JERRY OLEA
Noong Abril 18 natin tinalakay rito sa PEP Troika ang haka-hakang papalitan ni JC de Vera si Kit Thompson sa Kapamilya teleseryeng Flower of Evil.
Read: JC de Vera, papalitan si Kit Thompson sa Flower of Evil?
Noong Mayo 16, naglabas ang Dreamscape Entertainment ng teaser ng Flower of Evil, which JC promptly shared on Facebook.
Mayo 21, ipinost ni JC sa FB ang announcement na siya nga ang replacement kay Kit sa Flower of Evil.

Ngayong Hunyo 3, Biyernes ng hapon, ini-announce naman ni Direk Chris Cahilig sa Facebook na tuloy na tuloy na ang streaming ng digital series na Ang Babae Sa Likod ng Face Mask umpisa Hunyo 11, Sabado sa Puregold Channel sa YouTube.
Nasa poster ang leading man ni Herlene Budol aka Hipon Girl… si Joseph Marco.

Ang original leading man ni Herlene sa Ang Babae sa Likod ng Face Mask ay si Kit Thompson.

Marso 26, Sabado ng 6:00 p.m. sana ang pilot streaming niyon sa Puregold Channel. Kaso, sumambulat noong Marso 19 ang balitang binugbog ni Kit ang kasintahang si Ana Jalandoni sa isang hotel sa Tagaytay City.
Kaya hindi natuloy ang streaming ng nasabing digital romcom series, na idinirek ni Victor Villanueva.
Read: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after alleged assault by boyfriend Kit Thompson
Wala pa tayong balita kung saan at kailan itutuloy ang pagpapalabas ng movie ni Kit with Maureen Wroblewitz na Runaway, na kinunan sa New Zealand. Noong Setyembre 3, 2021 na sana ang streaming niyon sa Upstream, pero naudlot iyon.
NOEL FERRER
What's interesting is that Cornerstone who has been handling Kit Thompson has recently come out also that they are now officially representing Ana Jalandoni, who they said they had previously dealt with na before.
So all’s well that ends well? Love love love na lang, di ba?
So what happened na to Kit Thompson pala?
GORGY RULA
Ilang beses na rin kaming nangulit sa Cornerstone, specifically kay Erickson Raymundo, pero wala pa siyang sagot kung kumusta na si Kit at kung ano ang kanilang plano.
Hindi pa nagbibigay ng detalye ang lawyer ni Ana Jalandoni na si Atty. Faye Singson kaugnay sa kasong isinampa laban sa aktor. Ang tiniyak lang niya sa amin ay tuloy na tuloy raw ang kaso.
Hindi pa siya nakasagot kung umakyat na ba ang kaso sa korte o nasa Prosecutor’s office pa rin.
Sana, manaig ang totoo at hustisya sa nangyari kina Ana at Kit.
Nakikita namang naipagpatuloy ni Ana ang kanyang movie career. Sana, malagpasan din ito ni Kit at maipagpatuloy na rin niya ang kanyang acting career.
