Watch Now

Sino ang "special friend" na kasama ni David Chua nang magdiwang ng kaarawan ang actor-director?

by PEP Troika
Apr 19, 2022
david chua ann murphy
Actor-director David Chua, tahimik lang nang tanungin kung sino ang babaeng kasama niya nang magdiwang siya ng kanyang 33rd birthday sa Antonio's sa Tagaytay noong nakaraang buwan.
PHOTO/S: David Chua

GORGY RULA

Familiar sa amin ang magandang non-showbiz girl na nakitang kasama ni David Chua nang mag-celebrate ang actor-director na ng kanyang ika-33 kaarawan sa Antonio’s sa Tagaytay City nung nakaraang buwan.

Napag-alamang si Ann Murphy ang babaeng kasama ni David. Isa siyang entrepreneur at close kay David.

Ayaw sagutin ng aktor kung ano talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa. Basta "special friends" daw sila.

david chua ann murphy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakumpirma naming si Ann ay dati palang asawa ni Sam Verzosa ng Frontrow International.

Ayon kay Sam, matagal na silang hiwalay ni Ann at maayos ang kanilang paghihiwalay.

Tahimik lang si Sam, pero na-link na rin siya noon sa isang Kapuso actress. Ngayon naman ay kay David nali-link ang dating asawa niya.

Ang bongga rin naman ni David na bigatin ang mga nali-link sa kanya, pero hanggang intriga pa lang naman at tahimik lang ang actor-director. Basta sa ngayon ay sa trabaho lang daw muna siya mag-focus.

Pagkatapos ni David sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, naging abala naman siya sa kanyang Dark Carnival Productions kung saan may mga napu-produce siyang campaign materials ng kapwa Manileño na si Mayor Isko Moreno.

Read: Actor-director David Chua puzzled by lack of support from celebrities for Isko Moreno's presidential bid

Excited din daw siya ngayon sa isang TV series na ipu-produce ng Dark Carnival pero hindi pa raw muna puwedeng sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Secret pa kung saang TV station,” pakli ni David.

Ito kaya ang suspense-thriller series na dapat pagsasamahan nila nina Raymond Bagatsing at Kelley Day? Na-link din noon kay David si Kelley, di ba?

JERRY OLEA

Ang birthday wish ni David ay, “Contentment, good health, success to all my endeavors, more money in the bank, and hopefully, the end of the pandemic.”

Ang kanyang mantra: “Do not stay to be an overseer of the poor, but endeavor to become one of the worthies of the world.”

Marami pang pinapangarap si David, and we wish him good luck!

NOEL FERRER

Naku, malaking responsibilidad ni David ngayon para iangat ang imahe ng kandidato niyang si Mayor Isko pagkatapos ng ITLOG (Isko, Tito, Lacson, Ong, and Gonzales) Sunday Presscon na tinatawag.

Habang ang iba ay dumistansiya sa kanyang withdrawal proposal kay VP Leni, ano kaya ang gagawin ni David para ma-damage control ang pagme-meltdown ni Mayor Isko? Aabangan natin iyan!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Moreno: "Withdraw Leni"; Lacson doubts "50 percent of Filipinos are Marcos loyalists"

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-director David Chua, tahimik lang nang tanungin kung sino ang babaeng kasama niya nang magdiwang siya ng kanyang 33rd birthday sa Antonio's sa Tagaytay noong nakaraang buwan.
PHOTO/S: David Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results