PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ken Chan, nilinaw na wala silang tampuhan ni Rita Daniela

Ken Chan recounts recent conversation with former leading lady Rita Daniela.
by PEP Troika
Published Aug 19, 2022
Ken Chan, Rita Daniela, RitKen
Ken Chan on how he and Rita Daniela are supportive of each other: "Nag-usap kami. Nag-congratulate ako sa kanya na nagkaroon kami ng realization na unti-unti naming naaabot yung pangarap namin. Hindi man sa industriya, kundi sa ibang bagay... Alam ni Rita… itong Café Claus, kung gaano ko siya pinangarap ng sobra-sobra.
PHOTO/S: Pau Gueverra

GORGY RULA

Iniiwasan nang pag-usapan namin ni Ken Chan ang intriga ng ilang netizens na may tampuhan sila ni Rita Daniela.

Nang naka-dinner ng PEP Troika si Ken sa kanyang Café Claus sa Greenhills nung nakaraang Huwebes, August 18, 2022, sinabi niya sa aming nagkausap sila nang masinsinan ni Rita.

Okay naman daw sila. Sobrang masaya raw siya para kay Rita dahil matagal na palang pinangarap ng Kapuso singer-actress na maging isang ina.

"Honestly, sobrang happy ako kay Rita. Because, pangarap niyang magka-baby, e. Matagal na niyang gusto.

"Isa yun sa gusto niya, ipinagdarasal niya na magiging nanay siya, and dumating na. Binigay sa kanya ni Lord na magkaroon ng anak.

"Kaya… akala kasi ng mga tao, problema yung dumating sa kanya, e, dahil nandun na siya, e, biglang nagkaroon ng baby.

"Hindi alam ng tao na sobrang saya ni Rita na nagkaroon siya ng baby kasi matagal na niyang ipinagdarasal iyan. Pangarap niya talaga iyan,” pahayag ni Ken.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa nakaraang Thanksgiving Ball ng GMA-7, kitang-kita kung gaano kasaya si Rita na rumampa sa red carpet na malaki na ang tiyan.

JERRY OLEA

Natutuwa raw si Ken Chan na natupad na ni Rita ang pangarap nitong maging isang ina, at siya naman ay napalago niya ang mga negosyong sinimulan niya.

"Nag-usap kami. Nag-congratulate ako sa kanya na nagkaroon kami ng realization na unti-unti naming naaabot yung pangarap namin. Hindi man sa industriya, kundi sa ibang bagay.

"Siya, natupad niya ang pangarap niya na magkaroon ng baby. Ako, natutupad ko na magkaroon ng business.

"So, parang kailan lang, hindi naman ganun katagal, 2 years o 3 years ago, sabay din kaming nangarap kung ano yung gusto namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam ni Rita… itong Café Claus, kung gaano ko siya pinangarap nang sobra-sobra," lahad ni Ken.

Kukunin kaya ni Rita si Ken na ninong ng panganay niya?

Teka, bakit hindi pa ipinapakilala ni Rita sa madla ang ama ng kanyang magiging anak? Dahil non-showbiz naman ito? OK pa rin ba ang kanilang relasyon?

Ken Chan

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Sa Setyembre 18 ay bubuksan na ang pangatlong branch ng Café Claus ni Ken sa may Eastwood City.

Ito raw ang malaking branch niya dahil magkakaroon pa ng bar sa restaurant na yun na Christmas din ang motif. At feel ko talaga yung Christmas Everyday.

Yung ipinaalala hindi lang yung materyal na bagay na paggastos kundi ang kabutihan, pagmamahalan at pagpapatawad na kaakibat ng Pasko.

Kaya gusto ko si Ken Chan, e, walang masamang tinapay. Puno lang ang good will at nagpapakatotoo lang siya sa sarili niya! Merry Christmas, Ken!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan on how he and Rita Daniela are supportive of each other: "Nag-usap kami. Nag-congratulate ako sa kanya na nagkaroon kami ng realization na unti-unti naming naaabot yung pangarap namin. Hindi man sa industriya, kundi sa ibang bagay... Alam ni Rita… itong Café Claus, kung gaano ko siya pinangarap ng sobra-sobra.
PHOTO/S: Pau Gueverra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results