PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruru Madrid on FPJ's Ang Probinsyano finale

Ruru Madrid, mataas ang respeto kay Coco Martin na bida ng Ang Probinsyano.
by PEP Troika
Published Jul 25, 2022
Ruru Madrid, Coco Martin
Ruru Madrid (left) may mensahe para sa pagtatapos ng karibal na show ng Lolong: "Mataas po ang respeto ko sa lahat ng bumubuo ng Ang Probinsyano lalo na po kay Sir Coco Martin... Ang hangad lang po naming mga artista ay makapagbigay ng magandang palabas para sa mga Pilipino na maipagmamalaki natin sa buong mundo." Ang FPJ's Probinsyano ay pinagbibidahan ni Coco Martin (right).
PHOTO/S: @rurumadrid8 / @cocomartin_ph

GORGY RULA

Parang nahiya pa si Ruru Madrid magbigay ng reaksiyon nang ipinarating ko sa kanya ang komento ng iba na ang Kapuso serye niyang Lolong ang nagpataob sa wakas kay Cardo Dalisay sa FPJ’s Ang Probinsyano.

READ: Ruru Madrid admits almost quitting showbiz because of Lolong

READ: Ruru Madrid and Bianca Umali kilig moments: A timeline

Ito rin ang ilan sa mga komento ng listeners namin sa aming radio program sa DZRH, pagkatapos nagbigay ng pahayag si Coco Martin na tatlong linggo na lang ay matatapos na ang teleseryeng ito na tumakbo ng halos pitong taon.

READ: Coco Martin announces last three weeks of FPJ's Ang Probinsyano

Pahayag ni Ruru sa Viber message na ipinadala sa PEP Troika: “To be honest, I wouldn't say na ang Lolong po ang nagpatumba sa Ang Probinsyano dahil kakasimula pa lamang po namin at sila po ay umere ng 7 years kung saan tinutukan at sinubaybayan din po sila ng sambayanang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Katunayan po nito, ako po ay nakagawa ng ilang mga teleserye na nakatapat ng Ang Probinsyano katulad po ng Encantadia, Alyas Robinhood 2, Sherlock Jr. Nag-guest din po ako sa The Cure at ngayon ang Lolong.

"Mataas po ang respeto ko sa lahat ng bumubuo ng Ang Probinsyano, lalo na po kay Sir Coco Martin.

"Dahil bilang isang tao na nasa loob ng entertainment industry, ang goal po naming lahat ay makapagbigay saya sa bawat manonood. Nagawa po nila yun at nakatulong din sa mga artista na nawalan na ng trabaho. Kaya saludo po ako sa kanilang lahat."

Sa totoo lang, sa bahay namin ay sa Lolong na talaga sila nakatutok dahil sa tumitindi na ang takbo ng kuwento.

Iyon naman daw ang mahalaga, sabi sa amin ni Ruru, kaya pinaganda nang lubos ang kuwento para sa ikasisiya ng televiewers.

"Ang hangad lang po naming mga artista ay makapagbigay ng magandang palabas para sa mga Pilipino na maipagmamalaki natin sa buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit ano pa pong programa iyan na makapagbibigay-saya at inspirasyon sa ating lahat ay malugod po nating tinatanggap. At lahat po 'yan ay para sa mga manonood at tagasuporta naming mga artista," dagdag na text sa amin ni Ruru.

Ngayon lang daw nakapag-tape si Ruru ng isang drama series hanggang ending. Kaya tinututukan daw niya kung paano ito ipalalabas sa telebisyon na maging kapana-panabik sa mga manonood.

"Ngayon pa lang po tumitindi ang mga aksyon at mga rebelasyon sa Lolong kaya kahit ako po as a viewer, sobrang na-hook po talaga ako.

"This is actually the first time na manood ako ng serye ko na tapos na bago ipalabas kaya kahit ako, bumabalik sa pakiramdam ko kung paano namin ito ginawa at pinagpaguran," dagdag na text ni Ruru sa PEP Troika.

NOEL FERRER

Tama lang yung reaksiyon ni Ruru—one of humility and magnanimity.

Kasi, you can’t compare lemons and apples as you cannot match people from reptiles. Iba-iba, lang talaga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At least alam ni Ruru ang pagkakaiba ng katotohanan sa hype kaya mahal natin iyan, kasi he remains grounded.

Whatever achievement Lolong has reached now, grabe rin naman nilang pinagsikapan at ang daming hamong pinagdaanan at nilagpasan.

Congratulations, Ruru, and all the best to you really!!!

JERRY OLEA

Indeed, hindi maihahambing ang lemon sa mansanas. Naikumpara ang tagal ng FPJ’s Ang Probinsyano (Setyembre 2015-Agosto 2022) sa Daisy Siete (Setyembre 2003-Hulyo 2010) na naka-26 seasons.

Pero iyong characters ng Sex Bomb Dancers ay paiba-iba sa mga istorya ng Daisy Siete. Isa pa, panghapon ang Daisy Siete at hindi pam-primetime.

Saka may pelikulang Ang Probinsyano (1996), na nagkaroon ng sequel na Pagbabalik ng Probinsyano (1998).

Kaya pagkatapos ng Darna ni Jane de Leon… malay mo, malay ko, malay nating lahat… posibleng maipagpatuloy ang istorya ni Cardo Dalisay if ever sa teleseryeng FPJ’s Pagbabalik ng Probinsyano.

Kesehodang noon pa natsitsismis na ang next teleserye ni Coco ay FPJ’s Batang Quiapo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So, “mapatumba” man ng Lolong ang FPJ’s Ang Probinsyano, ika nga’y you can never can tell… baka ma-resurrect si Cardo!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid (left) may mensahe para sa pagtatapos ng karibal na show ng Lolong: "Mataas po ang respeto ko sa lahat ng bumubuo ng Ang Probinsyano lalo na po kay Sir Coco Martin... Ang hangad lang po naming mga artista ay makapagbigay ng magandang palabas para sa mga Pilipino na maipagmamalaki natin sa buong mundo." Ang FPJ's Probinsyano ay pinagbibidahan ni Coco Martin (right).
PHOTO/S: @rurumadrid8 / @cocomartin_ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results