NOEL FERRER
Sa IG post ng talent kong si Joross Gamboa, a day after the wedding of his Star Circle Quest co-alumnus Raphael Martinez to Lovely Mary, nabanggit niyang isa-isa na silang nagkakapamilya at lumagay sa tahimik.
Read: WHERE ARE THEY NOW: Star Circle Quest Season 1 teen finalists
Ang next na nga raw ay si Jason Abalos, na ngayon ay board member na ng Nueva Ecija, sa kanyang girlfriend na si Vickie Rushton on September 1.
Marami ring pinagdaanan ang celebrity couple na ito, pero buti na rin lang at nanaig ang pag-ibig sa huli.
Alam ko’y limitado lang ang imbitado sa kasal nina Jason at Vickie at ito ay isang intimate wedding lang sa South.
Pero I’m sure marami ang natutuwa, gaya natin sa PEP Troika, na pagkahaba-haba man ng tinahak nila, sa simbahan pa rin ang tuloy.
JERRY OLEA
Hunyo 2 ini-announce ni Jason sa Facebook na Setyembre 1 tutugtog ang mga kampana para sa kanila ng kanyang Baba na si Vickie.
“Habambuhay ko pasasalamatan ang Panginoon sa buhay mo Baba,” sabi ni Jason.
Read: Jason Abalos reveals he has been engaged to Vickie Rushton since September 2021
Hunyo 4 unang ipinost ni Jason sa FB ang pre-nup photoshoot nila ni Vickie na kinunan noong Disyembre sa kanyang hometown na Pantabangan, Nueva Ecija.
Hulyo 16 ang second FB post ni Jason ng photo shoot, “Sa aming magiging mga anak. Sa lugar na ito kami nangangarap na mag patayo ng bahay para sa inyong paglaki at dito din kayo matututo sa buhay, maglalaro kasabay ng mga alagang hayop.
“Madalas uupo lang tayo at mag ku-kwentuhan habang kami ng Mommy nyo ay nag kakape at patuloy na mag papasalamat sa ating Panginoon sa buhay na kanyang ibinigay sa atin. Yong Vespa mahaba habang usapan pero malamang isa sa inyo ang magmamana.”
Agosto 16 ang FB post ni Jason sa ikatlong lay-out ng pre-nup photo shoot, “Pinili ko ang Pantabangan kung saan ako pinanganak, para maipagmalaki sa lahat ang ganda nito.
“Pinalubog ang lumang bayan ng Pantabangan para bigyan daan ang pagpapagawa ng Hydroelectric Power Plant noong panahon ni President Marcos. Kasabay nito ay nawalan ng sakahan na pangunahing kabuhayan ng mga Pantabangeño.
“Napatubigan ang mga sakahan sa mga kalapit na bayan, at nakapag supply ng kuryente na makakadagdag sa pangangailangan ng bansa. Hangang sa ngayon, ang tanging maaasahan na ng mga kababayan ko ay ang palakasin ang turismo.
“Kaya iniimbitahan ko kayong lahat sa aming bayan. Marami ditong Water sports na pwede gawin. Malinis ang simoy ng hangin at magaganda ang tanawin, twing summer at mababa ang level ng tubig ay nagpapakita ang lumang simbahan sa gitna ng tubig.”
Cheers, Jason and Vickie!

GORGY RULA
Napakaganda ni Vickie Rushton sa pre-nuptial pictorial na kinunan sa Pantabangan, Nueva Ecija kung saan ay doon ay ipinanganak si Jason Abalos.
Pinusuan ng mga netizens ang kanilang pre-nuptial pictorial dahil nakikita ang kagandahan ng Pantabangan.
Kamakailan lang ay ipinost ni Jason sa kanyang Facebook account ang mga kuha ni Vickie, na nakakapanghinayang na wala siyang nakuhang title sa mga beauty competition na nasalihan niya.
Pero siya ang nag-iisang Miss Universe ni Jason, kaya ang caption sa FB account niya: “Hi Misis (smile emoji) (practice lang, lapit na din naman hahaha)”
Nung Linggo lang ay nag-reunion ang mga Star Circle Quest sa kasal ng kasamahan nilang si Raphael Martinez.
Mauulit na naman ang pagkikita nilang lahat sa wedding ni Jason at Vickie.
Kasali na kaya sina Sandara Park at Hero Angeles? Imbitado rin kaya ang isa sa nag-alaga kay Jason nung nagsisimula pa lamang siya na si Tom Adrales?
