Paolo Contis at Yen Santos, nominado sa 45th Gawad Urian; magkasama kaya sila sa awards night?

by PEP Troika
Sep 9, 2022
Paolo Contis and Yen Santos
Rumored couple Paolo Contis at Yen Santos, pasok sa mga nominado sa Best Actor at Best Actress categories dahil sa pagganap nila sa pelikulang A Faraway Land.
PHOTO/S: Pau Gueverra / A Faraway Land

GORGY RULA

Parang nalula si Paolo Contis nang nakita niya ang listahan ng nominees sa 45th Gawad Urian.

Nominado ang Kapuso actor para sa kanyang pagganap sa pelikulang A Faraway Land.

Makakalaban niya sina John Arcilla ng On the Job: The Missing 8, Christian Bables ng Big Night, John Lloyd Cruz ng Ang History ni Ha, Dingdong Dantes ng A Hard Day, Francis Magundayao ng Tenement 66, at Shogen ng Gensan Punch.

“Wala na akong pag-asa diyan ha ha ha!?” text ni Paolo sa PEP Troika nang ipinasa namin sa kanya ang listahan ng mga nominado.

Natutuwa lang daw siya dahil napansin siya ng mga Manunuri. Ito naman daw talaga ang isa sa inaasam niyang acting award.

Samantala, na-nominate din si Yen Santos na leading lady ni Paolo dito sa A Faraway Land.

Matitindi rin ang makakalaban ni Yen na sina Donna Cariaga ng pelikulang Rabid, Charo Santos-Concio ng Kun Maupay Man It Panahon, Elora Españo ng Love and Pain in Between Refrains, at si Kim Molina ng Ikaw at Ako at ang Ending.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong ko na rin si Paolo kung magkasama ba sila ni Yen na dadalo sa Gawad Urian, pero hindi na siya sumagot.

Pagdating kay Yen ay tikom pa rin ang bibig ni Paolo, at minsan ay ang tipid ng sagot nito.

Wala pang date kung kailan ang awards night ng Urian. Pero pinagpipilian pa raw nila kung sa buwan ng October o November. Depende raw sa availability ng UP Theater.

Pero tiyak na gagawin na raw nila itong onsite, at mapapanood sa Cignal TV at sa kanilang YouTube channel.

JERRY OLEA

Ma-nominate pa lang sa Gawad Urian ay malaking bagay na para sa isang taga-pelikula. Abang-abang tayo kung magbe-best actress dito si Charo Santos para sa Kun Maupay Man It Panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-best actress ang pagganap niya roon sa 47th Metro Manila Film Festival (MMFF) at 70th FAMAS Awards.

urian nominees best actress

Mabangis ang labanan sa best actor. Si Christian Bables (Big Night) ay nagwagi sa 47th MMFF, samantalang si John Arcilla (On The Job: The Missing 8) ay nanalo sa 78th Venice Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matalik na magkaibigan sina Paolo Contis at Dingdong Dantes, na kapwa nominado before sa 3rd Eddys ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) noong 2019. Ang nagwagi that time ay si Dingdong para sa Sid and Aya: Not A Love Story.

urian nominees for best actor

Bale tatlo ang acting nomination ni John Arcilla sa 45th Gawad Urian—isa bilang aktor (On The Job: The Missing 8), dalawa bilang best supporting actor (Big Night at A Hard Day).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katunggali ni John Arcilla sa kategoryang best supporting actor sina Ronnie Lazaro (GenSan Punch), Sandino Martin (Walang Kasarian Ang Digmang Bayan), at ang dalawang co-actors niya sa On The Job: The Missing 8 na sina Dennis Trillo at Dante Rivero.

urian nominees

Sa 47th MMFF ay best supporting actor si John Arcilla para sa Big Night. Ano kaya kung sa 45th Gawad Urian ay tanghalin si John Arcilla na best actor, at katabla pa ang sarili bilang best supporting actor?! Then, it would be his big night!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang best supporting actress ng 47th MMFF na si Rans Rafol (Kun Maupay Man It Panahon), inisnab ng mga Manunuri.

Dalawang De Leon ang nominadong best supporting actress—sina Lotlot de Leon (On The Job: The Missing 8) at Dolly de Leon (Ang Historya ni Ha).

Kaagaw nila sa tropeo sina Mae Paner (Ang Historya ni Ha), Eugene Domingo (Big Night), Jay Valencia Glorioso (Rabid) at Shella Mae Romualdo (Arisaka).

urian nominees

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lima ang nominadong best picture—Big Night, Ang Historya ni Ha, Kun Maupay Man It Panahon, On The Job: The Missing 8, at Walang Kasarian Ang Digmang Bayan.

45th Gawad Urian

Anim ang nominadong best director—Jun Robles Lana (Big Night), Lav Diaz (Ang Historya ni Ha), Carlo Francisco Manatad (Kun Maupay Man It Panahon), Erik Matti (On The Job: The Missing 8), Joselito Altarejos (Walang Kasarian Ang Digmang Bayan), at Lawrence Fajardo (A Hard Day).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

45th Gawad Urian

NOEL FERRER

Buti naman at katulad ng ibang award-giving bodies, magpe-face-to-face na ang Gawad Urian this year.

May nakausap din kasi akong Manunuri na mas ninanais na mag-online na rin lang daw sana. Whatever happens, sana talaga, tuluy-tuloy lang ang Gawad Urian.

After the tainted FAMAS Awards, ito ang credible award-giving body na inaabangan ng mga cineastes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rumored couple Paolo Contis at Yen Santos, pasok sa mga nominado sa Best Actor at Best Actress categories dahil sa pagganap nila sa pelikulang A Faraway Land.
PHOTO/S: Pau Gueverra / A Faraway Land
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results