JERRY OLEA
Magpapakilig na sina Joseph Marco at Herlene Budol aka Hipon Girl sa online series na Ang Babae sa Likod ng Face Mask umpisa Hunyo 11, 2022, Sabado ng 6:00 p.m., sa Puregold Channel sa YouTube.
“Super-kilig!” sabi ng producer na si Direk Chris Cahilig nang makatsikahan ko nitong Hunyo 3, Biyernes ng gabi, via Messenger.
“Si Herlene is so genuine and fun. Intense naman si Joseph. Together, super-kilig!”
Labintatlong (13) episodes ang romantic-comedy series na idinirek ni Victor Villanueva.
Pahayag ni Herlene sa pamamagitan ng press release na ipinadala ng Puregold sa PEP Troika, “Napaka-exciting na opportunity na ito na ibinigay sa akin.
“Gusto ko ipakita sa lahat ng followers at Hiponatic supporters ang kakayahan ko bilang isang leading lady.
“Sobrang lucky ako na kasama ko si Joseph Marco para sa show na ito. Siyempre, you always want to work with the best, kaya ang saya ko talaga noong nalaman ko na si Joseph Marco ang leading man ko.”
Excited siyempre si Joseph sa proyektong ito. Karangalan para sa kanya na makatambal si Herlene.
Sabi ni Joseph, “It’s been an absolute joy working with Herlene, and I think the viewers will be able to feel how much fun we had working together through the screen.”
Nakasentro ang istorya ng Ang Babae sa Likod ng Face Mask sa 25-anyos na si Malta (Herlene Budol), na nagtatrabaho bilang cashier. Masigasig magtrabaho si Malta upang masuportahan ang kanyang ina na si Madam Baby (Mickey Ferriols).
Isang araw, nakatagpo ni Malta ang poging si Sieg (Joseph Marco) na malas sa pag-ibig. Na-love at first sight si Sieg sa nakakabudol na mga mata ni Malta, ang babaeng pinagpala sa face mask.
“Ang classic ng kuwento. Nakakakilig, nakakatawa, lahat ng gusto mo sa isang series, meron kami rito!” bulalas pa ni Hipon Girl.
Nasa cast din ng digital series na ito sina Kiray Celis, Hasna Cabral, VJ Mendoza at Fe Saligumba.
Sabi ng Puregold marketing manager na si Ivy Piedad, “The ever-present face mask is now a symbol of hope and self-love for our lead in this new series.
“And we hope to entertain a large number of viewers online especially given the Pinoy’s fondness for light, romantic comedies.”
GORGY RULA
Curious ako kung paano nila napagtagni-tagni ang mga eksenang dating nakunan at ang mga na-reshoot sa Ang Babae Sa Likod Ng Face Mark.
Malaki ang iginanda ni Herlene. Kaya hindi ko alam kung paano ang continuity ng mga eksena ngayong iba na sa dati niyang hitsura.
Maaaring makakatulong ang ingay niya sa Binibining Pilipinas para ma-promote ang mini-series na ito.
Matagal-tagal na ring wala tayong balita kay Joseph Marco. Mabuti at may trabaho siya ngayon.
Sa kabilang banda, hindi ko ma-imagine kung ano ang nararamdaman ngayon ni Kit Thompson na ang daming naabala, at ang laki ng gastos ng produksyon dahil sa iskandalong kinasangkutan niya.
Si Kit ang orig na leading man ni Herlene sa nasabing digital series.
Read: Kit Thompson, kumpirmadong pinalitan sa dalawang proyekto matapos masangkot sa isyu
Wala pa ring opisyal na pahayag ang Cornerstone, pero ilan sa mga taong malapit kay Kit ay nagsa-suggest na dapat ay dumaan sa counselling ang aktor habang wala pa siyang trabaho, at hinaharap ang kasong isinampa sa kanya ni Ana Jalandoni.
Pursigido raw talaga ang sexy actress na ituloy ang kaso.
NOEL FERRER
Wow! Buti na lang at mahaba-haba ang pisi ng producer para i-reshoot lahat ng nakunan nang eksena.
OK naman si Joseph Marco, at sana talaga, ma-mainstream din ang ganitong content. Rare combination na rin, kasi, Kapuso at Kapamilya na pinagsama.
Sa true lang, ano kaya ang impact ng ganitong panoorin? Driver din ba ito ng malaking sales para sa Puregold? Ganern?
