Beauty Gonzalez says 15-year age gap is not a problem to her and husband Norman Crisologo

by PEP Troika
Sep 10, 2022
Beauty Gonzalez
Siguradong level-up ang aktingan nina Beauty Gonzalez at Aiko Melendez sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters, kasama sina Thea Tolentino at Angel Guardian. Pagmamalaki ni Beauty, “Yeah, showdown tayo! It’s gonna be like… hindi lang sampalan. Ibang-ibang away talaga! Level up! Basta, abangan nyo!” (Photo by Jerry Olea)

JERRY OLEA

Seksing-seksi si Beauty Gonzalez na naka-two piece bikini para sa tarpaulins ng ineendorso niyang Beautehaus, ang beauty clinic ng Beautederm na nasa Angeles City, Pampanga.

Beauty Gonzalez

OK lang ba yun sa husband niyang si Norman Crisologo?

“Oh, you can ask him at your back. He’s standing there,” nakangiting sambit ni Beauty sa mediacon na ginanap nitong nakaraang Biyernes, Setyembre 9, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Norman, “Sobrang proud! Kasi, pag-uwi niya, katabi ko siya!”

Kilig-kiligan ang mga nasa mediacon, sa pangunguna ng CEO na si Ms. Rei Anicoche-Tan. Nagpalakpakan pa ang iba.

Reaksiyon ni Ms. Rei, “Uy, kinikilig siya! Alam mo, sobrang gustung-gusto ko yung mga videos nila together. Napaka-natural!

“I’m not saying the others are scripted. Pero sa kanila talaga, sobrang kita mo yung love nila sa isa’t isa na very afraid sila na mawala ang isa’t isa. Ang sweet nila!”

Pagbungisngis ni Beauty, “Kinilig ako!”

Pagbibiro ni Ms. Rei, “At dahil diyan, baby number 2!”

Pagtutol ni Beauty, “OK na ako, ma. OK na… Ayun, happy naman siya. Kasi, iyan ang katabi niya sa gabi. Hahaha!"

Mahirap ba para panatiliin ang ganung kagandang katawan?

Pagtango ni Beauty, “Oh yeah, it’s hard. It’s really hard. As you age, everything changes in your body.

OK lang kay Beauty na mag-two piece sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“As long as I have the body, why not? Kung mataba na ako, magtatago na ako. Hindi na ako maggaganyan. Habang kaya, go!” diin niya.

Beauty Gonzalez

Palaging sinasabi ni Beauty na masaya siya sa buhay may-asawa. Paano niya napapanatiling happy and blissful ang marriage nila ni Norman?

“That takes two to answer, that question! Well, siguro I had my husband at the right time. He had me at the right time also,” lahad ng Kapuso actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And we just really click. Paano ko ba ie-explain? Hindi kami nag-aaway, ha? Hindi pa kami nag-aaway to the point na nagwu-walk out or like iyakan or what. Puro tawanan lang.

“Hindi ko alam kung paano nangyari yun pero sobrang swak lang na swak yung ugali naming dalawa. And importante talaga yung you have time for each other, no matter kung gaano man ka-busy yung work mo.

“You have to have time, and you have to respect yourself, and you respect your husband. So importante when you respect yourself, you respect people around you also.

“Kasi andaming mga temptation, andaming mga bago ngayon, mga bagay-bagay. Pero pag nirerespeto mo ang sarili mo, kahit sa kaibigan, kahit sa business, kahit sa marriage… matiwasay yung buhay mo.”

May generation gap ba sila ng kanyang mister? Si Beauty ay 31 years old habang si Norman ay 46 years old.

Mabilis na tugon ni Beauty, “Wala! Actually, mas matanda ako sa kanya. Ako, natutulog na ako, alas otso ng gabi. So, manonood kami ng TV, 'tapos magpapanggap ako. ‘Hala, grabe! Anong nangyari?!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“'Tapos mamaya, zZzZzZzZz!!! Ako yung umuuwi nang maaga. Ako yung gumigising nang maaga. Ako yung ayaw lumabas ng bahay. Siya yung lakwatsero.

“Siya yung maya’t maya, ‘Tara! Let’s do this, let’s do that!’ which I truly appreciate. Kasi if wala siya, I would be just there like a wallpaper.”

A happy wife is a beautiful wife.

Pag-ayon ni Beauty, “Yeah, a happy wife is a happy life for him. Hahaha!”

Kapagkuwan ay tinanong ni Beauty ang asawa, “Ikaw, babe, what’s the secret of our marriage?”

Walang pag-aatubiling sagot ni Norman, “Good timing. And a lot of luck. You can work on it as much as you want, but you still need luck at the end of the day, di ba? Suwerte lang. Suwerte ko, nakita ko siya!”

Susog ni Beauty, “Buti na lang, binili mo yung magasin na nakita mo, ha?! Nakita niya kasi ako sa isang cover ng magasin, e. And then, pinahanap niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“'Tapos, tumawag siya. Akala ko, nagbebenta ng insurance, kasi puro English. Ayun pala, yun na ang magiging asawa ko!”

Tampok si Beauty sa grand store opening ng local beauty brand sa Setyembre 16, Biyernes ng hapon, sa UNP Town Center, Tamag, Vigan City sa Ilocos Sur.

Meron doong ribbon cutting, meet-and-greet at motorcade na dadaluhan din ng Beautederm ambassadors na sina Lorna Tolentino, Jelai Andres, Ejay Falcon, Jana Roxas at JC Santos, with Buboy Villar as special guest.

GORGY RULA

Kung proud si Mr. Crisologo sa kanyang asawa, ganundin ang 6-year old daughter nilang si Olivia.

Nagkuwento si Beauty kung ano ang ginawa ng kanyang anak habang nagpapahinga siya sa kanilang tahanan.

Ani Beauty, “Kahapon nga, nasa bahay ako, natutulog ako, nagpahinga ako. Kasi, galing ako ng taping the other day, and then sabi niya sa akin, ‘Mommy, I wanna go to the park.’ ‘O sige.’ Pagbalik niya, ‘Mama, may surprise ako sa ‘yo. Surprise! Lumabas ka!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayoko lumabas kasi pagod ako. Hindi pa ako nakaligo. Wala akong ayos. Sabi niya, ‘Lumabas ka ng bahay.’ Paglabas ko, tinawag niya lahat ng mga kasambahay. Pinapunta niya.

“Sabi niya, ‘Mama ko iyan!’ Oh my God! Lahat ng mga kasambahay na mga neighbors ko, nandun sa harap ng bahay namin… She’s very proud, for her to do that.

“Sabi ko sa kanya, ‘Baba, okay lang naman. Next time, sabihan mo ako para makapagsuklay man lang ako, o like nag-toothbrush.’

“Yung paglabas ko ba, hala! Ginoo ko! Isang barangay! 'Tapos, wala pa akong suot na maayos na damit.

“Nakakatuwa kasi siyempre, iyun naman ang gusto natin sa mga anak natin na maging proud din sila sa atin, and at the same time, proud din tayo sa kanila.

“So, I’m happy na everytime I see my daughter, she does things for me and she looks at me in a loving way. Parang… I did something right in this world. So, thankful ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ang dami ngang dapat ipagpasalamat ni Beauty Gonzalez. Umaariba talaga ang career niya at nagkaroon ng premium dahil sa sunud-sunod na projects.

Excited si Beauty sa second international movie niya na ipapalabas sa isang filmfest.

“I’m not yet sure but it will be in Korea raw. So I’m really excited, kasi first dark film ko ito na no make-up and all the way horror talaga,” kuwento ng Kapuso actress.

“And it’s directed by a fellow Cebuano also. So I’m very excited for everyone to see it.”

Nakatapos din si Beauty ng movie with Kelvin Miranda, na kinunan ni Direk Adolf Alix Jr. sa Bolinao, Pangasinan.

“Hindi ko pa alam kung ano ang plano ni Direk Adolf with it. But for now, you know, we’re just waiting for the right time,” saad ni Beauty.

“Kasi, ang hirap din to just open agad, and hindi pa naman tayo as open kagaya sa ibang lugar sa mundo dito. It will have a good time, at the right time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Excited din si Beauty na mag-all out kontrabida sa drama series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters, kasama sina Aiko Melendez, Thea Tolentino at Angel Guardian.

“I get to play around, you know. Like mae-explore ko kung ano pa ang kaya kong gawin and gusto ko rin, nami-miss ko na rin yung drama-drama talaga,” lahad ni Beauty.

“Yung very caricature drama! Or like ano... so, I’m really excited and ibang-iba naman.

“Ang boring kasi if you do just one role at a time lang. Yung isang role lang na nanay, or mabait.

“Maganda rin yung I get to explore kung ano pa yung kaya kong gawin.”

For sure, magsho-showdown sila ni Aiko Melendez sa The Flower Sisters.

“Yeah, showdown tayo! It’s gonna be like… hindi lang sampalan. Ibang-ibang away talaga! Level up! Basta, abangan nyo!” pagbungisngis na naman ni Beauty.

At mukhang secure ang marriage at family life ni Beauty, kaya OK na sila ni Norman sa isang baby at marami pang projects na haharapin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Good luck and congratulations, Beauty! With your many projects lined up, sana’y lalo pang maging grateful at mabait ka sa mga katrabaho at mga kasama sa buhay!

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Siguradong level-up ang aktingan nina Beauty Gonzalez at Aiko Melendez sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters, kasama sina Thea Tolentino at Angel Guardian. Pagmamalaki ni Beauty, “Yeah, showdown tayo! It’s gonna be like… hindi lang sampalan. Ibang-ibang away talaga! Level up! Basta, abangan nyo!” (Photo by Jerry Olea)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results