JERRY OLEA
Payanig ang mga eksena ni Mocha Uson sa pelikulang Butas 2 (2002) na streaming na sa AQ Prime.
"When we were shooting Butas 2, alam kong matapang si Mocha," lahad ng writer-director na si Alejandro “Bong” Ramos nitong Agosto 26, 2022, Biyernes, via Messenger.
"During that time, may vlog pa yata siya. Kaya talagang hindi siya nagpaplaster. Ganun siya katapang dati. Hehehe!"
Maliban kay Mocha, nag-frontal din sa pelikula sina Ace Castro, Alvin Duckert, at Marklen Trinidad.
Kuwento pa ni Direk Bong, "Pare-pareho silang walang kiyeme sa shoot, pero mahigpit ang MTRCB that time sa ilalim ni Senator Grace Poe.
"Sa UP Diliman nag-premiere ang Director’s Cut ng Butas 2. Sa pagkakatanda ko, pinag-initan ang UP Diliman after our premiere, at naghigpit na rin sila.
"Ilang beses na-X ng MTRCB ang Butas 2."

Kabilang pa sa indie movies na ginawa ni Mocha ang So Much Pain… So In Love (2011) with Anthea Roa Murfet, at Seksing Masahista (2011) with Zyrus Imperial.
MOST WATCHED FILMS ON AQ PRIME
Si Direk Bong Ramos din ang nagdirek ng mga erotikong pelikulang Adonis X at La Traidora na kabilang sa apat na bagong pelikula na nag-streaming sa AQ Prime umpisa Agosto 8, 2022, Lunes.
Ang tatlo pang AQ Prime original na mapapanood na ay Bingwit, Huling Lamay, at Nelia (official entry sa MMFF 2021). As we write this ay wala pang nadadagdag na bagong AQ Prime original sa line-up ng nasabing streaming platform, pero marami nang nailagay na lumang pelikula, Pinoy man o banyaga, na iba-iba ang genre.

Streaming na rin sa AQ Prime ang apat pang obra ni Direk Bong Ramos na Halik sa Tubig (2010), Araro (2010), Pipo (2009) at Big Night (2009).
Bida si Althea Vega sa Halik sa Tubig bilang mahiwagang si Mercedita. Pwetmalu sa pelikula si Paolo Paraiso, maging ang nag-threesome na sina Marco Morales, Orlando Sol, at Kiro Baldemor.

Sa Araro, parehong natukso sa kakisigan ni Jeff Luna sina Paolo Rivero at Lorraine Lopez na gumanap bilang mag-asawa.
Sa Pipo, adult content creators sina Tyron Perez, Marco Morales, at Michelle Estevez. Cybersex at kababuyan ang raket! May menage a trois! Co-stars dito sina Lorraine Lopez, Karla Estrada, Mystica, Samantha Secret, Ace Khosin, at ang dakilang si Rob da Silva.
Sa Big Night, nag-hello ang big bird ng ekspertong torero na si Marco Morales. Nasa cast din sina Jordan Herrera, Althea Vega, Jaycee Parker, Lorraine Lopez, Sophia Lee, at Jigs Recto bilang mama san.
Ang Huling Halik (2011) na idinirek ni Zig Dulay, kabilang sa kategoryang Tearjerkers ng AQ Prime. Naghubad at nagharutan sa pelikula ang dalawang bida na sina Kenjie Garcia at Joeffrey Javier. The Last Day in Baguio ang English title ng movie, na merong “supercut” sa streaming platform na Heypogi.

Ang iba pang mapangahas na indie movies classified as Tearjerkers in AQ Prime ay ang dalawang pelikula ni Monti Puno Parungao na Laruang Lalake (2010) aka Boy Toys/Censored Dreams at The Escort (2011), maging ang apat na pelikula ni Roni Bertubin na Sikil/Unspoken Passion (2008), Kurap/Blink (2008), Lovebirds (2008), at Gayak (2012).
Nag-frontal si Arjay Carreon sa Laruang Lalake, kung saan co-stars sina Marco Morales, Richard Quan, Mon Confiado, Mark Fabillar, Dexter Doria, at Lex Bonife. Ibinuyangyang nina Miko Pasamonte at Jommel Idulan ang kani-kanyang private part sa private show sa The Escort.
Maaalab ang mga eksena nina Ken Escudero at Wil Sandejas sa Sikil, at nag-frontal si Richard Guebar bilang kustomer sa bath house. Inilunsad sa Kurap si Sherwin Ordoñez, at dito yata unang nagpakitang-gilas sa hubaran si Jeff Luna.
Inilunsad sa Lovebirds si Joseph Izon, at nag-frontal dito ang love interest niyang si Andres Alexis. Memorable ang pagganap dito ni Boots Anson-Roa bilang ina ni Joseph.
Tampok sa Gayak sina Sef Cadayona, Alan Paule, Evelyn Vargas, at Richard Bradley.
Nasa Tearjerkers section din ng AQ Prime ang Selda/The Inmate (2007) nina Paolo Villaluna at Ellen Ramos. Bida rito sina Sid Lucero, Emilio Garcia, at Ara Mina.
Nasa kategoryang “Fresh Picks for You” ng AQ Prime ang Lalamunan (2008) ni Jigs Recto; Sa Iyo Ang Sarap, Akin Ang Hirap (1999) ni Cesar Aquino; Tukaan (2002) ni Armando A. Reyes; at Lamog (2011) ni Carlo Alvarez.
Nakakatigalgal ng ngala-ngala ang pamagat na Lalamunan kung saan tampok sina Hazel Cabrera, Jordan Herrera, at Ran Domingo, di ba?
Kayo na ang humusga kung masarap o mahirap ba ang malalasap sa pelikulang Sa ‘Yo Ang Sarap, Akin Ang Hirap nina Katrina Paula, Daniel Fernando, at Alan Paule. May special participation dito si Karla Estrada.
Sumiritsit sa Tukaan sina Halina Perez, Allen Dizon, Lito Legaspi, Odette Khan, at Berting Labra. Introducing dito sina Clarissa Mercado at Tracy Torres. Maiinit na lihim ang pilit na itinatago ngunit mabubunyag sa Lamog nina Maui Taylor, Ace Castro, at Emil Sandoval.
Marami pang mga lumang pelikulang Pinoy na streaming sa AQ Prime. Andiyan ang Sa Mga Sulok ng Pangarap (2019) ni Direk Ronald Rafer, kung saan bida sina Bugoy Cariño at Belle Mariano.
Mapapanood din sa AQ Prime ang Bangungot (2013) ni Jun Pereira, In Da Red Corner (2006) ni Dado Lomibao, Tumbang Preso (2014) ni Kip Oebanda, Husbands of Rosario (2018) ni Alpha Habon, Ang Huling Araw ng Linggo (2006) ni Nick Olanka, Colorum (2009) ni Jobin Ballesteros, Bingoleras (2013) ni Ron Bryant, at Sigwa (2010) ni Joel Lamangan.
Nasa AQ Prime din ang Namets (2008) at Ligaw Liham (2007) ni Jay Abello, Happyland (2010) at Tribu (2007) ni Jim Libiran, Higanti (2016) at You With Me (2017) ni Rommel Ricafort, Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa (2017) at Ang Sikreto ng Piso (2019) ni Perry Escaño.
Mapapanood din sa AQ Prime ang Love; Life (2019) ni Nikko Andrew Arcega, Teoriya (2011) ni Zurich Chan, Wala Na Bang Ibang Title (2014) ni Joey Paras, Mudraks (2006) nina Arah Jell Badayos at Margaret Guzman, Gulong (2007) ni Sockie Fernandez, Hitboy (2018) ni Bor Ocampo, Best. Partee. Ever. (2016) ni HF Yambao, Ku’Te (2016) ni Roni Bertubin, Makata (2015) ni Dave Cecilio, at Pedro Calungsod, Batang Martir (2013) ni Francis Villacorta.
GORGY RULA
May ilang account sa Tiktok at Twitter na pinu-post ang ilang eksena ng mga pelikulang ipinapalabas sa AQ Prime, lalo na ang Top 3 this week na Bingwit, Adonis X, at La Traidora.
Pino-post din ang Nelia at Halik sa Tubig. Unti-unti na sigurong napapansin, dahil may ingay rin ang ilang pelikula.
Ewan ko kung iga-grab din nila ang ilang eksenardito sa Butas 2. Curious ako kung paano paglaruan ng ilang TikTokerist ang kapangahasan ni Mocha Uson sa pelikulang ito. Sana, itutuluy-tuloy pa ng AQ Prime ang pag-upload ng mga bagong pelikula nila para lalong magkaingay. May katuturan man ito o waley!
Marami na silang tapos na pelikula, kabilang ang Baka Sakali, Upuan, Z Love, Anatomiya, Pula Ang Kulay Ng Gabi, Losers-1, Suckers-0, Sosyal Medya, Cuatro, Ligaw, Peyri Teyl, Amazona, Abandoned, at Mang Kanor.
Heto pa ang pasabog na balita mula sa AQ Prime! Facebook post ng Director’s Cut by AQ ngayong Agosto 26, Biyernes ng hapon, magbibida sina Jerome Ponce at Kit Thompson sa pelikulang Carnicero, na ididirek ni Jill Singson Urdaneta!
NOEL FERRER
Kanya-kanyang type ng palabas. Walang basagan ng trip! Pero tatandaan, you are what you watch—and yes, don’t you think we deserve better?
