NOEL FERRER
Katatapos lang ng last fitting ng Olympic champ na si Hildyn Diaz para sa wedding nila ng kanyang Coach Julius Naranjo.
All set na ang kasal nila na gaganapin sa St. Ignatius Church sa PMA Baguio sa July 26, 2022, Martes.
Read: Olympic gold medalist Hidilyn Diaz engaged na sa kanyang coach na si Julius Naranjo
Ang batikan at premyado at mabait na si Francis Libiran ang may gawa ng wedding gown at barong outfits nina Hidilyn at Julius sa kanilang wedding day — na siya ring first anniversary ng kanilang pagwawagi ng gold sa Tokyo Olympics.
Simpleng elegante ang ipinakitang design sa atin ni Francis:


May matching barbel cufflinks pa sa nauna nang weightlifting engagement ring na gawa naman noon ng Manila Diamond Studio.

Mid-October nang sinimulang planuhin ang kasal sa pangunguna nina Francis Libiran at Arsi Baltazar, at ang masipag nilang staff na si Kacey Pamintuan.
Styling by Gideon Hermosa. Photos by Mayad Studios and Nice Print. Hair by Celeste Tuviera. Make Up by Juan Sarte. Wedding Planning by Miss P, Patricia Ramos.
The reception will follow sa Baguio Country Club.
Sa 24th pa lang, naroon na ang ibang guests para sa welcome party, lalo na sa pamilya ni Julius from Guam at kay Haidie mula sa Zamboanga. This will be held at the beautiful Mount Costa.
Bukas, July 16, aakyat sina Julius at Hidilyn sa Baguio para sa final check ng venues, at para sa karangalang i-sketch si Hidilyn ng National Artist BenCab sa kanyang museum sa Baguio mismo.
JERRY OLEA
Oh, yes! Outside the Ghost Month ang pag-iisang dibdib nina Hidilyn at Coach Julius.
Malabo talagang makapag-judge si Hidilyn sa Binibining Pilipinas 2022 na nakatakda sa Hulyo 31.
Nineteen (19) pairs ang Principal Sponsors, sa pangunguna nina Senator Manny Pacquiao at Atty. Leni Robredo.
Kabilang din sa mga ninong at ninang ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, G. Manny V. Pangilinan at Gng. Virgie Ramos, Dra. Vicki Belo at Ka-troikang Noel Ferrer.
Isa sa dalawang Matrons of Honor si Angel Locsin.
Isa sa walong bridesmaids si Iza Calzado.
Isa sa siyam na groomsmen si Atom Araullo.
Best wishes, Hidilyn & Coach Julius!

GORGY RULA
Nakakatuwa! Dalawang selebrasyon para kina Hidilyn at Julius ang July 26!
Tiyak na dadagsain ito media na gustong mag-cover. Pero very private pala ito, lalo na’t kailangan pa ring mag-ingat sa patuloy na pagtaas na naman ng COVID-19 cases.
Magpu-provide na lang sila ng pictures at video para sa lahat ng networks na magbabalita ng kanilang pag-iisang dibdib.
Ang tanong ngayon ng mga fans: tuloy pa rin ba ang pagbubuhat ni Hidilyn? Tuloy pa rin ang pinu-push niyang 2024 Olympics sa Paris?
Paano raw kaya kapag magka-baby na si Hidilyn, mababawasan kaya siya ng lakas?
Pursigido pa rin daw ang ating Olympic gold medalist sa weightlifting.
Hindi natin alam kung mababawasan ba ng lakas kapag magka-baby na o lalo pang lumakas.
Pero wala nang kailangang patunayan pa si Hidilyn. Magsisilbing inspirasyon siya sa mga kabataang nagpupursiging maabot ang matagal nang pinapangarap.
Sana, lalo niyang pag-ibayuhin ang pagtulong at pagturo sa mga future gold medalist natin sa weightlifting o kahit sa iba pang larangan.
Mabuhay ang malapit nang maging Mr. and Mrs. Julius and Hidilyn Naranjo!
