PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ariel Rivera says no to month-long lock-in taping

Ariel Rivera, hindi nagpaka-fake tungkol sa lock-in taping.
by PEP Troika
Published May 28, 2022
ariel rivera the fake life
Ariel Rivera: "I don’t mind lock-in kung two weeks, three weeks. Pero yung mga ganito, one month, forty-five days, hindi na mauulit ‘to sa akin. Last na ‘to."

GORGY RULA

Hindi nagpaka-fake ng sagot si Ariel Rivera nang tinanong siya kung nakapag-adjust ba siya agad sa matagalang lock-in taping.

First time masalang ng singer-actor sa ganitong set-up nang ginawa niya ang bagong afternoon drama ng GMA-7 na The Fake Life.

Sabi ni Ariel sa nakaraang mediacon ng naturang drama series, “There are pros and cons sa lock in.

“You get to concentrate on your work. Really focused on your character, your lines, yun ang positive.

“The cons naman, may cabin fever ka talaga! First cycle was 45 days, somewhere around it, and this time, 30 days.

“I don’t mind lock-in kung two weeks, three weeks. Pero yung mga ganito, one month, forty-five days, hindi na mauulit ‘to sa akin. Last na ‘to.

“Pag three weeks, okay lang. Pero yung mga one month, that’s too long for me. It’s a hard adjustment.”

Nagpapasalamat naman si Ariel sa GMA-7 na binigyan siya ng pagkakataong makabalik, dahil ang dami niyang kaibigan sa Kapuso network at gusto niya ang atmosphere sa trabaho pati ang production staff. Umaasa siyang meron pang kasunod pagkatapos ng The Fake Life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ariel Rivera returns to GMA-7 after 5 years; to work with Beauty Gonzalez

Nang tinanong si Ariel kung okay ba sa kanyang mapasama siya sa All-Out Sundays, tumanggi siya.

Aniya, “Hindi ako okay. I don’t like working weekends. That’s the time for myself, my wife and my dog.”

Kaya tiyak na wala siya sa promo ng The Fake Life sa AOS bago magsimula ang airing nito sa June 6.

NOEL FERRER

Kilala at kaibigan natin si Ariel Rivera kaya alam natin na hindi siya FAKE at kung ano ang sinabi niya ay pawang katotohanan lamang.

Medyo mahirap nga ang adjustment sa lock-in taping. Pero dahil na-ease na ang mahigpit na COVID restrictions, malamang may adjustments na rin sa mga taping at shooting.

I am excited to see Ariel act again. Isa siya sa mga singers na kinakitaan ng husay sa pagganap din.

But as I said, the thing that I like in Ariel ay totoo siya at hindi FAKE (katulad ng title ng show niya sa GMA). What you see is what you get.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganoon sila ng asawa niyang si Gelli de Belen!

JERRY OLEA

Nilayasan ni Ariel ang noontime show ng TV5 na Lunch Out Loud nang mag-reformat ito. At least, sa pagbabalik-TV ni Ariel ay bidang-bida siya, at sa nangungunang network pa.

Read: Ariel Rivera breaks silence on why he left Lunch Out Loud: "Ayaw ko ng maging pabigat sa production."

Harinawang masundan ang TV project na ito ni Ariel, na bukod sa mahusay kumanta ay engaging din ang akting.

Hindi naman si Ariel ang kumanta ng theme song ng The Fake Life kaya OK lang siguro na hindi ito mag-promote sa All-Out Sundays. For sure, magpo-promote sa AOS ang bidang babae sa teledrama na si Beauty Gonzalez.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ariel Rivera: "I don’t mind lock-in kung two weeks, three weeks. Pero yung mga ganito, one month, forty-five days, hindi na mauulit ‘to sa akin. Last na ‘to."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results