JERRY OLEA
Super-happy ang proud Batangueña na si Queenay Mercado na magbida katambal si Jin Macapagal sa 36-episode TikTok series na 52 Weeks.
Mag-uumpisa iyon bago sumapit ang Ghost Month — Hulyo 27, Miyerkules, sa TikTok account ng Puregold Channel.
“Knowing na ito po ang kauna-unahang Filipino TikTok series, I feel honored po talaga to be cast as leading lady!” bulalas ng 20-anyos na si Queenay.
“Para sa inyo po ang nakakakilig na series na ito! Sana po, manood kayong lahat at patuloy na sumuporta sa akin.”
Ang romantic series ay kinunan sa isla ng Cagbalete sa Mauban, Quezon.
It follows the story of Mina, a bubbly and hopeless romantic who’s a certified NBSB (No Boyfriend Since Birth). Determined to give Mina the love life she’s been missing out on, her best friends Chem and Eya decide to look for the perfect boyfriend for her within 52 weeks.
Idinirek ito ni Lemuel Lorca, with Chris Cahilig as producer.
Bale pangatlong series na ito ng Puregold Channel.
The first two were streamed on YouTube — iyong GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes nina Jerome Ponce, Nikko Natividad, at Dave Bornea; at iyong Ang Babae sa Likod ng Face Mask nina Herlene Nicole Budol at Joseph Marco.
Nasa cast din ng 52 Weeks sina Derick Lauchengco at Herbie Cruz.
Kainaman ang career ngayon ni Queenay.
Napapanood siya sa dalawang palabas ng TV5, ang Lakwatsika at Sing Galing Kids. Nasa cast din si Queenay ng forthcoming sitcom ni Maja Salvador sa TV5, ang OMK (Oh, My Korona!).
Read: TikTok star Queenay, type bang magkaroon ng boyfriend from showbiz?
NOEL FERRER
Pahayag ng presidente ng Puregold na si G. Vincent Co, “As online content continues to flourish, we want to further drive Puregold retailtainment and connect with customers, old and new.
“Puregold Channel is our platform for showcasing fresh and relevant stories.
“And launching this first-ever TikTok series in the country is another groundbreaking move that we’re proud of.”
Ito na kayang short form ang bagong paraan ng pag-consume ng media products at outputs?
GORGY RULA
Nakatatlong series na ang Puregold, pero bakit parang wala pang tumatak sa kamalayan natin?
Nag-expect ako na mag-hit itong digital series ni Hipon Girl, pero tila wala namang nangyari.
Pero baka nakatulong naman itong Puregold retailtainment, dahil nakatatlo na sila.
Ang maganda pa rito, nabibigyan ng break ang mga bagong mukha kagaya ni Queenay. Sana, makatulong ito sa kanya at lalong dumami ang kanyang followers.
Inaasahan kong merong mapapasikat ang ganitong series, basta makaisip sila ng magandang kuwento na kakaiba na kakagatin ng masa.
TikTok na ang pumalit sa Dubsmash. Kaya, sana meron silang mapapasikat na tipong si Maine Mendoza.
Na kay Queenay na kaya ito?
