PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kylie Padilla, handa nang umibig muli pero hindi nagmamadali

Kylie Padilla, may listahan para sa lalaking gusto siyang ligawan
by PEP Troika
Published May 24, 2022
kylie padilla suitors
Kylie Padilla on lessons learned from her past relationship: “Feeling ko, ang laki ng na-mature ko, e… sana naman, may natutunan ako, and feeling ko talaga, I did. Pero one thing is always to be grateful sa mga bagay na meron sa ‘yo.”
PHOTO/S: @kylienicolepadilla on Instagram

GORGY RULA

Open na si Kylie Padilla sa ideyang magkaroon ng panibagong relasyon pagkatapos nilang maghiwalay ng asawang si Aljur Abrenica, pero hindi raw siya nagmamadali.

Priority pa rin daw niya ang kanyang mga anak at ang trabaho, lalo na't magsisimula na ang kanyang comeback project sa GMA-7, ang primetime series na Bolera.

Read: Kylie Padilla on Aljur Abrenica: "While we were formally married, I never had any extra-marital relationships with other men."

“Open naman na ako. Pero maraming checklists, e, marami silang pagdadaanan,” pakli ni Kylie nang tinanong siya ng PEP Troika sa nakaraang mediacon ng Bolera kung handa na ba siyang ma-in love uli.

“Hindi ko alam kung sino ang tatagal, kasi mga anak ko muna, tapos ako, tapos trabaho ko.

"Pang-fourth, fifth na sila. Papayag ba sila ng ganun?

“Depende, depende kung may mahanap ako na ganun. Hindi naman ako nagmamadali,” dagdag niyang pahayag.

Wala raw siyang iniisip na standard ng lalaking gusto niyang makarelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko alam, e. Malalaman ko pag nakilala ko na siya,” kaswal na sabi ni Kylie.

Marami raw siyang natutunan sa nakaraang relasyon at sa mga pinagdaanan niya. Kaya pawang pasasalamat na lang daw siya.

“Feeling ko, ang laki ng na-mature ko, e… sana naman, may natutunan ako, and feeling ko talaga, I did.

“Pero one thing is always to be grateful sa mga bagay na meron sa ‘yo,” saad ng Kapuso actress.

Mas gusto raw niyang sa trabaho muna siya mag-focus, dahil talagang pinagbuhusan niya ng oras at nagawang iwan ang mga anak para pumasok sa lock-in taping ng Bolera.

Sabi ni Kylie, “Maganda naman yung mga first projects na in-offer sa akin. Maganda naman talaga.

"Ito lang yung naramdaman kong na-in love ako agad. Gusto ko siyang gawin kaagad, nai-imagine ko na.

“Hindi ko naramdaman sa past projects, e. But with this one, oo ako agad, e. Alam kong gusto ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam kong magiging maganda siya, at kapag tinanggap ko siya, yun nga, worth it na malayo ako sa mga anak ko.

“Kasi, wala silang nanay… yun ang first na decision ko kapag nagtatrabaho ako, worth it ba. I’m gonna commit 100 percent.

"Dito ko lang naramdaman sa Bolera, e."

Sa Mayo 30 na magsisimula ang Bolera sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Lady.

JERRY OLEA

Kani-kanya ng proyekto ang apat na Sang’gre sa requel ng Encantadia (Hulyo 2016-Mayo 2017).

Bida si Glaiza de Castro sa ongoing Kapuso primetime series na False Positive, katambal si Xian Lim. Ito ang papalitan ng Bolera ni Kylie.

Namamayagpag si Sanya Lopez sa Kapuso primetime na First Lady katambal si Gabby Concepcion.

Sa Hunyo 6 naman nakatakdang mag-pilot ang teledramang Love You Stranger kung saan katambal ni Gabbi Garcia si Khalil Ramos.

Siyanga pala, hindi pa raw nag-usap si Kylie at amang si Robin Padilla pagkatapos nitong manalo sa nakaraang eleksyon. Pero alam daw ni Kylie kung ano ang gagawin niya ngayong isa nang senador ang kanyang ama.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Feeling ko, automatic na yun na kailangan, behave muna. Yun lang. Hindi pa kami nakapag-usap, e,” lahad ni Kylie.

“Before siya manalo, tinanong ko siya kung lilipat na ba ako ng bahay. Kasi, safety yung iniisip ko, e. Pero mukhang okay naman.”

Read: Robin Padilla, binati ng mga babae sa kanyang buhay

NOEL FERRER

Ngayon, may panibangong pagkakataon si Kylie para patunayan ang kanyang premium bilang artista ulit.

I remember sinubukan na ang tandem nila ni Rayver Cruz sa horror movie ng Regal na Dilim (2014), kung saan ang pangalan ng karakter ni Kylie ay Maritess. Hindi masyadong maliwanag ang sinapit ng Dilim sa takilya.

Sa TV reunion nina Kylie at Rayver, mas kagatin kaya ng audience nila? Sana. Good luck sa Bolera!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla on lessons learned from her past relationship: “Feeling ko, ang laki ng na-mature ko, e… sana naman, may natutunan ako, and feeling ko talaga, I did. Pero one thing is always to be grateful sa mga bagay na meron sa ‘yo.”
PHOTO/S: @kylienicolepadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results