Manny Pacquiao, bidang-bida sa Easter Sunday ni Jokoy kahit wala sa pelikula

by PEP Troika
Sep 2, 2022
jo koy easter sunday
Filipino-American stand-up comedian Jo Koy highlights Filipino culture in his debut film, Easter Sunday.
PHOTO/S: Sany Chua

JERRY OLEA

Ipinakita sa pelikulang Easter Sunday ang pagmamahal ng mga Pinoy sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Bida sa comedy film ang American stand-up comic na si Jo Koy, na ang nanay ay Pinay.

Read: Fil-Am stand-up comedian Jo Koy talks about his greatest source of Pinoy pride

Yung papel dito na Tita Teresa na ginampanan ni Tia Carrere ay kay Sharon Cuneta sana. Hindi nakalipad pa-U.S. si Sharon noong magsu-shooting na sana siya dahil sa false positive COVID-19 test.

Nabi-visualize ko na magniningning sana si Sharon sa eksenang nagbi-videoke ang magkakapamilya.

Maraming dugong-Pinoy sa cast ng Easter Sunday kagaya nina Eva Noblezada, Eugene Cordero, Lou Diamond Phillips, at Lydia Gaston.

Pero ang nagpatawa nang lubos sa akin ay si Tiffany Hadish bilang police officer na si Vanessa. Ang ama ni Tiffany ay refugee mula Eritrea — Ethiopian Jewish ang dugo. Ang kanyang ina ay African-American.

Mababawi kaya ng Easter Sunday ang production budget nito na $17M?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

easter sunday poster

Kasabay nitong nagbukas sa takilya ng North America noong Agosto 5 ang Bullet Train ni Brad Pitt.

As expected, nanguna sa takilya ng U.S. at Canada ang Bullet Train na ang opening weekend (Agosto 5-7) gross ay $30M.

Ang Easter Sunday ay nag-debut sa pangwalong puwesto, at humamig agad ng $5.4M. Nang sumunod na weekend (Agosto 12-14) ay nanatili sa puwesto ang Bullet Train, samantalang lumagapak na sa pang-11 na puwesto ang comedy ni Jo Koy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So far, ang worldwide gross ng Easter Sunday ay $12.7M na. Ika-78 ito sa talaan ng worldwide grosses ng 2022 movies.

Ang Top 5 na pinakamalalakas na movies this year, so far, ay Top Gun: Maverick ($1.4B), Jurassic World Dominion ($991M), Doctor Strange in the Multiverse of Madness ($955M), Minions: The Rise of Gru ($870M), at The Batman ($771M).

Pasok sa Top 10 ang Thor: Love and Thunder ($748M), Water Gate Bridge ($627M), Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore ($405M), Sonic the Hedgehog 2 ($401.9M), at Uncharted ($401.7M).

Ika-11 hanggang ika-20 ang Elvis ($277M), The Bad Guys ($246M), Lightyear ($226M), Too Cool to Kill ($217M), Nice View ($211M), The Lost City ($191M), Bullet Train ($175M), Morbius ($164M), The Black Phone ($157M), at Nope ($149M).

Opo! Ligwak sa Top 20 ang DC League of Super-Pets ($147M), Scream ($140M), Death on the Nile ($137M), Where the Crawdads Sing ($107M), The Roundup ($101M), RRR ($100M), Everything Everywhere All At Once ($98M), Downton Abbey: A New Era ($92M), One Piece Film: Red ($90M), at K.G.F.: Chapter 2 ($89M).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-open ang Easter Sunday nitong Agosto 31, Miyerkules, sa local cinemas.

Sa tantiya ko ay wala pang 40% ng seating capacity ng Cinema 7 ng Power Plant Mall ang nanood sa 6:15 p.m. screening ng Easter Sunday nitong Setyembre 1, Huwebes.

Ang ganda ng sound system sa sinehan, Dolby Atmos, pero nakaka-distract na maraming dialogue na nawawalan ng sound.

GORGY RULA

Ibang anggulo ng buhay ng mga Pinoy sa Amerika ang ipinakita ng pelikulang Easter Sunday ni Jo Koy.

Medyo may kakornihan ito nang konti, pero nakakaaliw pa rin namang panoorin. Nakaka-proud din ang pagbibigay-halaga nila kay dating Senator Manny Pacquiao.

Mas maganda kung mag-sponsor si Pacman ng showing nito sa General Santos City.

Sabi ni Jo Koy sa interview sa kanya ni MJ Marfori ng TV5 News, misyon na rin daw niyang mabigyan ng break ang mga Pinoy talent sa ibang bansa.

Di ba, may balak ding pagsasapelikula ng kuwento ni apl.de.ap? Sana, matuloy na rin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dami pa nating mga magagaling na kababayan na namamayagpag sa ibang bansa. Sana nga ay mabigyan din sila ng pansin kagaya ng naibigay kay Jo Koy.

Balak daw niyang masundan ito ng isa pang proyekto pagkatapos nitong Easter Sunday.

“I would love to do an interracial story because that is me. That’s my cosmetic make-up. I’m half Filipino. I’m half white. There are half-breeds there.

“Why not tell the story come people together?”pahayag ni Jo Koy.

NOEL FERRER

Plano ko talagang suportahan ang American comedian na may dugong-Pinoy sa kanyang pelikulang Easter Sunday.

Nagtanung-tanong naman ako sa ilang kaibigang artistang nakapanood na ng pelikula at heto ang kanilang nasambit:

“Ok naman, suportahan ang Pinoy. Nakakatuwa naman, pero bitin ako sa feels.”

“So-so lang, mas nakaka-hapoy si Jo Koy sa live.”

“Basta si Jo Koy, support kami! Pinoy pride.”

“The movie leaves much to be desired, but Jo Koy, you have our support always!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yun na!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino-American stand-up comedian Jo Koy highlights Filipino culture in his debut film, Easter Sunday.
PHOTO/S: Sany Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results