PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jenny Miller and Claudine Barretto friends no more?

Hindi na sila friends?
by PEP Troika
Published Jun 1, 2022
jenny miller claudine barretto friends no more
Hindi ibinahagi ni Jenny Miller (kaliwa) kung ano ang dahilan kaya naputol na ang komunikasyon nila ng dating matalik na kaibigang si Claudine Barretto (kanan). Matagal na raw ang isyu nila, at para kay Jenny ay kaibigan pa rin ang turing niya kay Claudine.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Nawindang si Jenny Miller nang kinumusta ko sa kanya ang matagal na niyang kaibigang si Claudine Barretto.

Ayaw niyang mag-comment pagdating sa aktres, na alam ko ay talagang BFF sila noon.

Hindi niya ibinahagi sa amin kung ano ang dahilan kaya naputol na ang kanilang komunikasyon. Matagal na raw ang isyu nilang magkaibigan, at para sa kanya ay kaibigan pa rin ang turing niya kay Claudine.

Read: Jenny Miller on friend Claudine Barretto: "Sana malagpasan niya ang lahat ng pinagdadaanan niya ngayon."

Kabilang si Jenny sa cast ng bagong afternoon drama ng GMA-7 na The Fake Life, kaya ikinonek ko sa seryeng ito ang "fake friends."

Tinanong ko sa kanya kung meron ba siyang itinuturing na true friend noon, pero fake friend na niya ngayon.

Sandaling nag-isip si Jenny, dahil ayaw na raw sana niya itong sagutin.

Sabi lang niya, “Ako kasi, kapag nakipagkaibigan, totoong tao ako. I mean, I choose people na lang kung sino ang i-involve ko sa buhay ko, kung kanino ko i-share yung buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I mean, kung kinu-consider ko dati na friend kita, minahal kita noon, mahal pa rin kita ngayon.

“Whatever it is. Kung naging fake ka na sa akin ngayon, it’s up to you. Ako, nandito lang ako, totoong kaibigan.

“So, kung nandiyan ka pa rin for me, nandito ako for you. Mamahalin kita whatever it is.”

Sa June 6 na magsisimula ang The Fake Life, ang pagbabalik ni Ariel Rivera sa GMA-7. Kasama niya rito sina Beauty Gonzalez at Sid Lucero.

JERRY OLEA

Habang tumatanda tayo, kumokonti ang mga kaibigan natin. Naiiwan yung true friends na dadamay sa atin sa hirap at ginhawa, sa pighati at ligaya.

Meron pa rin namang dumarating na mga bagong kaibigan. Pero iba ang lalim ng pagkakaibigan na sinubok at pinanday ng panahon.

Andiyan nga iyong magkaibigan na naging mag-asawa, at nagkahiwalay. Sa paglipas ng mga taon ay naging mabuti uli silang magkaibigan, lalo pa’t may mga anak silang bumibigkis sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Andiyan din ang dalawang aktres na parehong naanakan ng isang makisig na aktor. Ngayon ay malalaki na ang kanilang mga apo, at malapit na magkaibigan ang dalawang babae.

May isa pang aktres na naanakan ang makisig na aktor, pero hindi ito sa two other women.

NOEL FERRER

Tunay ka, Tito Jerry, nasa punto tayo sa buhay natin na kilala na natin ang mga kaibigan nating dadalhin natin sa ating pagtanda at pam-forever.

Yung mga transactional relationship, nandiyan lang naman iyang mga iyan, pero huwag na tayong masyadong papaapekto.

Mas pagtuunan na lang natin ng pansin ang mga katulad ng mga ka-Troika natin dito na subok na bilang mga kaibigan — anuman ang mangyari. Biyaya iyang maituturing lalo na sa showbiz!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi ibinahagi ni Jenny Miller (kaliwa) kung ano ang dahilan kaya naputol na ang komunikasyon nila ng dating matalik na kaibigang si Claudine Barretto (kanan). Matagal na raw ang isyu nila, at para kay Jenny ay kaibigan pa rin ang turing niya kay Claudine.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results