GORGY RULA
Hindi namin sure kung seryoso o nagpapatawa lang si Rufa Mae Quinto nang sinabi niyang tatakbo siyang senador sa susunod na eleksyon.
Pagkatapos mag-topnotcher ni Robin Padilla sa senatorial race at pagkapanalo ng iba pang artista sa nakaraang eleksyon, napag-isip isip daw niyang pasukin na rin ang pulitika.
Read: Robin Padilla, Richard Gomez, Arjo Atayde, other celebs triumph in 2022 elections
Ito ang pasabog niya sa presscon ng bagong sitcom sa GTV na Tols na ginanap sa Novotel Hotel, Quezon City, nung Lunes, June 6, 2022.
“Naisip ko, parang ang mga artista, puwedeng-puwede pala. Ang mga kaibigan ko, nasa pulitika, e.
“Sabi ko, mahiyain 'yan, sila naging politician sila,” bulalas ni Rufa Mae.
Sinundan namin siya ng tanong kung ano ang magiging plataporma niya.
“Wala pa,” pakli niya.
“Magpapa-register muna ako. Sabi ng kapatid ko, ‘Ate, magparehistro ka muna kaya. yun ang first step,’ okay!
“Okay lang kahit matalo!” natatawa na naman niyang pahayag.
“Hanggang senate lang. Ayoko ng congress kasi ang daming nag-o-offer. Ayoko rin ng partylist, ang daming kalaban,” dagdag niyang pahayag.
Nae-enjoy ni Rufa Mae ang pagbabalik niya ng bansa, dahil kinuha raw siya uli ng GMA-7 at nasa Sparkle GMA Artist Center na siya.
Kasama siya ngayon sa comedy sketch ng All-Out Sundays, at dagdag itong bagong sitcom na Tols na mapapanood na sa GTV simula June 25 ng 7:00 p.m.
Kasama niya rito si Betong, pero bida rito sina Kelvin Miranda, Abdul Raman, at Shaun Salvador, na idinirek ni Monti Parungao.
JERRY OLEA
Hindi kaya dala pa rin ng jetlag niya kaya naisip ni Rufa Mae na kumandidatong senador sa susunod na eleksyon?
“Na-enjoy ko kasi talaga nung mag-campaign ako. Sabi ko, ganundin naman pala ang ginagawa. So, mag-campaign na rin ako. Kaya ko pala,” tugon ni Rufa Mae.
“Mahal din kasing tumakbo, so hindi ko pa rin alam. Ha! Ha! Ha! Ha!
“Hintayin ko muna kung sinong tatakbo sa susunod sa election. Makikisakay na lang ako sa plane. Kanina ko lang naisip.”
Baka makabubuting kumandidato muna si Rufa Mae na barangay captain bilang paghahanda sa pagtakbong senador, di ba?!
NOEL FERRER
Good luck, P-chi (Rufa Mae)!
Karapatan niya bilang Pilipino tumakbo sa posisyon kung gusto niya talaga.
Pero more than Rufa Mae, ang binabasa ng mga boto ay ang mga taong bumoboto, because you are the people who voted for you!
Wait and see tayo diyan… habang sana, gumagawa tayo ng paraan para mapabuti lahat ang buhay natin na hindi nakadepende sa mga pulitiko.
