Angeli Khang, di naniniwala sa balitang buntis ang kapwa sexy star

by PEP Troika
May 26, 2022
angeli khang sexy star
Angeli Khang on wish to have a mainstream film to be shown in theaters: “Sino ba naman po ang ayaw na magkaroon ng ganung project? Wish ko rin po yun, pero wala pa po akong naiisip kung sino ang gusto kong maka-partner. Kung sino po ang ibibigay sa akin, okay lang po. Mas alam po ng Viva kung sino po ang bagay sa akin.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Vivamax

JERRY OLEA

Napakunot-noo si Angeli Khang nang uriratin ng isang female showbiz reporter tungkol sa tsismis na buntis ang isang sexy actress na kaibigan niya.

“Is she really?” sabi ni Angeli sa chikahan matapos ang screening ng pelikula niyang Pusoy nitong Mayo 25, 2022, Miyerkules ng gabi, sa isang sinehan sa Quezon City.

“As long as wala akong naririnig sa kanya mismo, I won’t believe it. Kasi, as an artist, there’s a lot of things, there’s a lot of rumors surrounding us.

“And whatever man, kung ano man ang nangyayari sa kanya… as long as she’s happy, and she has inner happy, then…”

Read: Angeli Khang, inaming sinasaktan noon ang sarili dahil sa pisikal na pang-aabuso ng sariling ama

Walang boyfriend si Angeli, at siniguro niyang hindi siya mabubuntis this year.

Inamin ni Angeli na tatlo ang nanliligaw ngayon sa kanya, kabilang ang isang kilalang aktor na hindi pa niya nakakatrabaho. Pare-pareho raw single iyong tatlo niyang suitors, at hindi nalalayo ang edad sa edad niya.

“Pero hindi ko muna siya pina-priority ngayon. Career muna!” pagdidiin ni Angeli.

Pinagbawalan ba siya ng manager na si Jojo Veloso na makipag-boyfriend? Puwedeng magpaligaw, pero bawal makipagrelasyon?

Napangiti si Angeli, “At first. But I’m surprised na hinahayaan lang niya ako, pero sinasabi rin niya sa akin, lagi niya akong pinapaalalahanan na work muna.

“Na lahat 'yan, dadating sa tamang panahon. Kaya focus muna sa work.”

May mapangahas na eksena si Angeli with Vince Rillon, Kiko Matos, at Baron Geisler sa Pusoy, na mag-i-streaming umpisa Mayo 27, Biyernes, sa Vivamax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Mas maganda pala si Angeli Khang in person!

Ang lakas ng dating niya sa screen, pero mas maganda siya at star na star ang dating sa personal.

Sa ganda niya at alindog na ipinakita sa pelikulang Pusoy, panay raw ang punta ni Tita Mercy Lejarde sa comfort room dahil lagi itong naiihi.

“Congratulations! Sobra akong naeelya! Minu-minuto, naiihi ako, e!” himutok ni Tita Mercy.

“Sa susunod, mas galingan niyo pa para lalo akong ihi nang ihi. Salamat, ha?!”

Inamin sa amin ni Angeli na hangad din sana niyang makagawa ng isang pang-mainstream na pelikulang mapapanood sa mga sinehan.

Wala siyang binanggit na pangalan kung sino ang gusto niyang makasama, pero sana, mangyayari na raw ito sa kanyang showbiz career.

“Sino ba naman po ang ayaw na magkaroon ng ganung project? Wish ko rin po yun, pero wala pa po akong naiisip kung sino ang gusto kong maka-partner.

“Kung sino po ang ibibigay sa akin, okay lang po. Mas alam po ng Viva kung sino po ang bagay sa akin,” pahayag ni Angeli.

Kung sakaling pang-mainstream na si Angeli Khang, paninindigan pa rin kaya ng Viva ang ganung screen name? Madalas kasi ay napapagkamalan siyang tawaging “Angelika.”

NOEL FERRER

Hindi yata Angelika ang tumatatak sa kanya kundi ang Khang!

At kapag ang veteran showbiz columnist na si Tita Mercy ay nasi-CR because of her, that says a lot!!!

Naalala ko tuloy si Belinda Bright whose brightness may be challenged. May Angeli live up to her name… as Khang Do more than Cannot!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeli Khang on wish to have a mainstream film to be shown in theaters: “Sino ba naman po ang ayaw na magkaroon ng ganung project? Wish ko rin po yun, pero wala pa po akong naiisip kung sino ang gusto kong maka-partner. Kung sino po ang ibibigay sa akin, okay lang po. Mas alam po ng Viva kung sino po ang bagay sa akin.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results