PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lolit Solis, na-touch sa pag-aalala sa kanya ni Kris Aquino

Kris Aquino, pinatanong kung ano ang kailangan ni Lolit Solis.
by PEP Troika
Published Sep 28, 2022
lolit solis kris aquino hospital
Lolit Solis (left) on Kris Aquino (right): "Tinawagan agad ni Tetay si Alvin, yung alalay niya. Pinatanong agad kung ano ang kailangan ko chu-chu-chu-chu, chu-chu... Di ba, nakaka-touch? Andoon siya sa abroad, meron siyang sakit. 'Tapos kahapon, natanggap ko ang text na ito."
PHOTO/S: Jerry Olea / @krisaquino on Instagram

JERRY OLEA

Touched na touched si Manay Lolit Solis kay Kris Aquino.

“Ikinuwento ni Ronite na nagpapa-dialysis ako, di ba?” lahad ni Manay Lolit sa PEP Troika nitong Hunyo 27, Martes ng hapon, sa FEU-NRMF Medical Center, Novaliches, Quezon City.

Si Ronite ay masigasig na personal shopper, na mutual friend nina Tetay (palayaw ni Kris) at Manay Lolit.

Pagpapatuloy ng 75-anyos na talent manager, “Tinawagan agad ni Tetay si Alvin, yung alalay niya. Pinatanong agad kung ano ang kailangan ko chu-chu-chu-chu, chu-chu.

“Finorward sa akin ni Alvin yung text ni Tetay sa kanya, ‘Nanay Lolit is undergoing dialysis according to Ronite in FEU. Pls message her and ask her if there’s any way we can be of help.’

“Di ba, nakaka-touch? Andoon siya sa abroad, meron siyang sakit. 'Tapos kahapon, natanggap ko ang text na ito.

“Eto ang reply ko kay Alvin, ‘Tell Kris I appreciate much. I’m very grateful to her. Everything is OK. Pag kailangan ko ng ayuda, she will be the one I’ll text first. Praying also for her recovery and pls get well the soonest for Joshua and Bimby. Salamat talaga, Alvin. All my love and thanks.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Di ba, talagang yung …,” gumaralgal ang boses ni Manay Lolit, “yung concern siya sa iyo na mata-touch ka talaga, di ba, kesehodang naughty ang pokengkay, may kagagahan.

“Pero para for her na maisip pang… kung ano ang kailangan ko, di ba? E, si Kris, never iyong drawing na kunwari tutulong.

“Pag sinabi niya talaga, halimbawa sabihin ko kay Alvin, ‘Alvin, kailangan ko ng P100,000.’ Ipapadala niya yun tiyak!

“Hindi siya drawing! Maaano mo yun na kunwari, ‘Ay! Akong bahala sa iyo, tutulungan kita pag kailangan mo chu-chu!’

“Pero pag kailangan mo, wah naman iyon, di bah?! Drawing! Hindi ganun si Tetay!!!”

NOEL FERRER

Hanash pa ni Manay Lolit, “Lagi mong ilagay sa utak mo na dapat meron kang relevance para bigyan ka rin nila ng relevance! Di ba?!

“Nasa showbiz tayo, e. Siyempre may mga tao talaga… maliban talaga kung ganun kayo ka-close na anytime, kahit wala na silang pakinabang sa iyo, pwede kang tulungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero mas marami ang, ‘Bakit ko tutulungan iyan, wala naman akong mapapakinabang?!’ Mas marami ang ganun.”

But only good vibes. Sa loob-loob ni Nay Lolit, masaya at panatag siya. Promise!

Iba lang talaga ang IG Persona niya.

GORGY RULA

Kabilang sa mga artistang dumalaw na kay Nay Lolit habang nagda-dialysis siya sa ospital sina Senator Bong Revilla, former Congressman Alfred Vargas, Rhian Ramos, at Tonton Gutierrez.

Nagtatampo pa kunwari before si Tonton na nagpapadalaw lang si Manay Lolit sa senador at congressman, pero sa ordinaryong tao raw na tulad niya ay hindi puwede.

Ayon kay Nay Lolit, kagaya ni Alfred ay panay-panay ang pa-picture ni Tonton sa mga nars at ibang mga pasyente. Inusisa raw ni Tonton yung proseso ng dialysis machine.

Salaysay ni Manay Lolit, “Sabi niya, ‘Ano iyan, Nay? Ano ang ginagawa niyan?’ Sagot ko, ‘Nililinis yung dugo ko chu-chu.’ ‘Ba’t hindi yung budhi mo ang ipalinis?’

“Sabi ng potah! Binubuwisit ako! Kalokah, di ba?! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” masayang halakhak ni Nay Lolit.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Of course, alam ni Nay Lolit na biro lang yun ni Tonton, at mahal na mahal siya nito. Brutal na lambing?!

Meron pa bang iba na nagtatampo dahil ayaw niyang padalawin?!

Talak ni Manay Lolit, “Naku! Diyos ko! Tumigil nga sila, no?! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lolit Solis (left) on Kris Aquino (right): "Tinawagan agad ni Tetay si Alvin, yung alalay niya. Pinatanong agad kung ano ang kailangan ko chu-chu-chu-chu, chu-chu... Di ba, nakaka-touch? Andoon siya sa abroad, meron siyang sakit. 'Tapos kahapon, natanggap ko ang text na ito."
PHOTO/S: Jerry Olea / @krisaquino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results