GORGY RULA
Ipinadala ng super-Noranian na si Rodel Ocampo Fernando sa PEP Troika nitong Hunyo 10, 2022, Biyernes ng gabi, ang opisyal na pahayag ni Bb. Nora Aunor kaugnay sa pagkahirang dito bilang National Artist.
Read: Nora Aunor finally gets elusive National Artist for Film recognition
Pahayag ng 69-anyos na Superstar, “Wala pa akong maisip na sasabihin ko sa ngayon dahil sa labis na kasiyahan sa aking puso at para po sa ating lahat.
“Sa mga taong nanalangin po at nakipaglaban hanggang sa huli para maibigay sa akin ang kanilang pinangarap na ako’y mahirang na isang National Artist for Film.
“Higit po sa lahat, walang katapusang pasasalamat sa ating Panginoon, sa MAMA at PAPA ko, sa aking pamilya at mga anak, lalo na sa mga pinakamamahal kong mga fans at mga taong nasa tabi ko sa oras na kailangan ko sila mula noon hanggang ngayon.
“Maraming salamat po sa ating mahal na Pangulo na si President Rodrigo Duterte at mga taong nasa likod ng napakataas na karangalang ito.”
Maliban kay Ate Guy, nahirang din bilang National Artists sina Marilou Diaz-Abaya (Pelikula at Brodkast), Ricky Lee (Pelikula at Brodkast), Tony Mabesa (Teatro), Fides Cuyugan-Asensio (Musika), , Gemino Abad (Panitikan), Salvacion Lim Higgins (Fashion), at Agnes Locsin (Sayaw).
JERRY OLEA
Noong 2016 elections ay sinuportahan ni La Aunor ang kandidatura nina Grace Poe at Bongbong Marcos sa pagka-presidente at bise presidente.
Nang mapabalita noong Pebrero 9, 2022 na kay BBM ang suporta ni Ate Guy sa pagka-presidente, agad kong nasabi, “Magiging National Artist na si Nora Aunor!”
Nagulat ako na si PRRD (Presidente Rodrigo Roa Duterte) pa ang nakapuwesto sa Malacañang, hinirang nang National Artist ang Superstar!


Siyempre, lubos ang kaligayahan ko na naipagkaloob din ang nasabing parangal para kay Ricky Lee na matagal ko nang inaasam!
Ang dalawa pang taga-Pelikula na dalangin kong hirangin na National Artist ay sina Eddie Garcia at Maryo J. de los Reyes.
At any rate, andami-dami sa mga taga-showbiz ang nagko-congratulate kina Nora, Ricky at Direk Marilou.
Facebook post ni Richard Gomez, “Congratulations to our new National Artists! I am fortunate to have worked with Ate Guy in the movies, did movies written by Ricky Lee and shot pictures and contributed to his book, was directed by Marilou Diaz Abaya once in the movies.
“Ohh wowww!”
Ang open letter ni FDCP Chair Liza Diño sa Facebook ngayong Hunyo 11, Sabado, ng umaga, “Dear Ate Guy, “Ikinararangal kong makilala ka at matawag kang isang kaibigan. Alam nang lahat how much you deserve this conferment and it was only a matter of time before our government recognizes how much of a treasure you are to our industry. (Shout out to Tatay Digong!)
“Alam kong marami ka pang mga pangarap and I hope I can be of assistance para matupad mo pa ang gusto mong mangyari industriya natin lalo na sa mga artista nating kailangan ng welfare.
“More than your genius as an actress, saksi ako sa kabusilakan ng puso mo pagdating sa pagtulong sa mga kapwa nating artista. Kahanga-hanga ang malasakit mo and I hope people see this side of you.
“I miss you ate Guy, and I look forward to working with you again soon. Thank you for all the support you have given me and the FDCP.
“Nandito lang ako lagi for you. Congratulations on this conferment as our National Artist for Film and Broadcast Arts.
“It's about time na may representation ang kababaihan sa ating industriya. Salamat din sa pagtaas ng antas ng mga aktor sa Pilipinas dahil sa karangalang ito.
“Mahal kita Ate Guy. Yakap!”
Ang tanong… kailan kaya ipapalabas ang pelikula ni Nora na Kontrabida, sa direksyon ni Adolf Alix Jr.?
NOEL FERRER
Congratulations sa walong bagong Pambansang Alagad ng Sining, lalung-lalo na sa mga naging guro ko na sina Ricky Lee at Marilou Diaz-Abaya, at kasamahan sa industriya na Tony Mabesa at Superstar Nora Aunor.
Nakakaiyak pa rin!
Ang ganda lang na magkasamang paparangalan sina Ate Guy at Sir Ricky Lee dahil talaga namang they have devoted their lives to their art — at hindi nila ikinayaman ang kanilang sining.
Nakakaiyak pa rin talaga.
Medyo nakakaiyak din na sa pagmamadali, hindi nasama sa graphics ang pangalan ni Ma’am Agnes Locsin for dance bilang National Artist sa report ng ABS CBN News sa TV Patrol.
OK naman kasing mag-scoop pero dapat complete ang accurate at ingat sa pagiging padalus-dalos. Lesson learned yun talaga.
