GORGY RULA
Ang anak niyang si Andi Eigenmann ang unang dinamayan ni Jaclyn Jose nang nakarating sa kanya ang malungkot na balitang pumanaw na si Cherie Gil.
Si Andi ay anak ni Jaclyn at ng namayapa na ring kapatid ni Cherie na si Mark Gil.
Hiningan namin ng pahayag si Jaclyn sa nakaraang mediacon ng Bolera, na magtatapos na ngayong linggo.
Sabi ni Jaclyn, isa siya sa nalungkot sa pagpanaw ni Cherie na isa sa pinabatikang aktres sa bansa.
Ani Jaclyn, “We are all very sad about it. Hindi lang naman ako, kundi buong industriya ay nagluksa, kasi isang batikang aktres yung nawala, e. Tapos malapit pa sa akin.”
Pero ang isa sa kaagad na inalala niya ay si Andi na malapit kay Cherie.
"Siyempre, ang una mong alagaan diyan ay ang anak ko, si Andi. Pumunta sila ng Manila, now they’re in France.
"But when they’re here, I went to them and hugged her and si Gabby [Eigenmann], and some members of the family.
"And I said my condolence, and we are all feeling bad with what happened to her… too soon.
"Malaking kawalan talaga sa industriya ang pagkawala niya,” saad ni Jaclyn.
Naging bahagi rin noon si Jaclyn ng Eigenmann family at nakatrabaho rin niya si Cherie. Okay raw silang dalawa, wala silang naging isyu.
"We’re okay. We worked together. Okay kami pag nagkikita. Cherie, Cherie… she’s been part of my life too and my daughter.
"Sa akin, okay kami. Wala kaming bad vibes with each other. We’re always okay. Hindi kami nagkaroon ng clash, in short," seryosong tugon ni Jaclyn.
Si Michael de Mesa naman ang isa sa inalala ni John Estrada nang itinanong namin sa kanya ang tungkol sa pagpanaw ni Cherie.
Nakatrabaho rin ni John ang namayapang aktres, pero mas close sila ng brother nitong si Michael.
Tampok sina John at Michael sa FPJ’s Ang Probinsyano.
"You know, Kuya Michael de Mesa is one of my closest, dearest friends also. Ang mahabang pinagsamahan namin ni Kuya Mike, back in Parañaque pa lang,” lahad ni John.
"So, talagang we’re really feel sorry for Kuya Mike. And... ay naku! Tinext ko nga siya, 'Isang mahigpit na yakap, Kuya Mike.' Because kahit nasa taping siya, alam mong malalim ang iniisip niya…
"Although alam naman namin na may sakit si Ms. Cherie, ‘no? But we really never thought that it was that serious.
"May she rest in peace talaga. Rest in power ni Ms. Cherie," sabi pa ni John.
Related stories:
- Michael de Mesa, iyak nang iyak sa Ang Probinsyano set nang malamang pumanaw si Cherie
- Award-winning actress and primera contravida Cherie Gil dies at 59
- Jay Eigenmann, Bianca and Raphael Rogoff write loving tributes to their mom Cherie Gil
NOEL FERRER
Saksi tayo sa madamdaming tribute ng isa sa mga malalapit na kaibigan ni Cherie na si Sharon Cuneta sa ASAP Natin ‘To noong Linggo, Agosto 21, 2022.
Mag-isang inawit ni Shawie ang kantang "Bituing Walang Ningning" at pagkatapos nun, sinamahan na siya nina Regine Velasquez at Zsa Zsa Padilla.
Small trivia lang: Alam nyo bang ikinunsidera rin si Zsa Zsa noon sa role na Lavinia Arguelles?
Pero feeling ni ZsaZshing noon na hindi pa siya handang kamuhian ng fans ni Sharon at isang kontrabida agad ang pambungad na role niya sa pelikula.
Parang Lavinia is Cherie and was really cut out for her! To this day, nagdadalamhati pa rin ang industriya sa kanyang pagyao.
Read: Sharon Cuneta still grieving over Cherie Gil's death: "I feel like about half of me is missing."
Nang makausap naman natin si Gina Alajar, sinabi niyang nabalitaan niya sa kanyang anak na na-cremate noong Tuesday si Cherie at hindi na niya alam kung dadalhin pa sa Pilipinas ang urn nito.
Isa pang dagdag na impormasyon… Alam niyo bang may natapos pang pelikula si Cherie bago ito namayapa? It is directed by Loy Arcenas at tapos na ang picture lock nito. Finishing touches na lang.
Ang sabi ng nakausap ko tungkol dito, “This is Cherie at her finest. It’s a whole new film language.”
Excited akong mapanood ang pelikulang ito na wala pang final title. Hindi ko pa sigurado kung maihahabol nila ito sa MMFF 2022 deadline.
JERRY OLEA
Ang huling TV series ni Cherie ay ang Legal Wives (Hulyo-Nobyempre 2021) kung saan gumanap siya bilang Zaina, ang ina ni Ismael (Dennis Trillo).
Streaming sa Netflix ang nasabing Kapuso series na tinampukan din nina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.
Streaming naman sa AQ Prime ang pelikulang Sensitive and In Love (2020), kung saan may special participation si Cherie bilang Gina Sampaguita.
Tampok dito ang daughter ni Cherie na si Bianca Rogoff, ganun din sina Madeleine Humphries, Alex Vincent Medina, Cai Cortez, Ataska, Jose Rosete, at Billy Ray Gallion. Idinirek ito ni Will Harper.