JERRY OLEA
Nag-resign na si Vivian Velez bilang Director General ng Film Academy of the Philippines (FAP).
Post ni Bb. Vivian sa Facebook page ng FAP nitong Hulyo 5, 2022, Martes ng gabi, “I would like to take this opportunity, first and foremost, to thank the Board of Directors of the Cultural Center of the Philippines (CCP) for providing me the opportunity to serve as Director General of the Film Academy of the Philippines (FAP).
“It was a very challenging stint, to say the least, and the pandemic did not make it any easier, either.
“There are still a lot of work to be done at FAP, in fact, too many to count. The organization continues to be not self sustaining and will never survive without intervention, at this point.
“It has no credible source of income, or, government support to make ends meet. The next DG will surely have his work cut out for him, or her.
“I have submitted my irrevocable resignation last May 2022. Mr. Manny Morfe, FAP Treasurer, is the acting Officer-In-Charge while the board of CCP is deliberating on who will replace me as DG.
“Thank you.
“Vivian Velez”
Sinuportahan ni Vivian noong nakaraang eleksyon ang kandidatura nina Isko Moreno at Sara Duterte.
Sa paglulunsad ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng Pelikulaya 2022 filmfest noong Hunyo 7 sa Amrak comedy restobar, Lopez Drive, Quezon City, nanawagan si Vivian sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipaubaya sa FDCP ang pamamahala sa taunang Metro Manila Film Festival.
Read: FAP director general Vivian Velez, gustong ipahawak sa FDCP ang MMFF
Nag-resign na pala noon si Vivian sa FAP, pero tinatawag pa rin siyang DG (as in Director General) ng katabi niya na FDCP Chair and CEO pa noon na Liza Diño.
NOEL FERRER
Isa sa mga unang nag-comment sa ating thread tungkol sa pagtatalaga kay Tirso Cruz III bilang bagong FDCP chairperson ang Star For All Seasons, ang mahal nating si Ate Vi, Vilma Santos.
Ang sabi ni Ate Vi, “Congratulations Chair Pipo !!!! Proud of you!! God bless!”
Read: Tirso Cruz III, itinalaga bilang bagong FDCP chairperson sa kabila ng reappointment ni Liza Diño
Naikuwento rin ng kaibigan nating si Direk Rowell Santiago na kinausap nga si Lolo Pipo ni Senator Jinggoy Estrada pagkatapos nilang dumalaw sa wake ni Tita Susan Roces last month. Sinabing ie-endorse si Lolo Pipo sa pagka-FDCP chair.
Noong una ay hindi pa desidido si Pip, pero nang umuwi siya mula sa FPJ’s Ang Probinsyano at nakipagpulong na sa mga kinauukulan, nahikayat ito sa hangaring makapagsilbi sa ating industriya.
Suportado si Lolo Pipo ng mga Kapamilya niya sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Naging magkaiba man ang reaksiyon nina Vivian Velez at Liza Diño sa pagtatapos ng kanilang termino, nagpapasalamat na rin tayo sa pagtataguyod ng kanilang opisina lalo na sa crucial na mga taon ng pandemya.
Ngayon, dapa pa rin ang industriya. Hindi pa talaga bumabalik ang mga kababayan natin na dati ay hukbo na nanonood ng pelikula sa mga sinehan.
Sama-sama tayo sa pagbangon muli sana ng ating industriya na labis na naapektuhan ng COVID at international economic crisis!
GORGY RULA
Nakapanayam natin ang MTRCB chairman na si Atty. Jeremiah P. Jaro sa Appreciation Dinner ng MMFF 2021 noong Marso 25 sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.
Tanggap ni Atty. Jaro na ang pagiging MTRCB chair niya ay co-terminus sa administrasyon ni President Rodrigo Roa Duterte.
Ngayong Hulyo 5, Martes ng hapon, sa Malacañang Palace ay sabay na nanumpa sina Tirso Cruz III at Johnny Revilla kay Presidente Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong chairperson ng FDCP at MTRCB, respectively.
Tinanong ng PEP Troika ang isang multi-awarded director kung totoong magiging consultant siya ng FDCP.
Ang tugon ng beteranong direktor, “Naku, wala pang final word tungkol diyan!”
May mga nagsusulong na i-dissolve na ang FAP lalo pa’t wala itong pondo, kaya noong nakaraang taon ay hindi tayo nakapagpadala ng aspiring entry para sa kategoryang best international feature ng Oscars o Academy Awards.
Abang-abang tayo sa mga susunod na kaganapan.
