GORGY RULA
Muling mapapanood si Gloria Romero sa telebisyon bilang bahagi ng pagdiriwang ng 5th anniversary ng Daig Kayo ng Lola Ko.
Magbibigay siya ng short intro para sa anniversary episode nito, dahil identified talaga si Tita Glo sa naturang drama-fantasy anthology, at bahagi pa rin siya nito.
Read: Gloria Romero on seven-decade-long showbiz career: "It's my passion, it's my dream."
Malaki ang pasasalamat ng mga nasa likod ng Daig Kayo ng Lola Ko na pinagbigyan sila ng veteran actress na lumabas kahit sandali lang para sa anibersaryo ng show.
Pahayag ng AVP for Drama na si Ms. Ali Dedicatoria, “For the anniversary series, nakapagpagawa kami ng short intro kay Tita Glo. Pero for anniversary series lamang, not for the entire 2022 or even for 2023.
“Kasi nga yung old age ni Tita Glo, we really need to take care of her. Na talagang hindi siya talaga masyado ring mae-expose sa mga tao.
“So, ayaw naman namin na parang yung Daig pa ang maging reason para makakuha siya ng COVID or whatever.
“Pero for the anniversary series, yung mga rare moment na makikita natin si Tita Glo, makikita niyo for the month of July.
“So, isa yun dun sa special ano namin for Daig Kayo ng Lola Ko anniversary.”
Sisimulan na ang episode na pinamagatang "Bida Kontrabida" sa darating na Linggo, July 10, pagtapos ng 24 Oras Weekend.
Tinatampukan ito nina Rufa Mae Quinto, Andre Paras, Cai Cortez, at Jo Berry.
Sa buong buwan ng Hulyo, mga bagong episode ang mapapanood tuwing Linggo bilang selebrasyon ng fifth anniversary ng Daig Kayo ng Lola Ko.
NOEL FERRER
Nung nagsimula ang pandemya, hindi na isinali si Tita Glo sa Daig Kayo ng Lola Ko.
Naging maingat sila sa pagkuha ng mga artista at ipinagbawal muna ang pagkuha ng mga senior citizen dahil sa napakataas na COVID cases.
“Nung nag i-start kasi yung pandemic, nag-resume kami siguro mga late 2020.
“Hindi pa allowed nun, kasi yung mga seniors, then hindi po released yung vaccine.
“So, kinausap naman namin actually yung anak niya. 'Tapos, alam nila yung limitations lalo pag seniors na.
“So, okay naman sa kanila na ipagpatuloy yung Daig Kayo ng Lola Ko. Kasi, siyempre marami ring mga taong umaasa sa Daig.
“So, doon sa mga iba naming collaterals, sa mga promos, may banggit pa rin naman kay Tita Glo although totally tinanggal na namin yung nag-i-intro-extro sa Daig,” pahayag ni Ms. Ali.
Pero hindi nila itinatangging bahagi talaga ng programang ito si Tita Glo, at malaki raw ang utang na loob nila sa veteran actress na nagustuhan ng mga manonood ang Daig Kayo ng Lola Ko, at patuloy itong sinusubaybayan.
“Si Tita Glo, she will be forever part ng Daig Kayo ng Lola Ko and we will be forever be indebted to her. Kasi, yung Daig Kayo ng Lola Ko, siya ang inspiration namin for Daig.”
Matatandaang pinarangalan din namin si Tita Glo sa MMFF bilang first recipient ng Manay Ichu Memorial Award. Ang anak niyang si Maritess na ang tumanggap nito on her behalf.
Pero, oo naman, mas mahalagang ligtas at talagang kumportable’t safe ang ating movie queen na si Tita Glo dahil mahal natin ‘yan!
JERRY OLEA
Bidang-bida sa Kapuso Network ang mga programang tumatagal sa ere.
Daig na daig ng “Daig ng Lola Ko” ang ratings ng katapat na programa, kaya sakdal luwalhati ang pagdiriwang nila ng ikalimang anibersaryo.
Mabuhay si Lola Movie Queen Gloria Romero!
