PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lani Mercado, nagsalita na sa Sandro Marcos-Alexa Miro issue

Lani Mercado, bukas na maimbitahan si Alexa Miro sa Bacoor.
by PEP Troika
Published Jun 22, 2022
Lani Mercado, Sandro Marcos, Alexa Miro
Lani Mercado on accidental revelation about Sandro Marcos's girlfriend from Bacoor: "It was a quiet conversation. Hindi ko naman alam na na-pick up nitong paglala-live ng aking asawa. Dyusko!"
PHOTO/S: CTTO / Sandro Marcos Facebook / Alexa Miro Instagram

GORGY RULA

Excited si outgoing Bacoor, Cavite Mayor Lani Mercado sa selebrasyon ng 10th anniversary ng Cityhood of Bacoor na magsisimula sa Huwebes, June 23, 2022.

Read: Lani Mercado accidentally reveals Sandro Marcos's secret relationship; is it Alexa Miro?

Nagpapasalamat siya dahil pinaunlakan sila ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na maging guest of honor sa pagbubukas ng kanilang selebrasyon.

Isa ang mister ni Lani na si Senator Bong Revilla sa sasalubong kay Marcos Jr., na magbubukas ng naturang selebrasyon.

"Talagang excited po ang aming lungsod dahil miss na miss na po namin ang aming mahal na Pangulong Bongbong Marcos," bulalas ni Mayor Lani nang nakapanayam namin sa DZRH nung Martes, June 21, 2022.

Ayon pa kay Mayor Lani, "Sa June 23, magkakaroon po kami ng 6:00 a.m. mass sa St. Michael Church. At 7:30 a.m., magsisimula po ang Civic parade namin sa Bacoor.

"Magsisimula po ito sa Panapaan 3 at tatampukan po iyan ng 15 marching bands. Iba’t iba pong departments ng City Hall at mga NGOs po namin sa aming lungsod, papunta po sa track and field area sa Bacoor Elementary School."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagmamalaki ni Mayor Lani ang kanilang marching bands na nakakarating na sa ibang bansa. Kaya idineklara ni President Rodrigo Duterte ang lungsod ng Bacoor na "Marching Band Capital of the Philippines."

Dalawang taon din daw silang hindi nakatugtog sa kalye gawa ng pandemic, kaya excited sila ngayon dahil babalik sa pagmamartsa ang mga ipinagmamalaki nilang banda.

"Kaya after two years, ngayon ay mamamayapag uli sa kalsada ng Evangelista ang atin pong 15 marching bands ng lungsod ng Bacoor.

"Nandiyan po ang mga tanyag na banda namin, yung Anak Zapote band, Banda Noventa Sais, Banda Governador, at marami pang iba. Hopefully, magtuluy-tuloy po ang dati nating tradisyon na bumalik uli.

"Kasi dati, nag-i-invite talaga kami ng iba’t ibang banda coming from all over the Philippines para mag-contest dito sa ating lungsod," saad ni Mayor Lani.

Lani Mercado, Bacoor, Cavite

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa pa sa dapat abangan sa kanilang selebrasyon ay ang free concert na gaganapin sa oval track and field ng Bacoor Elementary school sa June 25. Arbor day daw nila yun kung saan magkakaroon ng tree planting sa umaga at Alagang Ate Lani Caravan sa Mambog Elementary School.

Tampok sa kanilang free concert ang bandang The Juans, at iba pang kilalang celebrities at talents na taga-Bacoor, kabilang ang social media sensation na si Zeinab Harake.

Magkakaroon daw ng Biga10 raffle draw sa mga may hawak ng tickets na ipamamahagi sa bawat barangay. Makakapanood pa rin ang walang hawak na ticket, pero hindi sila makakasali sa Biga10 raffle draw.

NOEL FERRER

Biniro na rin ng PEP Troika si Mayor Lani kung iimbitahin ba sa selebrasyon si Alexa Miro na taga-Bacoor din.

"Hindi ko pa siya nami-meet in person, pero balita ko, mahusay nga siyang kumanta at mag-emcee. Sana, maanyayahan namin siya," napapangiting pakli ni Mayor Lani.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natatawa na lang si Mayor Lani dahil sa aksidenteng narinig ang pag-uusap nila ni incoming Congressman Sandro Marcos sa FB live ni Senator Bong, na taga-Bacoor pala ang girlfriend ni Sandro.

Hindi naman binanggit ang pangalan ni Alexa, pero obvious na siya ang tinutukoy. Ayaw nang mag-comment pa ni Mayor Lani tungkol sa isyung ito dahil sabi nga nila ni Sandro na narinig sa FB live ni Senator Bong, sa kanila na lang yun.

Tugon ni Mayor Lani, "Alam mo, I will maintain my status. Kaming dalawa ay may secret. Kasi nahihiya naman ako, dyusko!

"It was a quiet conversation. Hindi ko naman alam na na-pick up nitong pagla-live ng aking asawa. Dyusko!

"Kung ano man po yung narinig po niyo, yun na yun. Wala po akong sasabihing iba pa. Yun na lang po yun.

"It was a quiet conversation among peers, kasi parehas kaming kongresista. Ang dami palang Marites diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ayoko nang pag-usapan at baka ma-award pa ako diyan, dyusko!" pahayag ni Mayor Lani.

JERRY OLEA

Walang pagtanggi sa kampo nina Sandro at Alexa mula nang mapaulat na magkasintahan na sila, at nagliwaliw sa Europa.

Happy tayo para kina Sandro at Alexa, at nawa’y huwag maapektuhan ang pagmamahalan nila sa kung anu-anong pang-iintriga.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lani Mercado on accidental revelation about Sandro Marcos's girlfriend from Bacoor: "It was a quiet conversation. Hindi ko naman alam na na-pick up nitong paglala-live ng aking asawa. Dyusko!"
PHOTO/S: CTTO / Sandro Marcos Facebook / Alexa Miro Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results