PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lolit Solis, gustong isama ang alagang aso pag ike-cremate siya

Lolit Solis, nagpagupit at nagpakulay ng buhok matapos mag-dialysis.
by PEP Troika
Published Aug 17, 2022
lolit solis hospital
Lolit Solis on people who extended their help amid her health issue: “Diyos ko! What have I done to deserve this kindness and love? Bakit andaming angels ang ibinigay ni God para magbantay sa akin?”
PHOTO/S: @akosilolitsolis on Instagram

JERRY OLEA

Ngayong Agosto 17, 2022 Miyerkules, ang unang monthsary ng pagkaospital ni Manay Lolit Solis, at turning point sa kanyang buhay.

Hulyo 17, Linggo ng bandang 3:00 a.m., hirap magsalita si Manay Lolit kaya isinugod siya ng mga kasama sa bahay sa FEU-NRMF Medical Center, Regalado Avenue, Novaliches, Quezon City. Isang linggo siya sa naturang ospital.

Read: Lolit Solis quits online show to focus on Instagram posts after getting hospitalized

Kapagkuwan ay nagda-dialysis siya dalawang beses kada linggo — tuwing Martes at tuwing Biyernes o Sabado (depende sa availability ng kuwarto kung saan dina-dialysis siya).

“Diyos ko! Hanggang ngayon, hindi pa nagsi-sink in sa akin na may sakit ako, ‘no?!” bulalas ng 75-anyos na talent manager.

Eksklusibong nakachikahan ng PEP Troika si Manay Lolit kahapon ng hapon sa FEU-NRMF Medical Center.

Pagpapatuloy ni Manay Lolit, “Talagang naiirita ako. Kanina, yung mga kasama kong nagda-dialysis, parang ang saya-saya nila.

“Nagkukuwentuhan sila, nagtatawanan. Parang inis na inis ako sa kanila. Bakit parang enjoy na enjoy sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos pagdating ko kanina, binati ako, ‘Hi, sister!’ Naku! ‘Hoy! Anong sister-sister diyan?!’ Nakakaloka! Sister sa dialysis?!

“At yung isa, siya mismo ang nag-ayos ng kanyang upuan. Siya ang nag-ano.

“Nahiya nga ako. Kasi, kanina, yung isang nagda-dialysis, binigyan ako ng mamon. Na-touch ako!

“Kaya next time, magdadala na rin ako ng mamon at bibigyan ko sila!”

Meron nang naghahanap ng kidney donor para sa kanya, at nagprisintang sasagot sa operasyon niya.

Napangiti si Manay Lolit, “Nung nalaman ni Mayor Enrico Roque [ng Pandi, Bulacan], di ba? Sabi niya, ‘Nay, magpapahanap ako ng donor! Gusto mo?’ Napaiyak ako.

“Tapos bigla naman, tumawag si Alice Eduardo [CEO of Sta. Elena Construction Corp.], di ba? Sagutin daw niya ang operasyon ng ano ko, yung kidney transplant. Napaiyak na naman ako.

“Diyos ko! What have I done to deserve this kindness and love? Bakit andaming angels ang ibinigay ni God para magbantay sa akin?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakawindang yung recent Instagram post niya kaugnay sa aso niyang si Dyokdyok just in case. Ang morbid!

“Pag ano, dapat… pag ike-cremate na ako, dapat i-cremate kasama ko si Dyokdyok,” kaswal na kuwento ni Manay Lolit.

Fourteen years na niyang alaga si Dyokdyok. Baka tumagal pa ang buhay nito, tapos, if ever… ike-cremate kasama niya? OK lang kaya iyon kay Dyokdyok?

“Ayaw din ni Jokjok mabuhay na wala ako, ‘no?!” bulalas ni Manay Lolit.

“Palagi siya sa tabi ko pag nasa bahay ako. Sinasabihan ko siya, ‘Pag namatay ako chu-chu, sama ka sa akin, ha?’

“Parang umooo siya.”

Dati rati ay mahigit limampu (50) ang mga alagang aso ni Manay Lolit. Ngayon ay dalawampu’t tatlo (23) na lang ang mga ito, na pawang may lahi.

“Hindi ko na dinagdagan nung tumanda na ako. Sabi ko, ‘What will happen to them pag nawala na ako?’

“Di ba, kawawa naman? Baka mamaya, di ba, si Mel [Manay Lolit's girl Friday]… baka palabasin sila sa kalye. Knowing Mel! Di ba?!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

If ever, baka puwede niyang ihabilin sa isang Kapamilya singer na kumakalinga ng stray pets.

“Matatanda na rin yung mga alaga kong aso, e. Baka hindi na niya tanggapin,” pag-aatubili ni Manay Lolit.

Pag wala raw si Manay Lolit sa bahay ay mababait at behaved ang mga aso. Pag-uwi ni Manay Lolit, makukulit at masisigla ang mga ito.

“Pag dumadating ako mula sa ospital, nagkakahulan sila nang sobra,” pagngiti muli ni Manay Lolit.

Bukod-tanging si Dyokdyok ang nakakatabi ni Manay Lolit sa pagtulog.

Pag umakyat na si Manay Lolit sa kuwarto, sumusunod agad si Dyokdyok, at yung iba pang mga aso ay hindi na puwedeng lumapit kay Manay Lolit.

GORGY RULA

Noong Agosto 13, Sabado, ay nagpa-parlor si ‘Nay Lolit sa salon ni Bambbi Fuentes kesehodang may nakakabit na catheter sa kanyang leeg.

“Day! Nagrebelde ako! Nagpagupit ako saka nagpakulay!” pagmamalaki ni ‘Nay Lolit sa kanyang buhok.

“Eto na ang brilliant niyang ano, ‘Oy! Ate, kaninang dumating ka dun sa parlor, mukha kang maysakit. Nung pagkatapos mo, hindi ka na mukhang maysakit.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung natapos akong kulayan at ano, hindi na ako mukhang maysakit.”

At least, bago mag-monthsary ang pagkakaospital niya ay nakapag-Bambbi Fuentes na siya.

“Nagrebelde talaga ako. Sabi ko, ‘Hindi, walang makakaano sa akin!’ Makaka-stop sa akin. Talagang lalabas ako.”

Wala nang manas sa mga binti at talukap ng mga mata si ‘Nay Lolit pero hirap pa rin siyang kumilos.

“Maano pa rin, e, yung parang lutang na lutang ang pakiramdam mo. Nung itinanong ko sa doktor, dahil daw sa dami ng gamot,” pagtatapat ni ‘Nay Lolit.

“Talagang parang walang laman ang utak mo.”

Nakapunta na siya sa beauty salon pero hindi pa siya puwedeng mag-abroad.

“Hindi ko na siguro kayang magbiyahe. Kahit yung long travel by land, hindi ko na kaya talaga,” pag-amin ni ‘Nay Lolit.

“Ang buhay ko ngayon, dalawang araw kada linggo, dialysis. The next day after dialysis, pahinga lang ako. Parang iba na ang katawan mo.

“Saka pag tine-take yung mga maintenance ko na tinaasan ang dosage, liyung-liyo na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Imagine mo, in one week, wala na agad yung three days dahil ina-allot na sa dialysis.”

Sa last few episodes ng weekly online show nila ni Mr. Fu na Take It! Take It! Me Ganon, nakaramdam na ba siya ng panghihina?

“Ang nararamdaman ko, hindi ako makahinga. Kaya kung minsan, pinapabayaan ko si Fu. Si Fu nang si Fu, ano lang ako.

“React lang ako. ‘Hah! Hah! Hah! Hah!’ Kasi, yun, napi-feel ko… parang hindi ako makahinga. Parang nagaganun ako.

“Yun talagang feeling ko nang dinala ako rito, hindi ka makahinga na humahabol ka sa ano, gasping for breath.

“Yun pala, andami-dami ko nang water sa lungs,” seryosong lahad ni ‘Nay Lolit.

Nakakapagsimba ba siya?

“Online lang. Hindi ko pa kayang pumunta ng simbahan kahit naka-wheelchair ako,” pagbuntong-hininga ni ‘Nay Lolit.

“Gustung-gusto ko yung Mass ni Fr. Tito Caluag. Gusto ko yung homily niya, maikli lang. Hindi nakakainip.”

Nang maospital si Nay Lolit a month ago ay file photos niya ang ina-upload sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahapon lang siya nag-post ng bagong litrato na kuha sa ospital, kung saan may catheter siya sa kanyang leeg. Kasama niya sa litrato ang daughter na si Sneezy, ang girl friday na si Mel, at sister-in-law na si Angie.

NOEL FERRER

Ang tawag sa ating mga kaibigan ni Nay Lolit, Team Dialysis. Anuman ang gustuhin ni Nay Lolit at makakapagpaligaya sa kanya, ibigay na!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katulad ng nagpag-uusapan natin, handa si Nay Lolit sa kahihinatnan niya — kaya tuloy lang siya sa buhay; grateful for all the blessings and graces she has been receiving.

"And I’m sure, sa loob-loob niya, panatag siya at yung pagpitik niya kay Bea Alonzo ay hindi ibig sabihing galit siya kay Bea, ha. She knows that Bea is a good person, lalo na ang mommy nito!

Kung anuman ang nasa isip at kalooban ni Nay Lolit, hindi natin alam. But despite her fierce front, grabe siyang naging human sa aking paningin — unmasked of her showbiz kaeklayan. Nay Lolit remains to be grateful and kind.

God bless her and we pray for her healing and continued happiness.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lolit Solis on people who extended their help amid her health issue: “Diyos ko! What have I done to deserve this kindness and love? Bakit andaming angels ang ibinigay ni God para magbantay sa akin?”
PHOTO/S: @akosilolitsolis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results