Herlene Budol, "bunganga" ang itinuturing niyang best asset

by PEP Troika
Sep 14, 2022
herlene budol smiling
Herlene Budol: “Dati naman, may rumerespeto sa akin pero feeling ko, nadagdag lang yung respect ko sa ibang tao din. Kasi, nagrerespeto naman ako. Yung iba, hindi ako nirerespeto dati. Ngayon, talagang nararamdaman ko na."
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram

JERRY OLEA

Nakaka-Budol ang mga punchline at paandar ni Herlene Nicole Budol aka Hipon Girl nang ilunsad siya bilang endorser ng Rejuviant lotion and body wash.

“Actually ano ako, dilimigenic,” pakli ni Herlene nang ayusin ang puwesto ng ilaw sa mediacon noong Setyembre 7, Miyerkules, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

“Sabi ko nga kanina, ‘Sana, ano lang, dim light lang para fresh tayo, di ba?’ Bet ko yung mga ganyang lighting-lighting.”

Bilang beauty queen at skincare endorser, dapat ay hindi siya magmukhang haggard. Paano niya napapanatili ang kanyang magandang kutis?

Napakunot-noong hirit ni Herlene, “Ewan ko. Siguro kasama din yung dasal. Siyempre, kahit nasa bahay ka naman, dapat naman, nakaayos ka naman.

“Siyempre, ikaw na lang yun… kung sa ibang tao nga, nakakapagpaganda ka, bakit sa sarili mo, hindi mo kayang gawin?”

May pressure ba na dapat, pang-role model lagi ang galawan?

“Ewan ko. Kasi naaano ako. Actually, kasasabi ko lang nito kahapon kay Sir Wilbert [Tolentino, her manager], e,” pag-amin ng uniquely beautiful with a mission na si Herlene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, ‘Sir Wilbert, ahhm sa tingin mo ba, nawala na yung dating ako na ang ingay ko talaga?’ Ngayon, medyo pigil na pigil ‘to.

“Pero parang nae-enjoy na rin ako. Yung parang… ahhhm, parang dati, sinasadya kong gawin ang mga bagay na dapat babaihan.

“Ngayon, parang siya na mismo ang nagpapaalala, ‘Uy! Dapat hindi ka ganyan.’ Pero hinahanap-hanap ko yung dating… yung pag napapanood ko ang sarili ko na umaakting ako.

“Meron akong pinanood, yung Gayuma kahapon, pinapanood ko. Sabi ko nga, ‘Yeah, parang ano, ahh… parang tanga lang!’

“E, kasi, parang ano, meron ding talagang… ang laki ng nadagdag sa akin nung sumali ako ng pagiging beauty queen.

“Hindi naman sa pressure. Happy ako na nadagdag siya sa buhay ko.

“Dati naman, may rumerespeto sa akin pero feeling ko, nadagdag lang yung respect ko sa ibang tao din.

“Kasi, nagrerespeto naman ako. Yung iba, hindi ako nirerespeto dati. Ngayon, talagang nararamdaman ko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung pagtawag lang, ‘Uy, Miss Herlene!’ O, may ‘Miss’ na. Dati, ‘Oy, Hipon!’ Ganun lang. ‘Kumusta?’ Parang ganun lang dati.

“Ngayon, parang nakaka-touch na. ‘Uy, Miss Herlene, puwede pong keme?’ Ganyan.

“Dati, ‘Hipon, pa-picture naman, pahingi namang bente diyan, Hipon!’ Parang dati, ganun.

“So, parang mas na-appreciate ko. Pero dahil ganun nila ako tawagin dati, ibig sabihin naman, komportable ang mga taong nakapaligid sa akin.

“Ngayon, nagkaroon lang ng pag-tweetums na konti.”

GORGY RULA

Truly squammy, every inch hiponatic! In-embrace ni Herlene ang pagiging consummate Hipon Girl.

Open ba siya sa cosmetic surgery? Kung sakali, ano ang gusto niyang ipa-enhance?

“Puwede bang lahat na lang?!” kikay na hirit ni Herlene.

“Ahh, feeling ko kasi, nasa tao naman 'yan, e. Kung sinong taong alam nyong makakapagdagdag ng confidence nyo, why not?

“E, di gawin lang natin kung ano yung gusto nating gawin. Andito tayo sa Pilipinas, we can do what we want!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa palagay niya, ano ang kanyang best asset?

“Yung bunganga ko. Yung bunganga ko kasi wala talaga akong talent. Hindi ako marunong kumanta, hindi ako marunong sumayaw,” pagtatapat ni Herlene.

“Kapal lang talaga ng mukha at saka kung paano ko dalhin yung sarili ko siguro na lang.

“Ganun, bunganga. Kasi, parang nakakaganda kapag… hindi ba nakakaganda masyado pag maingay ka? Ahh, wala! Wala na lang akong asset.

“Sa amin, marami kaming asset dun sa amin.”

Very endearing ang dating ni Hipon Girl sa mga ka-Budol. Tuwang-tuwa at aliw na aliw sa kanya ang mga ka-Squammy.

Para sa kanya, ano ang sikreto ng tunay na kagandahan?

“Feeling ko, bonus na lang naman yung mga nasa labas na kaanyuan natin. Pero dapat, mabuti ang ugali mo,” pananalig ni Herlene.

“Kasi, parang magre-reflect lang naman 'yan outside din kung ano yung ugali mo sa mukha mo, e.

“Saka yung kaartehan, yung ugali, ibinabagay sa mukha.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakadagdag ba sa confidence niya ang pagiging skincare endorser?

“Oo, ‘no?! Feeling ko, mabango ako. Hello! Skincare… pag sinabing skincare, mga walang pores, mga ano…

“Jessy Mendiola ang datingan mo! Hello… kapatid… Iisa ang nanay… Actually, minsan nalilito ako.

“Na pag nai-scroll down ko, ‘Ay!’ Akala ko, ako. Namamalikmata ako.”

Si Jessy ang isa pang endorser ng ini-endorse niyang skincare product. Ano ang feeling niya na katuwang si Jessy bilang endorser?

“Ayun nga, parang ano lang, sister. Parang… normal na nakakakita ako ng ganun. Twinnie?

“Nakaka-proud, ha?! Sobrang nakaka-proud! Kasi, ang ganda talaga naman niya!” palatak ni Hipon Girl.

“Para naman talagang angel! Parang sabi ko nga, ‘Ay! Bakit ako dinikit diyan?! Parang hindi naman deserved…’ Di ba?

“Pero nung sure na talaga, dito na ako, wala namang bawian pa… ayun, tuwang-tuwa ako! Syempre, naihelera na ako sa kanya.

“Sexy din siya. Ngayon, buntis siya. Actually ano po, abangan nyo po, magko-collab kami ni Luis Manzano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Super-mabait po silang mag-asawa. Dati pa talaga sila nag-aano sa akin. Shout out nga pala! See you! Excited na po ako!”

NOEL FERRER

Endorser si Herlene ng dalawang produkto—body wash at lotion. Alin ang mas malapit sa personality niya, yung lotion o yung body wash?

“Para sa akin kasi, para siyang kape. Kasi di ba, alangan namang mag-asukal ka lang, hindi ka magkakape,” tugon ni Herlene.

“May ibang tao, ganun. Nagkakape, walang asukal. Pero para sa akin kasi, yung body wash, e, di pampaligo.

“E, di pagkatapos mong maligo, e, di mag-lotion ka. Wala namang kakulangan kung hindi mo pa gagawin. Wala namang mawawala sa 'yo kung di mo pa gagawin.

“E, combo 'yan, e. Sira-ulo ka pag hindi mo pinagsabay 'yan. Perfect combination 'yan, e!”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol: “Dati naman, may rumerespeto sa akin pero feeling ko, nadagdag lang yung respect ko sa ibang tao din. Kasi, nagrerespeto naman ako. Yung iba, hindi ako nirerespeto dati. Ngayon, talagang nararamdaman ko na."
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results