Comeback movie ni Kit Thompson, mauuna pang ipalabas kesa sa launching film ni Ana Jalandoni?

by PEP Troika
Sep 2, 2022
kit thompson printed, ana jalandoni red dress
Ilang buwan pagkatapos sumambulat ang balitang pananakit ni Kit Thompson sa girlfriend niyang si Ana Jalandoni, balik-trabaho na ang aktor habang hindi pa naipalalabas ang launching movie ng sexy star.
PHOTO/S: AQ Prime / Hand Held Entertainment Production

JERRY OLEA

Kasado nang mag-streaming ang digital romcom series nina Herlene Budol at Kit Thompson na Ang Babae Sa Likod ng Face Mask umpisa noong Marso 26, 2022, Sabado ng 6:00 p.m., sa Puregold Channel sa YouTube.

Kaso, sumambulat noong Marso 19 ang balitang binugbog ni Kit ang kasintahang si Ana Jalandoni sa isang hotel sa Tagaytay City.

Read: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after alleged assault by boyfriend Kit Thompson

Ipinagpaliban ang streaming ng Ang Babae Sa Likod ng Face Mask. Tinanggal sa cast si Kit, at ni-reshoot ni Joseph Marco ang mga eksena niya.

Hunyo 11 ipinalabas ang pilot episode ng Ang Babae Sa Likod ng Face Mask na pinamagatang “Meet Cute.” Mahigit 1.3M views na ito.

Tinanggal din si Kit sa cast ng Kapamilya teleseryeng Flower of Evil. Ni-reshoot ni JC de Vera ang mga eksenang nakunan sa kanya.

Read: Kit Thompson, kumpirmadong pinalitan sa dalawang proyekto matapos masangkot sa isyu

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami tuloy ang nag-akalang matatagalan pa bago magbalik-showbiz si Kit.

Pero ibinalita ng AQ Prime noong Agosto 26, Biyernes, na magbibida sina Kit at Jerome Ponce sa bagong pelikula nila na Carnicero, na ididirek ni Jill Singson Urdaneta.

jerome ponce kit thompson standing

Jerome Ponce & Kit Thompson

At noong Agosto 30, Martes, ay nagpa-storycon ang 3:16 Media Network para sa bagong Vivamax movie na Showroom, kung saan tampok sina Quinn Carillo, Rob Guinto, at Kit, sa direksiyon ni Carlo Obispo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre pa, bawal ang personal questions kay Kit sa nasabing storycon.

Take note na si Kit ang leading man ni Christine Bermas sa launching film nitong Moonlight Butterfly, na idinirek ni Joel Lamangan, at prinodyus ng 3:16 Media Network.

Maayos katrabaho si Kit sa Moonlight Butterfly na noong Marso 18 pa ipinalabas sa Vivamax, pero napapasama pa rin sa Top 10 Movies of the Week ng nasabing streaming platform.

vivamax top 10

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Take note also na sa mga pelikulang prinodyus ng 3:16 Media Network at nag-streaming na sa Vivamax ay may aktor na nagpo-frontal.

Prosthetic iyong ari na ibinuyangyang ni Kit sa pelikulang Sarap Mong Patayin. Sa comeback movie ba ni Kit, magpo-frontal na siya?

“Hindi raw siya masyadong daring sa Showroom. Parang mas tame siya rito,” sabi ni Leo Bukas, na publicist ng 3:16 Media Network nang makatsikahan ng PEP Troika this Friday via Messenger.

Ngayong Setyembre 2, Biyernes, nag-umpisa ang shooting ng Showroom sa Angeles City. Pitong shooting days ang inilaan sa movie, ayon sa prodyuser na si Len Carrillo.

Itong Showroom ang una sa labindalawang (12) bagong pelikula na ipoprodyus ng 3:16 Media Network para sa Vivamax.

GORGY RULA

Matagal nang inaasahan ang pagbabalik-acting ni Kit Thompson. Tama lang ang ilang buwang pananahimik, at unti-unti nang hindi ito papansinin ng mga tao.

Kung maganda talaga ang project na ginagawa niya, papanoorin ito ng mga tao. Hindi na iisipin ng mga tao ang iskandalong kinasangkutan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero tuloy pa rin ang kasong dapat niyang harapin.

Sabi sa PEP Troika ng legal counsel ni Ana Jalandoni na si Atty. Faye Singson, nandiyan pa rin ang kaso at may naka-schedule nang hearing.

Text ni Atty. Singson sa PEP Troika, “Hi there [smile emoticon]. Yes, the case is still on-going.

“As a matter of fact, there is a scheduled hearing this month.

“As for Kit, he is entitled to work pa rin naman, kasi under our Constitution, he is presumed innocent pa rin naman until proven guilty, and also, no person shall be deprived of his means of livelihood without due process of law.”

NOEL FERRER

Oktubre 23, 2021 nag-presscon sa Tipsy Pig, Timog Avenue, Quezon City, ang launching movie ni Ana Jalandoni na Manipula, na siya mismo ang producer.

Leading man ni Ana sa Manipula si Aljur Abrenica, at nasa cast din sina Christian Vazquez, Kiko Matos, Mark Manicad, at Marco Alcaraz. Ang direktor ay si Neal “Buboy” Tan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Direk Buboy, inaayos na noong Marso ang streaming ng Manipula. Naudlot iyon dahil sa pambubugbog ni Kit sa sexy actress.

Noong Mayo 11 ay nag-storycon ang pelikulang The Revelation, kung saan bida muli sina Ana at Aljur.

Co-stars nila sina Vin Abrenica at Jelai Andres, at nagsyuting agad iyon sa Tagaytay, sa direksyon ni Ray-An Dulay.

Kailan at saan kaya ipapalabas ang launching movie ni Ana na Manipula, maging iyong The Revelation?

Hindi kaya mauna pang mag-streaming sa Vivamax ang comeback movie ni Kit na Showroom?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang buwan pagkatapos sumambulat ang balitang pananakit ni Kit Thompson sa girlfriend niyang si Ana Jalandoni, balik-trabaho na ang aktor habang hindi pa naipalalabas ang launching movie ng sexy star.
PHOTO/S: AQ Prime / Hand Held Entertainment Production
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results