JERRY OLEA
Magpapa-wholesome ang hunks na sina Juan Carlos Galano at Saviour Ramos sa fantaseries na Raya Sirena, na mapapanood bukas, Abril 24, 2022, Linggo ng 3:05 p.m., sa GMA-7.
Ang Bench Body model na si Juan Carlos ang gaganap bilang Bulan, ang diyos ng buwan at tagabantay ng dagat. Sa mundo ng mga sirena, si Bulan ang may powers upang matupad ang wish ng isang sirena na magkaroon ng mga paa.

Gaganap naman si Saviour bilang Ape, ang merman na magiging karibal ni Gavin (karakter ni Allen Ansay) sa puso ni Raya Sirena (karakter ni Sofia Pablo).
Magpapakita sina Juan Carlos at Saviour ng kakisigan nila sa fantaseries na ito, pero wholesome pa rin sila.
Maganda rin daw na magpapa-wholesome muna sila, at open pa daw sila na magpa-daring sa mga susunod nilang projects.
Sabi ni Saviour, “Ako po, open po ako sa kahit anong ibigay sa akin ng Sparkle, ng GMA. And magiging thankful po ako, kasi sila lang naman po ang makakaalam kung ano pa po ang makakapagpa-shine sa career ko.
“So, open po ako sa kahit anong ibigay po nila sa akin. And ready po ako.”
Kung si Saviour ang masusunod, mas gusto niyang sa wholesome para hindi katulad ng career path ng kanyang amang si Wendell Ramos.
“For me po, dito po ako sa pa-wholesome kasi kung sa pa-sexy po, para lang po ako yung dad ko. So, parang sinundan ko lang po yung dad ko.
“Hindi naman po masama yun, pero gusto ko lang po gumawa ng sarili kong image po.”
Ang cute-cute ni Saviour sa mga litratong pinost niya sa Facebook ngayong Sabado kung saan naka-costume siya bilang merman.

Napanood si Saviour sa isang episode ng LGBT anthology na Unlocked, at isa sa mga suporta sa BL series na Happenstance. Parehong idinirek ni Adolf Alix Jr. ang mga palabas na ito, na kapwa nag-streaming sa GagaOOLala.
GORGY RULA
Para kay Juan Carlos Galano, kung ano ang maganda para sa kanyang career, wholesome o magpaka-daring, okay siya.
“I just wanna be a versatile actor. Kung may i-offer man sa akin na sexy roles pa din, I’ll be open with it for sure,” sabi ni Juan Carlos.
“Definitely, hindi naman natin isasara yung pinto natin para sa mga ibang role na io-offer sa atin, di ba? Kung makakatulong sa career natin eventually, why not?
“Saka maganda at masaya rin na gawin once in awhile na parang maging wholesome din tayo, ang image natin sa masa, di ba?
“Kumbaga, hindi lang puro pakita ng katawan, makikita rin yung wholesome side natin, yung softer side natin in the camera.”
Natapos nang gawin ni Juan Carlos ang pelikulang Cheat Day kung saan bida sina Alexa Miro at Derrick Monasterio, sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.
Read: Juan Carlos Galano plays an asshole character in Cheat Day
Mapapanood din si Juan Carlos sa “My Third Wish” episode ng Regal Studio Presents bukas ng 4:35 p.m., sa GMA-7. Genie naman ang papel niya rito, at katambal niya rito si Lexi Gonzales.

Unang lumabas si Juan Carlos sa MMFF 2021 entry ni Winwyn Marquez na Nelia.
NOEL FERRER
Pampakilig naman sa Raya Sirena ang young actors na sina Allen Ansay at Elias Point.
Ang papel ni Allen ay si Gavin, best friend at sandalsn ni Raya sa mga pagsubok sa buhay. May lihim siyang pagtingin kay Raya.
Si Elias naman ang gaganap na Otep, pinsan ni Gavin na vocal sa paghanga kay Raya — unlike Gavin na torpe.
Ang haba ng hair (o buntot?) ni Raya, huh?!
