Mamasapano stars idinemanda ng SAF for illegal use of uniform and insignia

by PEP Troika
Sep 7, 2022
paolo aljur rico military uniform
In the movie Mamasapano: Now It Can Be Told, (from left) Paolo Gumabao, Rico Barrera, and Aljur Abrenica play members of the elite Special Action Force (SAF) who were killed in botched police operation in Mamasapano, Maguindanao on January 25, 2015.
PHOTO/S: @ricobarrerapbb1 on Instagram

GORGY RULA

Kinasuhan ng Special Action Force (SAF) sina Paolo Gumabao, Rico Barrera, at iba pang sangkot sa pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told.

“Ngayon pa lang, may humaharang. Alam niyo, nakakalungkot. Eto, nakakatawa para sabihin ko sa inyo, ha,” sambit ni Atty. Ferdie Topacio sa mediacon nitong Setyembre 5, 2022, Lunes, sa Pandan Asian Cafe, Sct. Limbaga St., Quezon City.

Si Atty. Topacio ang producer ng Mamasapano movie na tungkol sa sinapit ng Oplan Exodus ng SAF noong Enero 25, 2015 sa Mamasapano, Maguindanao.

Pagpapatuloy ni Atty. Topacio, “Noong una, very cooperative yung SAF. Si Gen. [Amando Clifton] Empiso yung hepe.

“Nung nagpalit, alam niyo ang ginawa? Dinemanda pa kami ng SAF mismo, ha?!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung film namin ay para i-glorify yung kabayanihan ng SAF. Dinemanda kami ng SAF! Alam niyo kung ano ang demanda? Illegal use of uniform and insignia.

“Ipinakita namin sa kanila dun sa piskalya. Eto, may permiso kami kay Gen. Empiso. Ano ba yung mga pinagsasabi niyo? Hindi niyo yata alam ang ginagawa niyo?

“Sabi ko, ‘Nakainsulto kayo. Idedemanda niyo pa si Paolo Gumabao! Idedemanda niyo ang mga artista namin, sina Rico Barrera? Pambihira naman kayo!

“‘Ang mga taong ito ay nagsakripisyo sa initan, sa maisan, para ipakita ang kabayanihan ng SAF… idedemanda niyo?’

“Idinemanda sila sa piskalya. Ongoing pa! Kita niyo ang katarantaduhan nung…”

Ano ang reaksiyon nina Paolo, Rico, at iba pang bahagi ng Mamasapano movie na idinemanda ng SAF?

“Siyempre, hindi sila natutuwa. Anyway, I’m protecting them, I gave them lawyers,” pahayag ni Atty. Topacio.

“Kita niyo, ha? Additional abala pa. Pinapunta pa nila si Paolo dun sa piskalya! E, bising-busy yung tao, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Susundan ba ng Mamasapano: Now It Can Be Told ang mga yapak ng pelikulang Maid in Malacañang na lubhang maingay at kontrobersiyal?

“Well, we don’t know. Kami, hindi naman kami naghahanap ng kontrobersiya,” pagdidiin ni Atty. Topacio.

“Ano lamang kami, anong tawag dito? Gusto lang naming sabihin yung katotohanan.

“This is a project close to me because ako yung abogado ng mga magulang ng SAF 44.

“Kung igu-Google niyo, ako yung nag-file ng kaso against President Noynoy Aquino one day after he stepped down from power.

“Kasi, pag presidente, immune from suit, e. Nung wala na siyang immunity from suit, idinemanda na namin siya for the deaths of the 44 SAF troopers.”'

Ibinasura ng Ombudsman ang kasong reckless imprudence resulting in homicide na isinampa laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino, pati na kina dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima at dating PNP-Special Action Force (SAF) head Getulio Napeñas.

Pinagtibay naman ito ng Supereme Court, sa botong 15-0, noong September 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Nag-private screening ang Mamasapano: Now It Can Be Told noong Agosto 26, 2022 sa Baguio Country Club, Baguio City.

“Hindi pa pic lock yun. Kasi, kinuha lang namin yung kuwan, di ba? Usually naman may mga ano, yung mga test audiences,” kuwento ni Atty. Topacio.

“Tiningnan namin yung mga reaction sa mga eksena. After the preview, we decided to shorten some scenes, change the ending of it.

“At may nakita pa kaming dapat i-tweak but it’s 99% finished at pag nakita niyo, ahh, modesty aside, it is a film that we can be proud of.

“Maganda po siya. Ang VFX lang namin, grabe ang ginastos namin at grabeng tagal ginawa. Kasi, battle scenes, e.

“At it’s in Dolby 5.1, na may musical scoring na. Maganda po, maganda lumabas. Talagang yung ensemble acting nila, napakaganda.

“Kasi, kaya nga pinilit namin, kahit yung mga hindi masyadong lutang na roles ay mga professional actors. Hindi mga extras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Katulad ni Ronnie Liang. Nandiyan si L.A. Santos, si Rico Barrera, si Rash Flores. Of course, the main stars are Edu Manzano, si Alan Paule, si Juan Rodrigo, si Myrtle Sarrosa, si Ritz Azul.

“Ahhm, sino pa ba? Siyempre, sina Paolo Gumabao at Aljur Abrenica.”

May cameo si Claudine Barretto, di ba?

“Siya yung widow ni Senior Inspector Ryan Pabalinas, siya si Erica Pabalinas,” sambit ni Atty. Topacio.

“Special appearance yun, hindi cameo yun. Kasi, she’s a big star. ‘With the special participation,’ yun ang billing niya.”

Siniguro ni Atty. Topacio na ipapalabas sa mga sinehan ang Mamasapano movie bago matapos ang taon.

“This week, I have a meeting with Viva big boss, si Boss Vic del Rosario. Because they will be distributing the film,” lahad ng abogado.

“Matagal na po naming napag-usapan 'yan, wala pang pandemic, na sila na ang distributor talaga.

“So I intend to honor my commitment. Alam niyo naman tayo, pag nakipagkasundo, tinutupad po natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naisip ba nilang isali ang Mamasapano: Now It Can Be Told sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre?

“Iniisip ko pero baka hindi tugma yung theme, e. It’s a sad movie, it’s a tragic movie. Parang panira sa season, e!

“Hayaan mo muna silang tumawa kay Vice Ganda kung may manonood pa.”

NOEL FERRER

Ibang klase si Atty. Ferdie Topacio.

Ayaw raw niya ng kontrobersiya pero parang ang mere presence niya invites controversy. Parang lahat ng kinasasangkutan niya, pinag-uusapan at nagiging major issue.

Ewan ko kung paano niya tinatanggap yung ganoong reputasyon. Consistent kasi siya roon, di ba?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In the movie Mamasapano: Now It Can Be Told, (from left) Paolo Gumabao, Rico Barrera, and Aljur Abrenica play members of the elite Special Action Force (SAF) who were killed in botched police operation in Mamasapano, Maguindanao on January 25, 2015.
PHOTO/S: @ricobarrerapbb1 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results