GORGY RULA
Bashing at panlalait mula sa ilang netizens ang inabot nina Paul Salas at Kate Valdez, kasama ang kani-kanilang pamilya, nang maglaro sila sa top-rated game show ni Dingdong Dantes na Family Feud nung nakaraang Biyernes, Mayo 20, 2022.
Karamihan sa mga komento ay walang kabuhay-buhay maglaro at hindi ma-gets ng netizens bakit hindi maibigay ng contestants ang tamang pangalan ng mga kilalang Kapuso News and Public Affairs personalities.
Kung sinu-sino ang mga nabanggit na pangalang hindi naman kasinkilala nina Jessica Soho, Vicky Morales, Kara David, at Atom Araullo na hindi nila nahulaan.


Pero sa totoo lang, karamihan sa mga nakapaglaro na sa Family Feud ay pareho ang sinasabing iba talaga ang kabang nararamdaman mo kapag nandun ka na sa studio at kaharap na si Dingdong Dantes.
Kahit umaatikabong panlalait ang inabot ng dalawang Kapuso stars na naglaro sa episode na yun, nakapagtala ito ng pinakamataas na rating. Naka-10.7% ito, at tuluy-tuloy nang mataas ang kasunod na episode ng Family Feuds.
Nung nakaraang Lunes, Mayo 23, ay naka-9.4% ito. Bahagya itong bumaba nung Martes, Mayo 24, na 8.7%. Nung Miyerkules, Mayo 25, ay 9.8 percent.
Hindi pa nakuha ng mga dating programa sa timeslot na yun ang ganitong rating.
Dagdag pang saya sa mga taga-Family Feud ang pagbati mula sa host ng Family Feud sa Amerika na si Steve Harvey.
Sabi nga ni Dingdong sa kanyang Instagram account, “Para sa akin, ito yung shoutout na ka-level ng pagbati ni Santa Claus sa mga bata pag Pasko.
“When we started the show in the Philippines for this season’s run, we knew we had big shoes to fill because of the show’s global success. That’s why I am just so grateful, energized and inspired to receive something like this from a person whose hosting skills I idolize.
“Maraming salamat, Tito Steve!”
JERRY OLEA
Napanood kaya ni GMA Chairman and CEO Felipe L. Gozon (FLG) ang episode nina Paul Salas at Kate Valdez sa Family Feud?
Nakakatuwa ang mahuhusay na contestants sa programa, pero mas nakakatawa (at mas nakaka-stress?) ang mga kalahok na syungaers at clueless sa panlasa ng masa.
Aba! Kung ganoong klaseng episode ang mas nagri-rate… OK lang siguro na may mga ganoon pang kaganapan sa programa.
Madalas na higit pa sa doble ang ratings ng Family Feud kumpara sa Wowowin: Tutok Para Manalo na nakapuwesto noon sa nasabing timeslot.
Talap-talap ang Bench Body photos ni Paul Salas. Naglaro na ba sa Family Feud ang pamilya ng iba pang Bench Body hunks na sina David Licauco, Derrick Monasterio, at Jeric Gonzales?
Noong Mayo 20, Biyernes, na naka-10.7% ang Family Feud, kinabog pa nito sa ratings ang primetime teledramas maliban sa First Lady na naka-15.7%.
Yung False Positive ay naka-10.5%, samantalang ang FPJ’s Ang Probinsyano ay naka-9.5%.
Sa pamamayagpag ng TV shows ni Dingdong na Family Feud, Amazing Earth, at Jose & Maria’s Bonggang-Bongga Villa, hindi lang siya Kapuso Primetime King kundi GMA King of Television.
Puwede ngang siya na ang kilalanin bilang bagong Hari ng Telebisyon.
NOEL FERRER
Congratulations sa bumubuo ng Family Feud, ang production team nito at si Dingdong na rin na siya ngang flag carrier ng naturang programa.
Nakatanggap ng commendation ang host na si Dingdong at Team Family Feud mula kay FLG. Ang liham ay may petsang Mayo 20, 2022.
Ani FLG, “It is my great pleasure to commend the program heads, creative, technical, and production teams, and host of ‘Family Feud’ for the show’s consistently high ratings in the Network’s weekday afternoon programming.
“The GMA Management recognizes your hard work and dedication, overcoming challenges and difficulties set before you especially during this time of the pandemic, to ensure that the production of ‘Family Feud’ is consistently world-class and something that we could all be proud of.
“On behalf of GMA Network, Inc., please accept my heartfelt congratulations to all of you for a job well-done. Your passion for excellence truly reflects our commitment to provide only the best entertainment programs for our audience worldwide and across media platforms.
“Mabuhay kayo, mga Kapuso!”
Deserve ni Dong maging Hari Ng Telebisyon at nananalangin tayo ng patuloy na suporta ng mga tao sa industriya ng telebisyon — na kahit sa pagiging palasak ng social media ay siya pa ring pangunahing pinagkukunan ng impormasyon at aliw ng mga Pilipino.
