GORGY RULA
Mataas ang finale episode ng False Positive nina Xian Lim at Glaiza de Castro nung Biyernes, Mayo 27, 2022. Naka-12% ito, at 5.1% naman ang katapat nitong The Broken Marriage Vow.
Ang Bubble Gang, na may bagong format ay naka-6.9%, mas mataas sa mga nakaraang episodes.
Tingnan natin ngayon kung ano ang magiging rating ng ipapalit sa timeslot ng False Positive, ang Bolera ni Kylie Padilla. Excited ang nagbabalik na aktres dahil sulit daw ang paghihintay niya ng tamang project para sa kanya.
Sabi nga ng headwriter ng Bolera na si Des Garbes-Severino, nang ipina-approve nila ang proyekto, si Kylie talaga ang nasa isip nilang gaganap.
“Si Kylie, nakadikit na sa concept when we had the concept approved. We already had Kylie in mind, kasi parang siya talaga ‘yung bagay.
“Alam ko, I remember she already accepted when we presented to her, kasi she’s very excited,” pahayag ni Des.
Abangan natin ngayong gabi kung tatanggapin ng televiewers ang kakaibang konseptong ito ng drama series na tinatawag na nilang "sportserye."
Marami pang kasunod na magagandang projects na pinaghahandaan ngayon ang Kapuso network.
May bulung-bulungang baka matuloy ang pagkuha nila sa isang kilalang aktor na napabalitang nag-pitch ng magandang project pero hindi lang daw kinaya ang budget. Baka napag-usapan nang maayos, nagkaroon ng adjustment sa talent fee, at sana matuloy ang paglipat.
Abangan na lang natin!
JERRY OLEA
Nasa finale week na ang Kapuso drama series na Artikulo 247 at Mano Po Legacy: Her Big Boss.
Umpisa Hunyo 6, Lunes, ay papalit sa mga ito ang The Fake Life at Love You Stranger, respectively.
Nabalitaan ng PEP Troika na bandang second week of June ay magla-last taping na raw ang morning show na Mars Pa More.
Naulinigan din nating magkakaroon naman ng bagong variety-game show na pang-umaga ang GMA-7.
Confirmed na kayang sina Pokwang at Rabiya Mateo ang maghu-host dito? Totoo bang kasama rin dito si Kuya Kim Atienza?
What about Camille Prats and Iya Villania? May bago ba silang TV project after Mars Pa More?
At any rate, nag-post si Kuya Kim sa Facebook at Twitter noong Mayo 27, Biyernes ng gabi, “Yes covid is still here. Sorry for the raspy voice and my absence introducing my #kuyakimanona segment in 24 Oras . I'm in isolation now with Covid.
“Though hoarse, my symptoms are very mild. I can do my voice overs in isolation so it's all good. God is good!
“I'll be back and working in a few days! Stay safe and God bless you.”
Tweets ni Kuya Kim noong Sabado night, “Thank you for all your prayers. Day 3 of isolation. I'm feeling ok. Hope to be up and about and totally healed soon! Stay safe! Covid is still around."
“Everything happens for a purpose. My symptoms are mild, but this is the worst sore throat I've ever experienced in my 55 years. It feels like I'm swallowing razor blades…”
Teka!!! Totoo bang nagka-COVID din ang isang sikat na aktor na galing sa abroad?!
NOEL FERRER
Ikalimang araw na ng COVID ordeal ni Kuya Kim Atienza na naka-leave ngayon sa mga shows niya.
Read: Kim Atienza misses daughter’s graduation due to COVID-19
Buti na lang at sore throat lang ang nag-manifest na symptom niya at hindi na ito nag-progress pa. And binabantayan niya ay ang kanyang paghinga, which is normal naman.
Ingat na ingat si Kim sa kanyang kalusugan. Kasi, he has already undergone a lot of medical procedures na dahilan ng kanyang pagpu-push for a healthier lifestyle.
Wala pang opisyal na pahayag ang GMA-7 sa mga mawawala at hahaliling programa para sa kanya. But as a good soldier and a contract artist of the network, Kuya Kim will go where he is needed.
And as we know him, he will give his best in everything that he does.
Sulit na sulit talaga si Kuya Kim, while maintaining a healthy and happy family/personal life too.
