Jeric Gonzales, hindi uurungan ang "paghuhubad" sa launching movie

by PEP Troika
Nov 9, 2021
Jeric Gonzales shows abs
Jeric Gonzales handa sa kung anumang ipagawa sa kanya sa launching movie niya na Broken Blooms: "Sabi ko nga, basta kailangan sa story at ano ang makakaganda sa film, gagawin ko talaga."

GORGY RULA

Bago magsimula ang shooting ng pelikulang Broken Blooms na pagbibidahan ni Jeric Gonzales, nakipag-bonding muna ang Kapuso hunk sa kanyang pamilya.

Sumama si Jeric sa pamilya niya sa Batangas noong Lunes, November 8, para ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang ama.

Pagkatapos nito ay paghahandaan na niya ang pelikula.

Umakyat na pa-Baguio ang mga production staff ng BenTria Productions, dahil sa November 14 na magsisimula ang shooting, at tatagal hanggang sa November 21.

Dito muna siya sa Broken Blooms magpu-focus dahil ayaw niyang ma-disappoint ang kanilang producer na nagsugal sa pelikulang ito.

Personal choice ni Direk Louie Ignacio si Jeric na gumanap sa lead role kaya kailangang pagbutihin ng Kapuso hunk.

"Naniniwala akong blessing ito sa akin. Hanggang ngayon, parang hindi ako makapaniwala na gagawin ko ito," pakli ni Jeric nang nakatsikahan namin sa DZRH noong Linggo ng gabi, Nobyembre 7.

Ito ang dahilan kaya hindi muna siya isinama sa drama series na Mano Po ng Regal Entertainment para sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Nakakapanghinayang daw, pero nauna ang Broken Blooms at launching movie niya ito.

"Ito ang binigyan ng time ng GMA. Dapat, may gagawin na akong series, yung Mano Po. Pero mas nauna ‘to, e.

"Priority ko talaga sa career ko ngayon, and sinupport naman talaga nila ako rito,” dagdag niyang pahayag.

Kaya ipina-acting workshop muna siya kay Direk Melvin Lee ng PETA.

Hindi pa sinasabi ni Direk Louie Ignacio kung gaano siya ka-daring sa pelikulang ito, pero hindi raw uurungan ni Jeric ang daring scenes na ipapagawa sa kanya.

"In this stage of my career, siguro wala naman po siguro akong dapat itago sa pagiging daring o paghuhubad.

"Sabi ko nga, basta kailangan sa story at ano ang makakaganda sa film, gagawin ko talaga.

"Kung ano ang sasabihin ni Direk, nandun ang trust ko talaga," sabi pa ni Jeric.

Ito ang dahilan kaya patuloy ang intermittent diet ni Jeric at regular exercise dahil kailangan ma-maintain niya ang magandang pangangatawan.

Continue reading below ↓

"Tabain po kasi ako. Mahirap talaga, kasi may mga kailangang i-sacrifice ka, e," pakli ni Jeric.

JERRY OLEA

First time makakasama ni Jeric sa isang project si Jaclyn Jose.

Ano ang naramdaman niya nang magkita sila ni Jaclyn noong Linggo sa story conference ng Broken Blooms?

"Nung na-meet ko si Ms. Jaclyn Jose, parang nagkaroon ako ng takot, medyo na-intimidate ako. Kasi siguro, first time ko siyang nakita at first time ko siyang makatrabaho rito," lahad ni Jeric.

"Tapos yung pressure na best actress siya, ang dami niyang awards, magiging nanay ko siya.

"So, parang ganun, parang may pressure na kinakabahan ganun. Pero I’m excited na makaeksena ang isang Jaclyn Jose."

broken blooms cast

Continue reading below ↓

Jeric Gonzales with Broken Blooms co-stars Jaclyn Jose, Therese Malvar, and Royce Cabrera

Pagkatapos ng intriga nila noon ni Sheryl Cruz, willing ba siyang makatrabaho uli ang aktres?

Sagot ni Jeric, "Oo naman po. Yung mapasama ang lang ako sa kanya sa isang project, malaking honor po talaga.

"I’m willing to work again with Ms. Sheryl Cruz. Ang dami ko pong natutunan sa kanya and sinupport niya ako all the way, at nagawa kong maganda yung role."

Ang Broken Blooms ay isa sa iilan pa lamang na pelikulang tumatalakay sa epekto ng COVID-19 pandemic sa mga Pilipino.

For sure, kaabang-abang din ang mga eksena ni Jeric with Therese Malvar na gaganap bilang asawa niya.

Meron din kayang intimate scene si Jeric with Boobay, na gaganap naman bilang parloristang may pagtingin sa kanya?

Kung handa si Jeric na magtanggal ng saplot sa katawang lupa, ready kaya si Boobay na makipagsabayan ng kapangahasan? Abangan!!!

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Ang bait lang talaga ni Jeric Gonzales kaya susuportahan mo na lang siya sa mga ginagawa niya.

At sana, kung anuman yung mga pinagdaanan niyang isyu sa buhay ay magamit niya sa kanyang pag-unlad bilang aktor.

Sana, ganun na lang talaga… all the best Jeric!

Ibang-iba si Jeric sa kilala nating starlet stud na mas pinipiling maging boytoy ng mga kilalang nangangailangan ng pagkalinga, mapalalaki man o babae.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales handa sa kung anumang ipagawa sa kanya sa launching movie niya na Broken Blooms: "Sabi ko nga, basta kailangan sa story at ano ang makakaganda sa film, gagawin ko talaga."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results