PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mga lumang kanta ni Andrew E., patok pa rin sa bagong henerasyon

Andrew E., tuluy-tuloy ang pag-ariba pagkatapos ng eleksyon
by PEP Troika
Published Jul 1, 2022
andrew e.
Andrew E. on keeping his name intact through the years: "Bago pa ako mag-artista na maging popular na Andrew E, ina-advise sa akin na huwag kang tutuntong sa paniwalang ang magdadala sa yung tagumpay ay masamang pangalan."
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Tuluy-tuloy ang pag-ariba ni Andrew E. pagkatapos ng eleksyon.

Read: Andrew E. denies acquiring two sports cars after campaigning for BBM-Sara

“Thank you. Maybe yung new generation kasi, nagiliwan sa mga kanta kong luma,” sambit ni Andrew E. sa exclusive interview ng PEP Troika noong Hunyo 28, Martes ng gabi, sa Sabroso restaurant ng Carlosta Hotel, Ormoc City.

“And yung lumang tinutukoy ko sa iyo, e, yung Shoot! Shoot! at Aussie! Aussie! (O Sige!). Remember, I did it 14 years ago.

“Hindi na-promote yun. Kung ire-revisit mo yung panahon ninyo, yun yung panahon na lumabas ang album ko pero hindi na-airplay, remember?

“Kasi, pumasok dito sa Pilipinas yung Krispy Kreme. Kaya hindi na-promote yung album na yun. So, na-shelve.

“Hindi narinig ng mga tao noon. Kaya now, you know, yung mga kabataan na naghahalungkat ng mga kanta, nakita yung dalawang yun.

“Kaya sa TikTok, millions yun. Sabi ko, ‘Uh, oh! Hindi na maawat. Ba’t ganito? Kung kailan luma ang kanta, at saka ninyo nagiliwan? Parang…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganun talaga minsan ang suwerte, nasa right timing.

“Malayo sa suwerte yun! Walang ganung kanta!” pagkontra ng beteranong rapper-comedian.

“Ang kanta is… sikat ngayon, maluluma. Sikat ngayon, mauulit. Pero yun, hindi sumikat yun. Galing sa wala yun. Galing sa wala.”

Nakausap ng PEP Troika si Andrew E. right after the culminating concert sa Piña Festival 2022 sa Ormoc. Nag-perform din doon that night sina Zsa Zsa Padilla at Gigi de Lana.

Pasubali ni Andrew E., “Wala na akong gigs. Tapos na. Itong ginagawa nating ito, kaya tayo nasa Ormoc, pasasalamat na lang ito.

“Hindi na ito connected with anything or anybody. But in all fairness, may world tour ako! Bagong Pilipinas World Tour!”

Under ba ito kay Vice-President Sara Duterte?

“Hindi, hindi. Sa akin ito. Ako na… pero magpapaligaya sa mga Bongbong-Sara supporters,” pagngiti ni Andrew E.

“Maraming bansa akong pupuntahan. Canada, Dubai, Japan, Italy. Mag-uumpisa two weeks from now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magko-concert na rin siya sa Hawaii kung saan napakaraming supporters ni President BBM?

“No, no, no. Hawaii can follow suit next year. Kasi, ano yun, e. US Mainland na yun, e,” saad ni Andrew E.

“Kasama sa US Mainland ko. And US Mainland will be next year. Uunahin ko muna yung Canada, uunahin ko muna yung Dubai, UAE and Europe.”

andrew e

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Gustong ipalaganap ni Andrew E. ang mensahe ng unity kaya kahit anong kulay at kung sinuman ang sinuportahan ng isa’t isa noong nakaraang eleksyon ay isantabi na at magkaisa na raw.

Hindi raw niya problema ito dahil nakapagpunla siya ng malalim na pagkakaibigan sa mga tao kahit hindi niya kapareho ng political beliefs.

“Katulad na lang ni Pokwang. Noong nagkita at nagkasama kami, okey naman masaya lang at aliw na aliw ako sa anak niya na talagang bibang-biba at ang cute-cute pa,” sabi ni Andrew E.

Read: When Pokwang meets Andrew E. by chance in Boracay after election: "Sa bandang huli, respect."

Nakita ko sa video kung gaano tinangkilik ng mga tao sa lahat ng social classes si Andrew E. Ultimo si Juliana Gomez na nag-iisang anak nina Lucy at Goma ay memorized ang kanta at nakikisabay pa kay Andrew E. pero in place lang naman, hindi na siya nakiagaw sa limelight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi masamang mangarap, at plano ni Andrew E. to make it not only here but in the international scene.

Sabi niya, gagalingan at sisipagan niya para makamit ito nang hindi kailangang mag-alis ng belt at salawal katulad ng mga ginagawang sexy comedy films locally.

At sa aming panayam kay Andrew E., kitang-kita ang labis niyang pagmamahal at paggalang sa Ka-Troika nating Jerry!!!

GORGY RULA

May isang pelikula pang commitment si Andrew E. sa Viva pero hindi pa niya ma sabi kung kailan at kung may schedule pa siya para rito.

Kaya wala pa siyang maisip na puwedeng gawin dahil puno na ang mga commitments niya hanggang sa susunod na taon.

Wala siyang planong mag-record ng mga bagong kanta dahil ine-enjoy pa rin daw ng mga kabataan ngayon ang mga kanta niya.

Wala rin sa isip niyang makipag-collab sa ibang artist at baka hindi raw sila magkapareho ng genre. Kung magkapareho man, baka may conflict naman sa recording company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero posible kayang magkaroon ng collaboration si Andrew E. at ang kasabayan niyang si Michael V?

“Michael is concentrating on TV and at the same time parang yung sitcom… yun ang gusto niya, di ba?

“Hindi mo maiaalis na kung ano yung ginagawa niyang energy ngayon, hindi puwedeng baguhin yun for quite sometime.

“Hindi mo puwedeng ano… kailangan ituluy-tuloy niya yun kasi, you know, ang Pilipinas ngayon napakadaling mag-change ng isip,” pahayag ni Andrew E.

Nagpapasalamat ang magaling na rapper na nabuo niya ang kanyang pangalan na hindi nasangkot sa ano mang iskandalo o isyu.

Nakamit ni Andrew ang kasikatang ito at paggalang na wala siyang sinagasaang tao at napanatili niya ang matinong pangalan.

Nagpaalam muna si Andrew E. kung puwede raw siyang magbuhat ng sariling bangko.

Aniya, “Nagtanim kasi ikaw o nagpondo ka ng mabuting pangalan. Kahit anong galing mo pero pag dinungisan mo ang pangalan mo, hindi ka magtutuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya noon pa man may nag-advise sa akin bago pa ako mag-artista na maging popular na Andrew E, ina-advise sa akin na huwag kang tutuntong sa paniwalang ang magdadala sa yung tagumpay ay masamang pangalan.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrew E. on keeping his name intact through the years: "Bago pa ako mag-artista na maging popular na Andrew E, ina-advise sa akin na huwag kang tutuntong sa paniwalang ang magdadala sa yung tagumpay ay masamang pangalan."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results