PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Herlene Budol appeals to fans who will visit grandmother's wake

Bawal muna magpa-picture kay Herlene.
by PEP Troika
Published Jun 8, 2022
herlene budol grandmother wake
Herlene Budol to fans who will vist her grandmother's wake: “Para makasama niya kayo sa kanyang huling hantungan. Pakiusap lang po sa mga bibisita na hindi muna ako magpapa-picture, pero puwede po kayong makiramay kasama ako.”
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram

JERRY OLEA

Nakiusap si Herlene Nicole Budol, aka Hipon Girl, sa Hiponatics na huwag magpa-picture sa kanya sa burol ng kanyang lola na si Nanay Bireng.

Read: Herlene Budol mourns death of grandmother

“Para makasama niya kayo sa kanyang huling hantungan. Pakiusap lang po sa mga bibisita na hindi muna ako magpapa-picture, pero puwede po kayong makiramay kasama ako,” bahagi ng Facebook at Instagram post ni Herlene nitong Hunyo 7, Martes ng gabi.

“Gusto kong ibahagi ko sa lola ko ang pagmamahal ng aking taga-suporta.

“Hindi man niya masasaksihan ang laban ko sa Bb. Pilipinas, masaya na kaming dalawa nan nadyan kayo sa tabi ko.

“Dahil mahal ko kayo, kayong mga taga-suporta sa akin ang aking pamilya.”

Bukas sa lahat (open for all) ng gustong makiramay ang burol ni Nanay Bireng mula Martes hanggang Huwebes (Hunyo 7-9) ng 11:30 p.m. sa Sympathy Memorial Park and Columbarium sa Quezon Avenue, Brgy. San Isidro, Angono, Rizal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa Biyernes na huling lamay ni Nanay Bireng, hiling ko lamang para lang po sa aking pamilya at mga malalapit na kaibigan lang po,” pahayag pa ni Herlene.

Sa Hunyo 11, Sabado ng 6:00 p.m., mapapanood sa Puregold Channel sa YouTube ang unang episode ng digital romcom series ni Herlene na “Ang Babae Sa Likod ng Face Mask.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Katambal dito ni Herlene si Joseph Marco, at kasama sa cast sina Mickey Ferriols, Kiray Celis, Hasna Cabral, VJ Mendoza, at Fe Saligumba.

Idinirek ito ni Victor Villanueva, with Chris Cahilig as executive producer.

NOEL FERRER

Our condolences kay Herlene Budol.

Dito makikita na nag-iba na talaga ang buhay niya at may mga taong makakasama siya sa kanyang private moments. Ito ang by product ng pagiging celebrity.

Sana, makayanan ni Hipon Girl ang pinagdaraanan niya ngayon.

Our sincere condolences sa iyo, Herlene, at sa iyong pamilya.

This is another layer to your colorful story and to your journey as an actress, a beauty queen, and as a person.

Sana, manatili kang grounded and mabait, and you will be blessed!

GORGY RULA

Sa totoo lang, mas mabuti talagang gawing pribado ang pagdadalamhati ng isang kilalang personalidad.

Hindi talaga ito maiwasan dahil tiyak na merong pumupunta sa ganoong burol para makiusyoso at makapagpa-picture lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alam kong igagalang naman ng mga tao ang pakiusap ni Herlene Budol na walang may magpa-picture sa kanya. Pero tiyak na marami pa rin ang pupunta roon at magpapalitrato background ang kabaong.

Nagiging tourist spot tuloy ang burol.

Naalala ko nung nakaraang taon nang biglang umuwi ng bansa ang sikat na social media personality na si Bretman Rock. Pumanaw ang kanyang ama, at umuwi ito ng Pangasinan para makasama ang kanyang pamilya sa pagluluksa.

Pero nagiging trauma raw sa kanya dahil sa dami ng mga fans na dumagsa para magpa-picture lang sa kanya. That’s the price of popularity, 'ika nga.

Read: YouTuber Bretman Rock expresses dismay after fans crashed father's wake for photos; asks for privacy

Samantala, sa nakaraang burol ni Susan Roces, mahigpit na ipinagbawal ang pagkuha sa kanya ng litrato na nasa loob ng kabaong.

May ilang reporters na nakapagkuha ng video at nakunan si Manang Inday. Bilang paggalang, hindi naman nila ito ipinost sa kanilang social media account. Ewan ko lang kung merong nakalusot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero merong ilan akong kakilalang press na nakapagkuha ng litrato at video na napagsabihan, kaya hindi na nila ipinost. Ang iba naman ay binura na lang.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol to fans who will vist her grandmother's wake: “Para makasama niya kayo sa kanyang huling hantungan. Pakiusap lang po sa mga bibisita na hindi muna ako magpapa-picture, pero puwede po kayong makiramay kasama ako.”
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results