Lolit Solis, naalala ang glorious "patay-hopping" nila ni Douglas Quijano

by PEP Troika
Sep 15, 2022
Lolit Solis, Douglas Quijano
Lolit Solis on late close friend Douglas Quijano: Talagang ang hilig-hilig niya! Funeraria Paz, Funeraria tsuk, lahat ng patay, nagpapatay-hopping kami, ha?! Ampohtang iyan! Saka sa ospital. Number one talaga siya, unang-unang dadalaw."
PHOTO/S: Jerry Olea / Noel Orsal

JERRY OLEA

Magdadalawang buwan na mula nang maospital si Lolit Solis. Ang pinagkakaabalahan na lang talaga niya ay pagpapa-dialyis tuwing Martes at Biyernes sa FEU-NRMF Medical Center sa Novaliches, Quezon City.

Tuwing nagpapa-dialysis ang 75-anyos na si Manay Lolit, naaalala niya ang kakontemporaryo at matalik na kaibigang si Douglas Quijano na yumao noong Hunyo 2009.

Si Tito Dougs ang dating manager nina Richard Gomez, Lucy Torres Gomez, Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana, Joey Marquez, Janice de Belen, Gelli de Belen, Wendell Ramos, John Estrada, Anjo Yllana, at Antonio Aquitania.

“Si Douglas ang talagang ano, pag andito ako sa ospital… kasi si Douglas, ang hilig-hilig na dalaw nang dalaw sa ospital at saka sa patay,” lahad ni Manay Lolit noong Setyembre 13, 2022, Martes.

“Naku! Talagang lahat ng patay, sinusuyod namin pag ano. E, iritableng-iritable ako dahil pag-uwi, parang natatakot na ako, di ba?

“Parang nakakatakot matulog. Talagang ang hilig-hilig niya! Funeraria Paz, Funeraria tsuk, lahat ng patay, nagpapatay-hopping kami, ha?! Ampohtang iyan!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Saka sa ospital. Number one talaga siya, unang-unang dadalaw. Talagang ano siya.”

Sinu-sinong patay sa showbiz noon ang pinupuntahan nila ang lamay?

“Kahit sinong patay, reporter o ano, kinakaray niya ako. Kung minsan nga, ‘Douglas, hindi ko siya type!’ tsu-tsu. ‘Hindi, patay na yun! Kailangang napatawad mo na yun!’

“Tapos tsuk, ang tagal-tagal niyang makipagkuwentuhan. Nung bata pa ako, ayokong kumakain sa patay. Di ba, ang mga parents mo, sinasabi, ‘Huwag kang kakain sa patay! Mabi-bring mo yung spirit…’

“E, si Douglas, ang hilig-hilig kumain sa patay. Ha! Ha! Ha! Oo, ang hilig-hilig niyang kumain sa patay, 'Day! Oo, sa lamay! Ang hilig niya!

“Talagang… ‘Anong handa?’ Ha! Ha! Ha! Dati nga, alam ko, walang nagpapakain sa patay.

“Yung nanay ko, ayaw na ayaw kakain sa patay. Naku, dahil kay Douglas, natuto ako—kailangan pala, may pagkain sa patay!

“Talagang ewan ko, ha? Lahat ng patay na puntahan namin noon ni Douglas… except yung mga reporter na majijirap, di ba? Talagang ano, Sarsaparilla, Cosmos, at saka biscuit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lahat ng pupuntahan namin, bakit merong pa-catering? Dun ako nakaano na sa patay pala, puwedeng magpakain.

“Kasi ang alam ko talaga, sa patay, hindi nagpapakain. Pero dahil kay Douglas… ay! Dapat pala chu-chu!

“Si Douglas talaga, yun ang unang chine-check. Tapos ge-gets na siya. Chuk, tapos uupo na siya. Makikipagkuwentuhan na.

“Paano namatay chu-chu, anong nangyari? Chu-chu, chu-chu. E, imagine-in mo yun, tatlong ganun ang pupuntahan niyo isang gabi. Na ewan ko naman, bakit nauuto niya ako lagi isama.

“Ako naman, ‘Naku, Douglas, huwag na iyan! Kasi hindi ko naman iyan kaano!’ Chu-chu!”

Napapanaginipan ba niya si Tito Dougs? Dougs ang tawag kay Douglas Quijano. Nagpaparamdam ba ito sa kanya?

Sagot ni Manay Lolit, “Hindi, yung feeling niya, yung presence niya…”

Ang glorious patay-hopping nila ni Tito Dougs ay noong '70s naganap

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Naiintindihan ko iyang gawi ni Tito Dougs dahil ang turo rin sa amin ng mga magulang namin, okay lang maging absent sa mga masasayang panahon ng mga kaibigan at kapamilya namin—dahil tiyak marami naman silang nagse-celebrate.

Pero dapat nandoon daw kami sa mga panahong mahina sila at maysakit o kung may yumao. Ito ang ang test ng tunay na friendship.

Aminin man nila o hindi, sa ganitong pagkakataon nila mas kailangan at mas naa-appreciate ang kasama at kaibigan.

Kaya hangga’t maaari, ganoon din ang ginagawa ko sa mga tunay na mahal at pinahahalagahan ko.

Lagi ko pa ring ipinagdarasal ang lubos na paggaling ni Nay Lolit dahil nakaka-miss ang sigla at saya na dulot niya sa buhay-showbiz.

GORGY RULA

Ramdam ko ang pangungulila ni Nay Lolit sa mga matatalik niyang kaibigan kagaya ni Tito Dougs. Nakaka-miss naman talaga si Tito Dougs dahil napakabait niya sa lahat, lalo na sa mga reporter na close din sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang alam kong isa sa nami-miss ni Nay Lolit na kaibigan niya ay si Tita Bibsy Carballo, na dating nagha-handle kina Dawn Zulueta, Gretchen Barretto, Boots Anson Roa-Rodrigo, at marami pa.

Kapag type niyang makipagsosyalan, super tsika siya kay Tita Bibsy. Ang bongga raw kasi na pagka-rica-rica ni Tita Bibsy, lalo na pag gusto mong makita ang mga mamahaling paintings.

Hinding-hindi raw niya makalimutan ang napakalaking painting ng isang magandang babae na nakalagay sa malaking bahay ni Tita Bibsy sa San Juan. Itinuro raw sa kanya na likha yun ni Amorsolo.

Gandang-ganda si Nay Lolit, kaya kinulit-kulit daw niya si Tita Bibsy na hingin niya ang painting na yun. “Gaga! Lola ko 'yan!” tili raw sa kanya ni Tita Bibsy.

“Hindi ka ba naman maloloka! Si Amorsolo ang nagpinta sa portrait ng lola niya?” bulalas ni Manay Lolit.

Iba talaga ang samahan ng karamihang beteranong talent managers noon, di ba? Pero marami rin siyang dapat ipagpapasalamat sa mga kaibigan niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itong pagkakasakit niya ay doon niya nakilala kung sino talaga ang mga tunay na kaibigan, hindi yung pang-showbiz na kaibigan. Kahit ayaw niya sanang magpadalaw sa hospital sa dialysis, nakaka-touch na naglaan sila ng oras para puntahan siya at kumustahin.

Ang nakakaloka pa ay kahit paano, may naiaabot sa kanya para panggastos sa hospital.

“Isipin mo naman, two months na akong nagkasakit, hindi pa nabawasan ang pera ko ni singko?! Parang nagpa-fund raising na ako, di ba?” bulalas ni Manay Lolit.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lolit Solis on late close friend Douglas Quijano: Talagang ang hilig-hilig niya! Funeraria Paz, Funeraria tsuk, lahat ng patay, nagpapatay-hopping kami, ha?! Ampohtang iyan! Saka sa ospital. Number one talaga siya, unang-unang dadalaw."
PHOTO/S: Jerry Olea / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results