Jericho Rosales, napamulagat sa tsismis na hiwalay na sila ng asawang si Kim Jones

by PEP Troika
Sep 19, 2022
jericho rosales inside the car
Napamulagat si Jericho Rosales nang hiningan namin siya ng reaksiyon na pati sila ng asawa niyang si Kim Jones ay hindi rin nakaligtas sa tsismis na hiwalayan.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Si Jericho Rosales ang isa sa special guests sa 4th anniversary celebration ng beauty and skin care products na Jenna Essence na ginanap sa Blueleaf Cosmopolitan sa Pasig City nung Linggo, September 18.

Nag-perform din ang grupong El Gamma Penumbra kung saan inilahad nila sa kanilang shadow dance ang hirap na pinagdaanan ng president at CEO ng kumpanya na si Ms. Jenna Reyes hanggang sa naabot niya ang tagumpay na tinatamasa ngayon.

Nag-perform din si Klarisse de Guzman na naka-duet pa si Jenna.

Si Echo ang huling nag-perform kung saan parang nag-mini concert ito. Ang huling kinanta niya ay ang "Makita Kang Muli" na theme song ng fantaserye niyang Panday (2005) katambal si Heart Evangelista.

Nagtilian ang audience nang binanggit ng aktor ang dating girlfriend na si Heart.

Inabangan namin si Jericho para hingan sana ng reaksiyon sa kinasangkutang isyu ni Heart. Pero hindi namin siya nakita pagkatapos niyang mag-perform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nataranta kami sa paghahanap kung saan siya dumaan. Mabuti at naabutan pa namin siya sa labas ng venue na nasa kotse na ito. Pinagbigyan niya kami ng maikling interview.

Napamulagat si Jericho nang hiningan namin siya ng reaksiyon na pati sila ng asawa niyang si Kim Jones ay hindi rin nakaligtas sa tsismis na hiwalay na raw sila.

Kinumusta muna namin si Kim at magiliw naman niyang sinagot na, “Good! Great! I think she’s going to Paris for Fashion Week.”

Sinundan namin ng tanong kung totoo ba yung tsismis na hiwalay na sila. Natigil siya sandali at nagtanong pa kung sino.

Sabi namin, kung sila ni Kim ay hiwalay na raw.

“All right guys! I love you. Thank you!” paiwas na sagot ni Jericho.

Hindi na tuloy namin siya nahingan ng reaksiyon tungkol sa isyu ring hiwalayan ni Heart at ng asawa nitong si Senator Chiz Escudero.

Samantala, nilinaw ni Jenna Reyes na hindi endorser si Jericho ng produkto nila. Nag-perform lang daw ang aktor para sa distributors nila. Inaayos pa raw nila ang pagkuha ng celebrity endorser na bagay talaga sa kanilang produkto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“As of now, we’re planning pa lang. So, talagang kailangan naming pag-isipan pa nang mabuti,” pakli ng COO at partner ni Jenna na si Christian Sanchez Go.

“Gusto talaga namin yung swak sa personality namin at sa personality ng brand. Kailangan medyo papareho siya, na mamahalin yung brand tulad ng pagmamahal namin,” sabi naman ni Jenna.

Pero kung papipiliin siya, gusto raw niya sana talaga na mag-endorse ay ang iniidolo niyang si Erich Gonzales.

JERRY OLEA

Dito muna si Jericho sa Pilipinas dahil may gagawin siyang film. Pero hindi pa raw puwedeng sabihin kung ano ito.

“Piolo [Pascusl] and I are going to the U.S. November, and we’ll be there a month or a month and a half maybe. And maybe holidays there, balik-balik din dito,” sabi ni Jericho.

Posible bang lumipat siya sa ibang network? May offer ba sa kanya ang GMA-7 o ang ALLTV?

“Greatly appreciated. I just really wanna focus on film lang muna,” sambit ng mahusay na aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ang tagal ding nag-ingat ni Jericho at hindi naglalalabas noong kasagsagan ng COVID kaya ingat pa rin siya sa lock-in shoots.

Excited ako sa gagawin niyang pelikula. Isang malaking pelikula ito na obra ng isang premyadong direktor. At malapit sa akin ang isang makakasama niya.

Nakaka-excite ang next moves ni Echo, promise. Abangan po natin ito!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napamulagat si Jericho Rosales nang hiningan namin siya ng reaksiyon na pati sila ng asawa niyang si Kim Jones ay hindi rin nakaligtas sa tsismis na hiwalayan.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results