Watch Now

Glaiza de Castro, takot pang mabuntis: "Hindi pa ako nagmamadali na ma-positive."

by PEP Troika
Apr 19, 2022
glaiza de castro on pregnancy
Glaiza de Castro on getting pregnant: "Sa tingin ko po kasi, napakalaking responsibility yun, e. So, sa tingin ko, parang natatakot pa ako and, in a way, dahil dun hindi pa talaga ako ready."
PHOTO/S: @glaizaredux on Instagram

GORGY RULA

Nae-excite ang Kapuso actress sa bagong drama series niya sa GMA Telebabad na False Positive. Hindi raw muna sa "positive" sa pregnancy.

Inaabangan na nila ni Xian Lim kung kailan talaga maieere itong bagong seryeng pagsasamahan nilang dalawa, at first project pa ito ni Xian bilang bagong Kapuso actor.

Kaya natuwa sila nang sinabing sa Mayo 2 na ito magsisimula, kapalit sa timeslot ng matatapos nang Widows’ Web.

Read: Xian Lim, aminadong kinakabahan sa pagpapalabas ng una niyang teleserye sa GMA-7

Pero pagdating sa pagbubuntis, aminado si Glaiza na hindi pa siya handa.

Mas ine-enjoy muna raw nila ng mister niyang si David Rainey ang mga oras na pagsasamahan nilang dalawa, lalo na’t hilig nilang mag-travel. Marami pa raw silang gustong puntahan, at hindi na nila ito magagawa kung may baby na sila.

Kaya matagal-tagal pa raw ang pagbubuntis.

Aminado rin si Glaiza na sa ngayon ay takot pa siyang mabuntis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ng Kapuso actress, “Sa tingin ko po kasi, napakalaking responsibility yun, e.

"So, sa tingin ko, parang natatakot pa ako and, in a way, dahil dun hindi pa talaga ako ready.

"And sa tingin ko, darating din naman yung time na magiging ready ako at paghahandaan ko yun nang matindi.

“Kailangan mentally, spiritually, physically prepared ako. Kasi medyo… may mga nagsasabi sa akin talaga na ang pagbubuntis, para siyang nagre-ready sa marathon.”

Nadagdagan pa raw ito ng mga kuwentong naririnig niya kung gaano kahirap ang mabuntis at manganak.

“The other day lang, nasabi sa akin ng nanay ko na yung kapatid ko nag-labor ng two days.

"Two days?! Parang… kapag may period ako, naaano na ako, na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko, mabuntis pa kaya?

“So, parang ang feeling ko, medyo hindi pa ako nagmamadali. Hindi pa ako nagmamadali na ma-positive,” napapangiti niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Masaya si Glaiza para sa BFF niyang si Angelica Panganiban na matagal na rin daw gustung-gustong magka-baby.

“Paunahin ko muna siya para magkaroon ako ng mga nanay tips. Kasi, ngayon pa lang, ang dami ko nang tips na nakukuha sa kanya.

“So, parang ang sarap lang sa pakiramdam na yung journey namin together bilang magkaibigan, nakakarating na sa ganito.

“Parang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na baby na ang pinag-uusapan namin.

“So, ano… masaya ako para sa kanya, of course. Kasi hinihingi niya ‘to matagal na. Excited kami para sa kanya,” pahayag ni Glaiza.

Read: Angelica Panganiban is expecting her first child

NOEL FERRER

Nabalita nga ang surprise na pagbisita ni Glaiza kay Angelica sa Zambales, at talaga namang masaya si Glaiza sa pagbubuntis ng kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa rally ngayon sa Olongapo ni VP Leni Robredo, isa sana si Angelica sa mga magho-host pero nagbigay siya ng mensahe ng pagsuporta at pass na muna siya sa pisikal na mga aktibidades.

Ang Liway na pelikula ni Glaiza ay ipinalalabas sa mga kabataan ngayon bilang pagpapaalala ng kinasapitan natin noong panahon ng martial law.

Looking forward tayo na makasama rin si Glaiza sa kampanya anytime soon. Pero siyempre, choice niya yun. Igagalang natin yun!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro on getting pregnant: "Sa tingin ko po kasi, napakalaking responsibility yun, e. So, sa tingin ko, parang natatakot pa ako and, in a way, dahil dun hindi pa talaga ako ready."
PHOTO/S: @glaizaredux on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results