PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lino Cayetano on Ian Veneracion-Heaven Peralejo movie

Lino Cayetano, gusto ulit makatrabaho ang StarStruck graduates.
by PEP Troika
Published Jul 5, 2022
ian veneracion heaven peralejo movie
Rein Entertainment founders Lino Cayetano (extreme left), Philip King (second from right), and Shugo Praico (extreme right) with Nanahimik ang Gabi stars Ian Veneracion and Heaven Peralejo.

JERRY OLEA

Sisimulan nina Ian Veneracion at Heaven Peralejo ang shooting ng pelikulang Nanahimik Ang Gabi sa Tagaytay bago matapos ang buwan ng Hulyo.

Read: Heaven Peralejo reveals new project with Ian Veneracion, Mon Confiado

“It’s a suspense-thriller po with a lot of twists and turns sa kuwento,” sabi ng writer-director na si Shugo Praico nitong Hulyo 5, Martes ng hapon, sa Supersam restaurant, Sct. Tobias St., Quezon City.

Dugtong ng director-producer na si Lino Cayetano (former mayor ng Taguig City), “Suspense-thriller-romance! Kasi, may something about Ian and Heaven doon sa kuwento na hindi pa namin maikukuwento.

“Tinanong nga sa akin kung may sex and violence daw? Sabi ko, ‘Naku! Talagang may sex violence!’”

Hindi problema kina Ian at Heaven ang sex and violence sa Nanahimik Ang Gabi?

Mabilis na tugon ni Direk Shugo, “Parang hindi naman po. Basta, part naman po ng kuwento when we told them about the story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakita nila kung gaano ka-integral ang sex and violence sa kuwento.”

Hanggang saan ang mga mapangahas at mararahas na eksena nila?

“Siyempre, maingat pa rin na hindi naman nila gagawin ang isang intimate scene just because. It’s all part of the story,” pagmamatuwid ni Direk Shugo.

Sambot ni Direk Lino, “And ano, ahhm, gusto naming mapanood ng mas marami nating mga kababayan.

“So, we’re conscious din na hindi siya R-rated or what para mapanood ng mas marami nating mga kababayan sa sinehan. It’s a beautiful story.”

Bakit si Heaven ang napili nilang bidang babae?

Mabilis na tugon ni Direk Shugo, “Iyong kabuuan po niya. Parang… when we saw her vlogs, when we saw her previous works.

“And habang nakikilala namin siya, habang nakakausap regarding the character, mas lalo pong naa-aafirm yung decision namin to ger her.

“Kasi, aligned na aligned po sa character. Her sensibilities, yung perspective niya sa mundo, sa paligid, ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sundot ni Direk Lino, “Nagbubulungan nga kami ni Direk Philip [King], parang… we were so impressed. We spent mga three days na with them, with Ian and Heaven.

“Sobra kaming na-impress sa kanila. Yung thirst and hunger nila para makilala nang mas malalim yung materyal saka yung characters.”

First time nina Ian at Heaven na magpo-portray ng ganoong klaseng roles.

Susog ni Direk Philip, “Direk Shugo had characterization workshop with them yesterday. Tapos, yung decision na sila ang piliin was like magical.

“Kasi, talagang they were just… para lang silang sumasayaw kahapon, yung the way they were interacting, the way they were parang trying to figure out and study their characters.”

Nasa cast din ng Nanahimik Ang Gabi si Mon Confiado.

Sina Direk Shugo, Direk Lino, at Direk Philip ang founders ng Rein Entertainment, na nagprodyus ng socio-political series ni Arjo Atayde na Bagman.

rein entertainment bosses

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Rein Entertainment's Shugo Praico, Philip King, and Lino Cayetano

Streaming sa Netflix Asia at iWant TFC ang dalawang season ng Bagman.

Para sa pagganap dito ni Arjo, nagwagi siyang best actor sa Asian Academy Creative Awards noong 2020.

Read: Arjo Atayde wins Best Actor at Asian Academy Creative Awards 2020

GORGY RULA

Bumilib si Direk Lino Cayetano sa 22-anyos na si Heaven Peralejo.

“Nagulat kami na mahal niya yung craft,” pahayag ni Direk Lino.

“Maraming magaling, maraming matalino, masipag, ganyan. Pero nagulat kami, yung una, ang talinong bata.

“Pangalawa, meron talaga siyang thirst to learn the craft. Alam niyo ho, yung magagaling na artista ng iba’t ibang mga henerasyon, nakakasalamuha natin 'yan, di ba?

“May iba silang paningin, pananaw sa materyal. Mas malalim yung mga tanong nila.

“So, hindi ko sinasabing nandun na si Heaven. Pero nagulat ho kami dun sa mga tanong niya. Mas malalim na ho. So we’re excited.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpapasalamat sina Direk Lino, Direk Shugo, at Direk Philip kay Direk Laurenti Dyogi ng ABS-CBN Star Magic na naging tulay upang maka-meeting nila si Heaven.

“Marami hong gustong makatrabaho si Heaven but they gave us opportunity to work with her,” pakli ni Direk Lino.

Si Lino Cayetano ang nagdirek ng unang season (Oktubre 2003-Pebrero 2004) ng StarStruck sa GMA 7.

Pag-amin ni Direk Lino, “Lagi kong binabalik-balikan pa rin ang StarStruck dahil ang daming talent na untapped around the country, and yung mga overseas Filipinos natin, at yung mga pamilya nila.

“So, it’s something that we also really want to develop. Hanapin pa lalo at i-develop yung mga magagaling at talentadong Pilipino all over the world.

“And hopefully we get to feature it sa mga kuwentong ikukuwento natin.”

Freelancer si Direk Lino, kaya open siya sa posibilidad na magbalik-Kapuso. Inaasam niyang makatrabaho muli ang StarStruck artists.

“Mahal na mahal ko po from Mark [Herras] to Jennylyn [Marcado] to Yasmien [Kurdi] to Cristine [Reyes],” lahad ni Direk Lino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami sa kanila, nag-ABS na, nag-GMA. But I worked with them, they were 20, 19, 18. I was 25. Ngayon, I’m 44. O 26 yata ako noon?

“So, ang sarap hong magkuwento. Kasi, nag-iba na rin tayo. At siguro, yung isa nating nakita, when you evolve as an artist, nag-iiba rin yung trabaho mo.

“Ever since, pangarap kong makapag-follow up na drama, na kasama sila.

“And then, yung estilo naman namin dito sa ginagawa namin, like Arjo with Bagman, heavily involved yung artist, ‘no?

“Like ngayon, si Ian, si Heaven, heavily involved sila sa materyal. Kasi, naniniwala kami, kung mas malalim yung involvement ng artists, mas maganda rin yung produkto.

“So, ako sa isang banda, excited nga ako, e. Excited and proud ako, ano, of the men and women that… the young stars we met 15 years ago in StarStruck, who they are now.

“And I think may magandang produkto na puwede kaming ilabas at ikuwento tungkol sa mga karanasan at mga pinagdaanan ho namin lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Naikuwento na sa akin ni Direk Lino Cayetano ang plano niyang magtayo ng kumpanya noon pa para magawa niya ang mga passion projects niya.

Talaga namang sakripisyo ang ginawa niyang pagpasok sa politika. Nakita ko kung paano pinagsilbihan ni Lino ang constituents niya nang maayos at kung paano siya nagparaya sa mga tunay na politiko sa kanilang pamilya.

Hindi ako nagduda na sa huli’t huli, babalik pa rin siya sa ating mundo.

Ang maganda kay Lino, kahit habang mayor siya ng Taguig, hindi pa rin niya nakalimutan ang ating mga kaindustriya.

Saan ba nagpuntahan ang maraming kasamahan natin sa trabaho para sa bakuna laban sa COVID, hindi ba sa Taguig?

Hindi ba’t it was under his watch na nagkaroon ng magandang MMFF Parade bago tayo naantala ng COVID?

Basta, ang tawag sa akin ni Lino ay First Friend dahil ako ang naging una niyang kaibigan sa paglipat niya noon mula GMA papuntang ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kaisa niya ako sa pangarap niyang sana ay makagawa siya ng proyekto na kasama ang mga dinirek niyang orig na StarStruck!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rein Entertainment founders Lino Cayetano (extreme left), Philip King (second from right), and Shugo Praico (extreme right) with Nanahimik ang Gabi stars Ian Veneracion and Heaven Peralejo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results