GORGY RULA
Kahit hindi nakapampormal si Winwyn Marquez, dumaan siya sa grand launch ng AQ Prime Stream na ginanap sa Conrad Hotel noong Hunyo 4, 2022, Sabado.
Hindi raw basta-basta makaalis si Winwyn dahil siya at ang kanyang partner ang talagang nagbabantay sa kanilang anak na si Baby Luna.
Read: Winwyn Marquez gives birth to baby girl
“Dumaan lang ako ngayon, kasi galing ako sa vaccine ng baby ko. Tapos, dumaan ako dito,” bulalas ni Winwyn nang tsinika namin sandali bago siya umalis.
Kailangan lang daw niyang bumati kina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Honey Quiño ng AQ Prime, at masaksihan na rin ang signing ng Memorandum of Understanding ng AQ Prime at ng Korean partner nilang SBT Entertainment.
Pero hindi na hinintay ni Winwyn ang pagpapakilala ng buong cast ng pelikulang Nelia na mapapanood na sa AQ Prime Stream.
Bago siya umalis, nilinaw ng PEP Troika kung totoong magpapakasal na sila ng kanyang non-showbiz partner bago matapos ang taon.
“Napag-usapan na, pero wala pang concrete plan na gagawin, Kasi siyempre kakapapanganak ko lang,” sagot ni Winwyn.
Sinabi kasi ng kanyang daddy na si Joey Marquez na nagkaroon na ng proposal at baka this year na raw ang kasal.
Read: Joey Marquez, kinumpirmang engaged na ang anak na si Winwyn
“Gusto niya kasi… ano naman siya. Pero wala pang plans talaga.
“Definitely not this year, pero napapag-usapan.
"Kasi ang daddy excited din nung… parang feeling niya yata, tuloy na tuloy na lahat, ganyan.
“I can’t blame him kasi excited din naman talaga siya if ever mangyari yun,” pahayag ni Winwyn.
Mas naka-focus na raw sila ngayon sa pag-aalaga ng kanilang anak dahil hands on sila ng kanyang partner sa pag-aasikaso kay Baby Luna.
“Hands on din kasi kami. Walang yaya, ang hirap. Ako lang din talaga saka yung partner ko.
“Mahirap, kasi kami lang din talaga, e. 'Tapos, hindi naman puwede basta-basta na may pumunta sa bahay na tumulong, kasi pandemic pa rin.
“Mahirap. Struggle, pero fulfilling naman kahit papa'no,” nakangiting pahayag ni Winwyn.
JERRY OLEA
Na-miss na raw ni Winwyn ang pagtatrabaho.
Kapag puwede na raw niyang iwan ang baby, baka tatanggapin na raw niya ang ibang inaalok sa kanya na bumalik sa TV o gumawa ng pelikula.
Gusto naman daw niyang makagawa uli sa AQ Prime para sa bagong streaming app nito.
“Actually, meron nang nag-o-offer. Sana, within five months or six months, kapag makahanap na kami ng yaya,” sabi ni Winwyn.
NOEL FERRER
So, magpapatuloy pa ba sa showbiz si Winwyn?
