Revelation ni Rita Daniela sa AOS, may effect sa ratings? Ang Probinsyano, di na aabot sa 7th anniversary?

by PEP Troika
Jun 28, 2022
rita daniela coco martin
Rita Daniela (left) made a life-changing revelation in All-Out Sundays last June 26. Ang Probinsyano, starring Coco Martin, is reportedly preparing its farewell promo for next month. Is this really the end of Cardo Dalisay?
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel

GORGY RULA

Parang mas gusto lang pag-usapan ng mga netizen ang pag-amin ni Rita Daniela na siya ay nagdadalantao. Pero parang mas type ng karamihan na kumain sa labas o magliwaliw kaya siguro hindi na napanood ng iba ang "life-changing revelation" ng singer-actress sa All-Out Sundays nung Linggo, June 16, 2022.

Read: Rita Daniela confirms pregnancy

Na-maintain ng programa ang rating na 3.9%, at 2.4% naman ang ASAP Natin ‘To, ayon sa AGB Nielsen NUTAM ratings.

Sumunod ang GMA Blockbuster na naka-3.7%, pero naka-4% ang katapat nitong FPJ Da King.

Umarya naman pataas ang special report ni Atom Araullo tungkol sa Cyber Crime na naka-4.3%, at ang Regal Studio Presents na naka-5.3%.

Okay rin ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes na naka-6.8%.

Pagdating sa primetime nung Linggo, naka-10.9% ang 24 Oras Weekend, at 2.4% naman ang katapat nitong TV Patrol.

Sumunod ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-10.5% versus Idol Philippines na naka-3.1%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Consistent pa ring pinakamataas na sitcom ng Kapuso Network ang Happy ToGetHer na naka-13.7%, at 1.1% lamang ang katapat nitong He’s Into Her.

Nung nakaraang Sabado, June 25, ipinalabas ang pilot episode ng Flower of Evil nina Piolo Pascual at Lovi Poe, at naka-1.7% ito.

Ang rating naman ng iba pang primetime shows na sinimulan ng 24 Oras ay 8.1%. Ang TV Patrol ay 1.6%.

Tumaas naman nang bahagya ang Pepito Manaloto na naka-9.3%, at ang katapat na Idol Philippines ay naka-4.9%.

Sumunod ang Jose and Maria’s Bonggang Villa na naka-11.3%, at sumunod ang Magpakailanman na naka-12.5%.

Ang Daddy’s Gurl naman ay 7%, at 4.2% ang I Witness.

NOEL FERRER

Napanood natin ang All-Out Sundays at nagulat tayo na despite the supposed controversial revelation sa isang musical-variety show, wala pala itong gaanong dent sa viewers.

Then came The Atom Araullo Specials na nasubaybayan din ng PEP Troika habang on break sa Ormoc. Napaka-thorough ng ginawang research ni Atom at ng kanyang team and they were able to come up with an eye opening presentation of their docu on online sexual abuse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tapos, na-enjoy rin natin ang Regal Studio Presents at kinilig-kilig si Gorgy sa mga dialogue ni Elijah Canlas na napakagaling umarte.

Congrats, Amazing Earth and all the flagship GMA shows na umariba sa ratings!

Sana, patuloy na gumanda pa ang quality ng shows sa Kapuso viewing fare.

Sana rin, tuluyan pang gumawa ng magagandang shows ang ABS CBN at TV5 … pati nga Net 25 para naman may mas maraming alternative na puwedeng suportahan at hangaan at panoorin nang sa gayon ay mas marami at magaganda at mahusay na mga shows na mag-aakay sa atin palabas ng hirap ng buhay, at papunta sa pag-asa!

JERRY OLEA

Patuloy ang pamamayagpag ng mga programa ng GMA-7, lalo na kung weekend.

Kapag primetime ng weekdays, ariba rin siyempre ang mga Kapuso teledrama, sa pangunguna ng First Lady.

Nasa huling linggo na ang First Lady, at abang-abang tayo sa paggi-guest dito nina Carla Abellana, Glaiza de Castro, at Rabiya Mateo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapalit ng First Lady umpisa Hulyo 4 ang Lolong.

Iyong FPJ’s Ang Probinsyano… aabot pa ba sa ikapitong anibersaryo nito sa Setyembre 28, Miyerkules?

Ito ang papalitan ng Darna The TV Series, di ba?

Nabalitaan ng PEP Troika na hanggang second week of July ang taping ng FPJ’s Ang Probinsyano, at ikinakasa na ang farewell promo nito.

Take note na ang Ghost Month ay mula Hulyo 29 hanggang Agosto 26.

Hindi naman siguro pasisimulan ang Darna The TV Series habang Ghost Month pa, ‘no?

Isang malaking tanong, ano ba ang kahihinatnan ni Mara, ang karakter ni Julia Montes?

At any rate, sasabak sa isa na namang matinding sagupaan si Cardo Dalisay (Coco Martin) matapos niyang makipagsanib-puwersa sa itinuturing niyang pangalawang nanay na si Ramona (Charo Santos-Concio).

coco charo ang probinsyano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As expected, nagising si Cardo matapos siyang maiwang nag-aagaw buhay sa kalsada.

Laking gulat ni Cardo nang malaman niyang iniligtas siya ni Ramona, ang nanay-nanayan niyang kumupkop sa kanya noong binata pa siya.

Ang buong akala ni Cardo ay napatay si Ramona dahil sa isang madugong engkuwentro noon.

Si Ramona kasi ay isang lider ng mga armadong lalaki na nagtipun-tipon upang makipaglaban para makamit ang kapayapaan sa bansa.

Si Ramona ang nagturo kay Cardo (Nash Aguas) noong bata pa siya kung paano makipaglaban at humawak ng baril.

Sa kanilang muling pagkikita, nangako silang magtutulungan upang pabagsakin ang kanilang mga kalaban na sina Renato, Arturo, at Lily (John Arcilla, Tirso Cruz III, at Lorna Tolentino).

Matinding pagsubok for the nth time ang haharapin ni Cardo lalo na’t kailangan niyang sumabak sa giyera nang hindi niya kasama ang Task Force Agila.

Huwag palampasin ang FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Daniela (left) made a life-changing revelation in All-Out Sundays last June 26. Ang Probinsyano, starring Coco Martin, is reportedly preparing its farewell promo for next month. Is this really the end of Cardo Dalisay?
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results