PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Thor: Love and Thunder continues to rule box office

Top Gun: Maverick, highest-grossing movie ni Tom Cruise.
by PEP Troika
Published Jul 19, 2022
chris hemsworth tom cruise
Chris Hemsworth's (left) Thor: Love and Thunder continues its reign at the box office; Tom Cruise's (right) Top Gun: Maverick is now the highest-grossing film of the 60-year-old Hollywood superstar.

JERRY OLEA

Siyam na bagong pelikula ang nag-open sa North America nitong nakaraang weekend (Hulyo 15-17), ngunit hindi natinag sa unang puwesto ang marvelous Thor: Love and Thunder ($46.6M).

Nanatili rin sa pangalawang puwesto sa takilya ng U.S. at Canada ang animated comedy na Minions: The Rise of Gru ($26.8M).

Nananatili pa ring pinakamalakas na pelikula ng 2022 kung WORLDWIDE gross ang pag-uusapan ang maaksyong pelikula ni Tom Cruise na Top Gun: Maverick ($1.2B).

Sa panahon ng pandemya ay itong Top Gun: Maverick ang pangalawang pelikula na lumampas sa $1B ang worldwide gross.

Ang topgrosser ng 2021 na Spider-Man: No Way Home ay humamig ng $1.9B sa buong mundo. Bida rito si Tom Holland.

Senior citizen na si Tom Cruise. Sumapit ang kanyang kaarawan noong Hulyo 3.

Itong Top Gun: Maverick ang highest-grossing film so far sa career niya.

May teaser na sa mga sinehan ang pelikula ni Tom Cruise na Mission: Impossible — Dead Reckoning Part 1 na next year pa ipapalabas. Nasa post production na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyong Part 2 niyon ay sinu-shooting pa, at sa 2024 naman nakatakdang ipalabas.

At any rate, ang apat pang pelikula sa Top 5 so far na pinakasakalam ang worldwide gross this 2022 ay Doctor Strange in the Multiverse of Madness ($954), Jurassic World Dominion ($903M), The Batman ($771M), at Water Gate Bridge ($627M).

Nasa pang-anim hanggang pansampung puwesto ang Minions: The Rise of Gru ($534M), Thor: Love and Thunder ($500M), Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore ($405M), Sonic the Hedgehog 2 ($401.9M), at Uncharted ($401.7M).

Ngayong Hulyo ay walang Pinoy film na palabas sa local cinemas.

Coming soon sa mga sinehan ng Pilipinas ang horror thriller na The Black Phone (Hulyo 20) ni Ethan Hawke, Nope (Hulyo 20), DC League of Superpets (Hulyo 27), Bullet Train (Agosto 3) ni Brad Pitt, at ang suspense thriller na Beast (Agosto 10).

Take note na ang Ghost Month this year ay mula Hulyo 29 hanggang Agosto 26.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tatlong Pinoy movies ang napabalitang makikipagsapalaran sa local cinemas habang Ghost Month. Interesting ba ang sasapitin nila?

Iyong Cinemalaya indie filmfest ay nakagawian nang ganapin tuwing Agosto.

Ang pagdadalaga or 18th edition nito ay sa Agosto 5-14 sa CCP, kung saan tampok ang 11 full-length films at 12 short films.

Meron ding theatrical showing ng Cinemalaya 2022 films sa select SM and Ayala cinemas afterwards, kung saan P250 lamang ang halaga ng tiket.

Read: Mga direktor ng Cinemalaya 2022 entries, tinapos ang mga pelikula sa gitna ng pandemya

NOEL FERRER

Sa TV, iniiwasan din ang Ghost Month.

Inilunsad na ang movie-serye ng TV5 na Suntok Sa Buwan nitong Hulyo 18, Lunes ng 7:15 p.m.

Read: Aga Muhlach, bakit napapayag gawin ang movie-seryeng Suntok Sa Buwan?

Ang Kapuso morning show na TiktoClock ay sa Hulyo 25, Lunes ng 11:15 a.m., naman ang umpisa.

Read: Is the show of Rabiya Mateo, Pokwang, Kim Atienza replacing Mars Pa More?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinimulan na ang mga ito bago sumapit ang Ghost Month sa Hulyo 29.

E, iyong Darna ni Jane de Leon na napabalitang Agosto ang pilot telecast, wala bang takot sa Ghost Month?

Totoo kaya ang bali-balitang mag-e-extend muli ang walang kamatayang pakikipagsapalaran ni Cardo Dalisay sa FPJ’s Ang Probinsyano? Sa Seryembre 28 ang ikapitong anibersaryo nito.

Para kasing we’ve been through the worse na, Ghost Month man o hindi.

GORGY RULA

Wala pa akong napapanood na malalaking Hollywood films sa mga sinehan. Parang nakaka-guilty, dahil mas kailangang suportahan muna natin ang ating movie industry.

Pero wala pa talaga, sa totoo lang.

Pag-isipan ko pa kung panonoorin ko ba ang Maid in Malacañang, dahil hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang partisipasyon ko noong 1986 EDSA Revolution. Baka mamaya, may mga eksenang hindi katanggap-tanggap at tumaas lang ang BP ko, di ba?

Pero sana nga ay tuluy-tuloy na ang pagpapalabas ng local films natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sandali kong naka-text si Christopher de Leon kung totoo bang isa siya sa pinagpipilian upang maging bagong director general ng Film Academy of the Philippines (FAP). Wala pa naman daw talagang napagdedesisyunan si President Ferdinand Marcos Jr. kung sino ang ipapalit sa puwestong iniwan ni Vivian Velez.

Read: Vivian Velez, nag-resign na bilang director general ng Film Academy of the Philippines

At saka, may budget ba ngayon ang FAP? Sabi ni Boyet, wala pang magagawa ang FAP dahil wala pang malalaking local films na ipinapalabas sa mga sinehan.

“Wait tayo until this pestilence is over,” bahagi ng text niya sa akin.

Aware tayong tuluy-tuloy ang paglugmok ng ating movie industry, pero kailangan ay meron tayong gawin, sabi niya.

Kamakailan lang ay may ipinanukalang batas si Senator Bong Revilla sa Senado, ang Senate Bill No. 28 na naglalayong bigyan ng fiscal incentives sa proprietors, lessees, at operators ng mga sinehan.

Nakapaloob sa naturang panukala na alisin ang iba’t ibang klase ng national at local taxes na ipinapataw sa nabanggit na industriya tulad ng income tax, excise tax, value-added tax, at amusement tax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Bilang isa sa labis na naapektuhan ng COVID 19 pandemic, ang Philippine movie industry ay labis ding naapektuhan at napakarami ng nawalan ng hanapbuhay dahil sa hirap mag-produce ng pelikula at nagsara ang mga sinehan na grabeng nagpalugmok sa sitwasyon ng mga film producers, movie theater operators at mga manggagawa sa likod ng camera.”

Ang isa pa sa balak niya ay makipag-usap sa mga taong involved para sa pagpapababa ng presyo ng ticket sa sinehan.

Kahit kaltasan pa ng taxes ang ating local films kung mataas pa rin ang presyo ng ticket sa sinehan, hindi pa rin mahikayat ang taumbayan na manood sa sinehan.

Pag-uusapan daw ito nang maayos kung ano ang mabuting gawin para maging affordable ang presyo ng ticket sa sinehan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chris Hemsworth's (left) Thor: Love and Thunder continues its reign at the box office; Tom Cruise's (right) Top Gun: Maverick is now the highest-grossing film of the 60-year-old Hollywood superstar.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results