Zyrus: “Ipinaparating ko po una kay Jake o kay Charice, mag-ingat na lang po siya kung nasaan man siya ngayon. Kung hanggang saan siya dadalhin ng katigasan ng loob niya, ng pagmamalaki niya, bahala na lang po si Lord ang gumabay sa kanya.”
PHOTO/S: Facebook / Noel Orsal

GORGY RULA

Muling nagpa-interview ang ina ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco sa radio program ni Morly Alinio sa DZRH nung Linggo ng gabi, April 17 2022.

Ayon kay Raquel, hindi na talaga nagpunta o kahit nagparating man lang ng mensahe si Jake bago na-cremate ang lola ng singer na si Lola Tess Pineda at ang tiyuhin na si Robert Pineda Relucio.

Bago ang cremation nung April 10, umaasa pa rin si Raquel na darating si Jake o kahit magpautos man lang daw para iparating ang pakikiramay nito, pero wala.

Read: Raquel Pempengco, hangad pa rin ang lubos na pakikiramay ni Jake Zyrus

Kaya huwag daw sanang sabihin ng kampo ni Jake na nakipag-usap sila sa isang miyembro ng pamilya, dahil hindi raw nila ito ginawa.

“Kinonfirm ko po sa kapatid ko, kasi ang kapatid ko ang natitira na lang, at kami, mga pamangkin ko, tinanong ko po kung nag-reach out na ba sa kanila, e, wala naman daw pong nagri-reach out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun lang po ang iki-clear ko. At least, binigyan ko po siya binigyan ng chance para makita niya.

“Bago ko naman pina-cremate si Nanay at si Kuya Obet, binigyan ko siya ng pagkakataon kung gusto lang niya makita, e, kaya lang po wala naman pong ano, kahit may representative lang sana, e, wala naman pong nagpunta.

“Sana, hindi na lang sila naglabas ng mga ganun na mga salita para hindi na po madagdagan ang sama ng loob ng mga namatayan,” pahayag ni Raquel tungkol sa press statement na inilabas ng kampo ng singer.

Sabi pa ni Raquel, kung may galit man daw si Jake sa kanya, sana’y isinantabi muna niya ito alang-alang man lamang kina Lola Tess at Tito Obet.

“Huwag na lang po sana yung pagbibigay ng respeto sa akin. Respeto na lang po sa nanay ko at sa kapatid ko. Yun na lang po ang hinihiling ko nung oras na yun,” hinaing pa ni Raquel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana, sinet-aside na lang muna niya. Sana, para na lang dun sa patay.

"Ayoko naman pong sabihin na dun lang naman kami lahat pupunta. Sana, isipin na lang niya na kadugo naman niya yung namatay. Hindi iba sa kanya.”

Hanggang ngayon ay hindi pa raw naililibing ang urn ng ina at kuya ni Raquel dahil ang balak niya ay kunin kay Jake ang urn ng lolo nito para isama na rin sa pagpapalibing.

“Na kay Jake po yung urn ng tatay ko. Gusto ko po sanang pakuha, para pagsamahin ko na sila.

“Gusto ko pong ilagak dun po sa namatay kong asawa, para magsama-sama sila doon,” saad ni Raquel.

JERRY OLEA

Luhaan si Raquel na nagparating ng mensahe para kay Jake.

“Ipinaparating ko po una kay Jake o kay Charice, mag-ingat na lang po siya kung nasaan man siya ngayon. Kung hanggang saan siya dadalhin ng katigasan ng loob niya, ng pagmamalaki niya, bahala na lang po si Lord ang gumabay sa kanya,” lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Para sa mga nakapaligid sa kanya, kung hindi man nagawa ni Charice yung ano kung tunay kayong mga kaibigan, nagparamdam kayo, pero hindi, e.

"Iba ang ipinarating niyo, puro mga kasinungalingan pa, na nakakadagdag lang ng sama ng loob para sa pamilya na namatayan.

“Wala po ako sa lugar para magalit. Wala po ako sa lugar para maghinanakit.

"Pero siyempre po, dumadating yung time na ako yung kasama niya, hindi ko siya pinabayaan. Nung time na nung siya ay nag-uumpisa, hindi ko siya pinabayaan.

“Kahit na anong mangyari… kaya ako mixed emotions, lahat na mga nararamdaman ko, kasi ina pa rin ako, e. Ayoko pong dumating sa oras na isumpa ko ang sarili kong anak.”

Gusto na ring iparating ni Raquel ang taus-pusong pasasalamat sa lahat na tumulong para mairaos ang burol ng kanyang ina at kapatid, hanggang sa nai-cremate ang mga ito.

“Sa mga tumulong sa akin, gusto ko pong magpasalamat. Sa lahat po sa Amerika na nakasama ko sa trabaho, lahat po ng mga kaibigan ko na malalapit dito sa akin, lahat po ng ilang mga Jakester, Chaster na tumulong din po at nagbigay ng tulong, at saka po mga classmates ko, at ang iba po nasa showbiz na rin, humihingi po talaga ako ng malaking pasalamat sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bahala na po si Lord ang gumanti sa kanila. Saka utang na loob ko po ito sa kanila, dahil hindi ko po kinaya nung time na iyun kung wala din ang tulong nila,” sabi pa ni Raquel.

NOEL FERRER

Darating ang paghihilom at pag-aayos sa pamilya.

Mahirap pilitin sa kaso nina Jake at Racquel. Pero darating din iyan, sa takdang panahon.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raquel Pempengco to Jake Zyrus: “Ipinaparating ko po una kay Jake o kay Charice, mag-ingat na lang po siya kung nasaan man siya ngayon. Kung hanggang saan siya dadalhin ng katigasan ng loob niya, ng pagmamalaki niya, bahala na lang po si Lord ang gumabay sa kanya.”
PHOTO/S: Facebook / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results