GORGY RULA
Aminado ang magkasintahang Jeric Gonzales at Rabiya Mateo na humaharap sa maraming challenges ang kanilang relasyon.
Read: Rabiya Mateo, Jeric Gonzales confirm they are now a couple
Tanggap ni Jeric na mahirap talaga kapag pareho silang nasa showbiz.
Sabi nga niya sa mediacon ng Sparkle ngayong Martes, Mayo 31, 2022, “Mahirap po, pero masarap.”
Pagdating sa trabaho ay hindi naman daw siya nagpapabaya. Pero ngayong dumating si Rabiya sa buhay niya, lalo siyang na-inspire magtrabaho.
“Nine years ako dito sa GMA. So, lahat yun ginawa ko… mag-workshop, nakuha ko lahat na experience sa mga veteran actors na nakasama ko. Sa singing, ginawa ko naman lahat.
“Ngayon, nang dumating siya [Rabiya], hindi maalis na she’s a blessing talaga to me. Kung ano ang ginawa ko dati, na-inspire ako. Mas na-inspire pa ako ngayon.
“Ang sarap sa pakiramdam na may someone na nandiyan na nag-aalaga sa ‘yo, nag-advise sa ‘yo, naniniwala sa ‘yo, pinu-push ka pa lalo na gawin yung best sa lahat na ginagawa mo,” saad ni Jeric.
May mga struggles. May mga challenges silang hinaharap na kailangan nilang kayanin.
Sabi ng Kapuso actor, “It’s hard talaga kapag pareho kayo sa showbiz. Pero I think, more on communication talaga and understanding.
“Yun lang ang dapat naming gawin. Magtulungan kami sa isa’t isa, mag-intindihan kami sa isa’t isa. Ayusin namin, and sa tingin ko kaya naman.”
Samantala, nanalong Best Actor si Jeric para sa kanyang launching movie na Broken Blooms na isinali sa iba’t ibang international film festivals.
Siya ang itinanghal na Best Actor sa Harlem International Film Festival sa New York, at cited siya sa best actor category sa dalawang international film festivals sa India.
Isa si Rabiya sa kanyang pinasalamatan at gusto niyang ibahagi ang karangalang yun.
“Siya ang dahilan kung bakit inspired ako ngayon,” napapangiting pahayag ni Jeric.
Halata namang kinilig si Rabiya.
JERRY OLEA
Naging emotional naman si Rabiya nang hiningan siya ng sagot sa tanong ng PEP Troika kung alin ang mas mahalaga sa kanya—ang career o ang love life.
“Ang dami kong sinacrifice for this one,” medyo gumagaralgal ang boses ni Rabiya.
“Pag nagmahal po talaga ako all-out, and I can sacrifice on few things kung yun po ang makakapagpabuti sa akin and kay Jeric.
“Mahalaga sa akin yung trabaho, pero mahalaga rin sa akin si Jeric,” maluha-luha niyang pahayag.
Marami ang naintriga sa cryptic message na ipinost niya sa Instagram kamakailan lang, at nilinaw naman niyang walang kinalaman doon si Jeric.
“Wala naman po. Life as a whole na there are things na I do regret na ginawa ko sa sarili ko, and I tolerated that.
“It has nothing to do with Jeric, dahil kami ni Jeric ay lumalaban po talaga kami sa buhay.
“Aminado naman po namin na we’re not perfect, and alam ko when we were starting, ang daming nagsasabi na sa akin talaga na if you want to have a blooming career in showbiz, huwag daw mag-boyfriend.
“Huwag daw pumili ng artista. Pero I didn’t listen to that and I chose to love at its fullest,” sambit ni Rabiya.
Nawa’y lalong tumibay at mamukadkad ang pagmamahalan nina Rabiya at Jeric!
NOEL FERRER
Sa dami ng isinakripisyo ni Rabiya para rito kay Jeric at sa career niya, hindi naman daw ibig sabihin na gusto niyang patunayang mali ang mga ipinapayo sa kanya ng iba.
“I just want to be the author of my story. Kasi, there were moments in my life din na akala ko, pag nakinig ako sa iba, yun po yung makapagpabuti sa akin,” sabi ni Rabiya.
“And I would have revenge na sana I did what I want, na sana sinunod ko kung ano yung voice inside my head, and this time siguro mas matapang ako makipaglaban kung ano ‘yung mga importante sa akin.”
Pero teka, may basbas ba ng kaibigan nating si JoeBarr na nagmamalasakit kay Jeric si Rabiya? Harinawa.
