Watch Now

Unang pelikula ni Direk Louie Ignacio sa Vivamax, umaatikabo ang hubaran at harutan

by PEP Troika
Aug 12, 2022
louie ignacio the influencer
Louie Ignacio on The Influencer lead stars Cloe Barreto and Sean de Guzman: “Pagkakita ko dun sa mga ididirek kong artista, sabi ko, ‘Ahh, maganda ito.’ And ang gagaling nila, totoo naman. Totoong magagaling sila. Congratulations sa inyong dalawa! Wala akong masasabi sa mga cast.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Vivamax

JERRY OLEA

May bahid ng psychological thriller na Misery (1990) ang pelikulang The Influencer.

First Vivamax film ito ni Direk Louie Ignacio, at umaatikabo ang hubaran at harutan dito ng mga bidang sina Sean de Guzman at Cloe Barreto.

Read: Cloe Barreto, nag-e-enjoy sa pagganap bilang babaeng nababaliw sa pag-ibig

“Nag-enjoy ako sa film!” bulalas ni Direk Louie matapos ang special screening ng movie noong Agosto 4, 2022 sa isang mall sa Quezon City.

“Nag-enjoy ako! Kasi, first, ang ganda nung script ni Quinn [Carillo]. Congratulations, Quinn!

“First time ko ito, kinabahan ako nung ginagawa ko. Pero alam ko na maganda yung magiging finished product.

“Kasi, pagkakita ko dun sa mga ididirek kong artista, sabi ko, ‘Ahh, maganda ito.’ And ang gagaling nila, totoo naman.

“Totoong magagaling sila. Congratulations sa inyong dalawa! Wala akong masasabi sa mga cast.”

Nasa cast din ng The Influencer sina Elizabeth Oropesa, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Quinn Carillo, Karl Aquino, at Calvin Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat si Direk Louie sa producers ng The Influencer na sina Len Carrillo at Bryan Dy dahil hindi siya binantayan ng mga ito sa set.

Sabi pa ni Direk Louie, “Kaya kahit ano, ginagawa ko. Ganun ang gusto ko kasi, may freedom ako to direct lalo na ito na, dyusko, nakakanerbiyos!

“Ahhm, sabi ko nga, ano, e… salamat, at least nagkaroon ako ng ganitong klaseng project, di ba?

“Ako personally, nagandahan ako. Nag-enjoy ako. At laking pasasalamat ko sa Vivamax talaga, sa aking mga producers.

“And of course, salamat sa performances ng dalawang lead actors ko. Galing! Galing! Ang galing-galing!”

sean de guzman cloe barreto the influencer

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Cloe Barreto and Sean de Guzman in a scene from The Influencer

Nakakagulat na nakabuo si Direk Louie ng pelikulang gaya ng The Influencer kung saan may erectus notrilla, at sandamukal ang pa-boobey at mapangahas na eksena.

Napangiti ang premyadong direktor, “Ano lang ito, a matter of research. So, research, panood ng ganito, alam niyo na kung ano ang pinapanood ko.

“So, dadaanin ko ngayon sa cinematography. Kung paano ko iba-block, kung paano ko ipe-present sa inyo.

“So, after watching those yung mga researches ko na very, very sensitive… so, dinaan ko sa editing, at binantayan ko rin ang music.

“Kasi, kailangan sa mga eksena nila, dun yung nagdala na hindi siya… well, I don’t know, sa akin kasi, nung pinanood ko, hindi ako nabastusan. Hindi bastos.

“Wala akong eksena na nakita na bastos, kaya nag-enjoy ako. Masaya ako!”

Streaming na sa Vivamax itong The Influencer simula ngayong Agosto 12, Biyernes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

May aral para sa mga Pinoy itong pelikula, lalo na para sa mga edad 18-30 na mahilig mag-socmed. Ano ba ang natutunan dito ng mga bida ng The Influencer?

Sagot ni Sean, “Ang natutunan ko dito sa pelikulang ito, itong karakter ko kasi dito, medyo napamahal sa akin.

“Kasi, tinatalakay nito yung equality sa bawat gender, di ba? Na porke lalaki, hindi pwedeng maabuso, di ba?

“Tinatalakay din dito yung mga influencer na tine-take advantage nila yung kasikatan nila para makakuha sila, makapag-hook up sila ng mga babae.

“May isa pa akong natutunan dito, yung… Kasi sa Pilipinas po, hindi open sa atin na pinapaniwalaan yung mga lalaki na naaabuso.

“Kasi, hindi ine-entertain, hindi pinapaniwalaan na… lalaki kami, so paano kami mare-rape, di ba?

“So, ayun ang sana mabago dito sa sistema natin.”

Pahayag ni Cloe, “Ako po, dapat hindi talaga ibibigay yung tiwala agad. At huwag mong iuuwi sa condo para hindi ka nasusundan!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lalo na kung hindi mo condo, kawawa naman yung may-ari!”

Singit ni Sean, “At isa pa, huwag magpaka-social climber! Huwag magpanggap. Huwag magpanggap!

“Kasi, lahat ng pinu-post ngayon sa mga social media, yung mga nakikita natin, may possibilities na hindi naman totoo yung iba diyan, e, di ba?

“So, nasa sa ‘yo yan kung maniniwala ka o hindi. So dapat maging matalino tayong lahat sa mga nakikita natin na mga bagay sa social media.”

Sang-ayon si Direk Louie kina Sean at Cloe.

Aniya, “Yung title pa lang na The Influencer, mabigat na. “So, malaki ang responsibilities nila na yung title na yun, para kang… parang ano, e, andaming nakatingin sa ‘yo.

“Ina-idolize ka, so dapat maging model ka. Huwag mong gamitin yung powers mo.

“Kasi, na-achieve dito sa pelikula na once na gamitin mo sa masama yung title mo as influencer, ayan ang mangyayari sa 'yo.

“So, hindi porke’t lalaki ka, hindi ka puwedeng abusuhin ng babae. Kaya rin ng babae na mang-abuso ng lalaki kung sila ay sumosobra na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, equal dapat. Respeto. Yun yung message ng film.”

NOEL FERRER

Saan nga ba ginagamit ang pagka-influencer? Sino ang nakikinabang?

Sa mga ganitong pelikula, sino ang nakikinabang? Napapaunlad ba nito ang antas at uri ng pelikulang ginagawa at pinapanood ng mga Pinoy?

Sana, taglay ng pelikulang The Influencer ang sagot!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Louie Ignacio on The Influencer lead stars Cloe Barreto and Sean de Guzman: “Pagkakita ko dun sa mga ididirek kong artista, sabi ko, ‘Ahh, maganda ito.’ And ang gagaling nila, totoo naman. Totoong magagaling sila. Congratulations sa inyong dalawa! Wala akong masasabi sa mga cast.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results